CHAPTER FIVE (edited)

2.8K 34 0
                                    

- 5 -

Lianne's Point Of View

"D-doc?!"

"Exactly."

Ngumiti naman ako. Siya lang pala tsk!

"Uuwi ka na ba?"

"ah, oo Doc. Naghihintay lang ako ng sasakyan."

Tumingin muna ito sa mga dala ko.
"Sabay ka na sa akin."

"H-hindi na Doc. Salamat na lang pero maghihintay na lang ako ng sasakyan."

"Come on. Kung iniisip mo maabala mo ako, nagkakamali ka. Come."

Lumapit ito at mabilis na kinuha ang mga dala ko tsaka diretsong binuksan ang kanyang sasakyan.
"D-doc kasi--"

"Let me. It's already twelve in the morning."

Pumikit ako nang mariin. Ang kulit pala ng doktor na 'to.

"S-Sige na nga."

Wala naman sigurong masama. Nagmamagandang loob lang yung tao.

Hinintay muna niyang makapasok ako bago tinungo ang driver's seat.

"So saan banda ang bahay mo Lianne?"

Tumingin ko sa kanya "ah Landalia street pa Doc."

"okay but please call me Dredge or Khaled instead. Wala tayo sa ospital. "

"huh? Wala namang masama sa Doc diba?"

"yeah, pero gusto ko tawagin mo lang ako sa pangalan ko. Okay?"

Aba! Demanding ang lolo niyo.

"o-okay hehe"

"Gusto kong marinig."

"ha? Ang alin?"

"tawagin mo ako sa pangalan ko."

Napanguso na lang ako.
"hmm..Khaled. Khaled Granderson. Okay na? Nakapanibago hindi ako sanay e. Nakasanayan ko na kasi na Doc ang tawag sa 'yo."

"Again."

"Khaled! Khaled! Khaled! Happy?"

Natatawang bumaling siya ng tingin sa akin "Better."

Tahimik lang akong nagmasid sa labas. Napakamot ako sa ilong ko, ang bango naman kasi nang sasakyan niya. Masyadong matapang.

Nakita ko ang pamilyar na daan papunta sa bahay kaya medyo nag ayos na ako.

"Kanan Do-ah Khaled, kanan."

"saan banda?"

"Ayan. Yung gate na color green,yung puno ng mga halaman."

"So, mahilig ka sa halaman?"

"Yeah. Kami ni Lola."

Pagkatigil ay mabilis itong lumabas para pagbuksan ako nang pinto.
Gentleman huh?

Pero naiilang ako rito dahil sa ginagawa niya. Alam nang marami na fiancé ko na si Raymond. Tiyak na magtataka ang mga makakakita sa aming mga kapitbahay. Kahit pa alas dose na.

Kahit pa sabihin namin na wala lang yon. At talagang nagmamagandang loob lang ay hindi mo makokontrol ang mga isip nila.

"ahm Khaled. Thank you ha?" ayain ko na lang na pumasok. Alok lang naman, pambayad sa ginawa niya. "Gusto mo bang pumasok?"

"Ah no, mauuna na rin ako."

"Okay sige. Maraming salamat ulit. T-tsaka mag-iingat ka."

Ngumiti ito. Ngiting nakakahawa.
"I will."

I Love You Doctor (Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum