CHAPTER NINETEEN (edited)

2.1K 30 1
                                    

- 19 -

Kasalukuyan akong nagluluto rito sa kusina nang makarinig ako ng katok.

Hindi ko kaagad iyon pinagbuksan. Baka naman kasi nagkamali lang ako nang rinig at ang kawali lang ang narinig kong tumunog.

Nang may kumatok ulit ay kumilos na kaagad ako. So hindi ako nagkakamali.

Nakakatakot kasing magbukas ng pinto, lalo na ngayon at malalim na ang gabi. Nagutom lang kasi ako kaya ako bumangon at nagluto.

Sabi rin iyon ni Khaled. Huwag kong pagbuksan ng pinto kapag may kumatok at wala akong inaasahang bisita.

Medyo natakot naman ako. Wala nga akong inaasahang bisita.

Kumatok ulit iyon kaya mas lalo akong natakot. Dalawa lang kami ni Lola ang nakatira rito kaya pwedeng pwede nila kaming gawan ng masama.

"Lola Lilia! Si Pj po ito." kaagad na nakahinga ako nang maluwag.

Nang binuksan ko ito ang pinto ay nakangiti at mukhang pagod na PJ ang bumungad sa akin.

"Hai.."

"Oh Hai, tuloy ka." niluwagan ko ang pinto para makapasok siya at maipasok din niya ang mga dala niya.
"Bakit masyado naman atang gabi ka nakarating?"

"Ah, alas dose kasi ako bumyahe kanina. Tapos medyo traffic sa mga bayan. Ewan ko ba."

Napansin ko lumaki ang katawan niya. "Gisingin ko lang si Lola."

Itinuro ko muna ang sofa para aumenyas na pwede siyang umupo. "Wait lang."

Tumango lang siya at ako naman ay dumiretso sa kwarto ni Lola.

Nang masabi ko ay mabilis akong bumalik para puntahan ulit si Pj at para tignan na rin ang niluluto ko.
"Tara sa kusina, iwan mo muna riyan ang mga bag mo."

"ah! O sige." mabilis siyang sumunod sa akin. "Kumusta Lianne?" tanong nito habang dinudungaw ang niluluto kong pancakes.

"Okay lang naman. Kayo? Kumusta sila roon?"

"Okay lang din naman kami--"

"Bakit ginabi ka hijo?" narinig kong tanong ni Lola kay PJ. Si PJ naman ay mabilis na lumapit at nagmano. "tanghali po akong bumyahe Lola."

"Ah ganoon ba? Kumain ka na?"

"Hindi pa po."

"Oh Kumain ka na muna, buti may natira pa kanina sa ulam namin ni Lia." Nakita ko namang sumunod siya kay Lola. Napansin ko. Parang hindi siya maingay ngayon, wala na rin yung hikaw sa kaliwang tenga niya. Pero mas napansin ko yung buhok niya ngayon, clean cut na. Noon kasi ay laging mahaba at may kulay, kung hindi red ay blonde.

"Laki ata ng pinagbago mo ngayon Pj?" Puna ko.

"Ah. Ito ba? Haha nagsawa na ako." Yung lang at dahan-ahan siyang bumaling ulit sa iba.
Ipinagkibit balikat ko na lang. Mabuti naman kung ganoon.

May mga tao talagang handa pa rin para magbago.

Nang matapos ang lahat ay napagpasyahan naming matulog na. Buti lagi naming sinasama ang isang kwarto sa paglilinis na hindi naman namin ginagamit. Kaya naman doon namin pinatuloy si Pj.

Sana naman ay nagbago na nga ito, hindi lang sa panlabas. Naalala ko nung nagpang-abot sila ni Raymond noong nanliligaw pa lang. Nandito rin kasi siya noon.

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now