CHAPTER THIRTY-FIVE

2.2K 29 0
                                    

- 35 -

Bumaba ako nang matapos kong makausap si Khaled sa Skype. Ni-charge ko na rin lahat ng gadgets na mayroon ako maliban sa camera dahil hindi naman niya ako matatawagan doon. Tatlong araw pa lang siya roon, gusto na kaagad umuwi.

Ala una na nang madaling araw doon at hapon na rito. Maghahanda ako ng makakain, tutal alas tres pa lang naman. Tulog si Lola at ang dalawang magkasintahan ay umalis.a

Nilabas ko ang mga gulay dahil gusto ko ng vegetable salad.

Akmang uupo ako para maghiwa nang marinig kong may tao sa labas. Baka sila Pj at Gail na iyon. Pero may susi sila ng bahay bat hindi nila buksan.

Dali-dali kong buksan ang pinto dahil baka may naghahanap lang kay Lola.

Nang mabuksan ko ay bumungad sa akin ang nakangiting si Tita Elizabeth at isang abgang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang anak ni Raymond sa ibang babae.

"Lia.."
Nagulat ako pero hindi ko na ipinahalata at kaagad na ngimiti. I don't want to be rude atmabilis na niluwagan ang pinto para makapasok sila, kahit papaano ay itinuturing ko rin siyang ina at isang anak naman ako sa kanya noong mga panahong kami pa ni Raymond. "P-Pasok po kayo." Mayroon silang driver na pinapapasok ko rin pero tumanggi na ito.

"Salamat hija, naistorbo ka ba namin?"

"Hindi naman po Tita. Tara po sa kubo sa likod. Mas maganda at malamig po roon." Marahan niyang inakay ang bata na masunuring naglakad habang nakatitig sa akin.

Ngumiti ako pero nagulat ako nang ngumiti ito pabalik. Napakurap ako nang lumabas ang malalalim na biloy sa pisngi nito. "He likes you Lia." Wala akong masabi kay ngumiti na lang ako.
Iniwan ko muna sila sa kubo saglit para kumuha ng miryenda.

"Miryenda po Tita." Ngumiti ito sa akin. "Salamat."

"Ano pong sadya ninyo?" Magalang kong sagot bago ibaling sa bata ang tingin ko. Nakatitig lang ito sa akin na wari'y isa akong regalo na gustong-gusto niyang makita.

"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa nangyari noong nakaraan. Patawarin mo kami hija, dahil tinago namin sa'yo ang lahat. Gusto lang masigurado ng Tito Lucas mo ang kaligtasan ni Raymond." Napakunot ang nuo ko. Kaligtasan? mula Kanino? Sa akin?

"Hija, hindi aksidente ang lahat. Sinabutahe ng ama nang nabuntis ni Raymond ang sasakyan niya ng malamang nag-propose ang anak ko sa ibang babae at hindi sa anak niya. Umamin sa akin ang anak ko na may nadisgrasya sa bar kaya naman nagalit ako dahil baka mabuntis niya iyon at maging dahilan baka maghiwalay kayo, at yun ang nangyari, pero hindi sa inaakala kong paraan. He loves you so much Lianne until now. Hindi ko rin ito sinasabi para balikan mo ang anak ko, sinasabi ko ito dahil gusto kong malaman mo kung anong naging rason ng Tito Lucas mo. At ito na si Emmanuel, ipinakulong namin ang Lolo niya kaya naiwan siya sa amin." Nakakagulat ang mga sinabi niya pero bakit hindi ako maapuhap ang dapat kong sabihin. Hindi rin naman sana mangayayari ang mga ito kung hindi niya ako niloko..

"Nagtaksil siya sa'yo, alam kong yan din ang nasa isip mo hija pero maging iyon plinano ng mga may galit sa kanya sa kompanya. He's on drugs that night at nagkataon na ang babaeng iyon ay naging biktima rin ng mga demonyong iyon."

Oh my God.

Nagsimula na namang uminit ang gilid ng mga mata ko. "Tita patawarin niyo po ako sa mga naisip kong mali sa inyo." Tumulo ang luha ko nang masabi ko iyon. All these time biktima si Raymond.

"Kami dapat ang humingi ng tawad sa iyo hija, kahit sana papaano'y sinabi namin sa'yo. Patawarin mo kami hija." Umiiyak na saad nito.

"Tita... kalimutan na po natin ang nangyari, ang importante po ay buhay si Raymond at may bonus pa kayong Emmanuel." Niyakap ko ito na mas lalo niyang ikinahagulgol.

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now