CHAPTER THIRTY-SEVEN

2.1K 26 1
                                    

- 37 -

Nagising akong parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko, kaya kahit pipikit pikit pa ay mabilis akong tumakbo sa banyo.

Sa tatlong araw na ganito ako. Hindi na ito bago sa akin. Mamaya na ang birthday ni Emmanuel wala pa akong nabibiling regalo.

Ang plano ko sana ay magbe-bake na lang ng cupcakes na ang flavor ay malunggay. Kaso wala akong gagamitin dahil hindi na ako nakapag grocery dahil maya't maya nahihilo at naiihi ako.

Ayoko rin ng amoy ng usok dahil malakas ang tiyansa na mas lalo lang sasama ang pakiramdam ko.

"Auugh!"

Wala namang lumabas. Naiiyak ako sa mga nangyayari sa akin. Magpapa-check-up ako mamaya. Hindi ko muna ito sasabihin kila Lola, baka mag-alala yun at atakihin sa puso.

"Ate, kakain na." Napatigil ako nang matinig si Gail sa labas. Inayos ko ang sarili ko at nilabas siya.

"Okay ka lang ate?" Tumango ako bago naunang maglakad sa kanya pababa.

"Ate ang tamlay mo. Namimiss mo na ba ang boyfriend mo?" Humagikhik ito na ikinasimangot ko. Ni hindi nga niya ako matawagan. Sabi niya busy siya. Isa pa sa nagpapabigat ng pakiramdam ko yun.
Tumigil siya nang makita ang itsura ko. "Bakit ate?"

Padabog akong bumaba. "Busy na lang siya lagi! Ni hindi na nga niya ako tinatawagan."

"Hala.." narinig kong usal niya.

Humarap ako sa kanya nang may maalala. "Samahan mo ako sa mall Gail gusto mo?" Nag-isip siya bago ngumiti "sige ate."

Bibili na lang ako. Sa lagay ko baka hindi ko matantsa ang mga rekados at madisappoint sa akin ang bata. Ayokong mangyari yun.

Nagbihis na ako dahil ang plano ko ay didiretso na roon at isasama ko si Gail.

"Ate, okay na ba 'to? Hindi nakakahiya ang suot ko?" Tanong niya habang inaayos ang kulay maroon na dress sa harap ko.

"Ang ganda mo naman Gail!" Lumapit ako sa kanya at kinurot ang pisngi. Napasobra ata kaya tinigilan ko.

"Ang sakit ate..." Pagrereklamo niya. Tumawa lang ako.

"Okay sorry na. Halika na ganda." Hapit sa katawan ang dress na isinuot ko.

Bumili na lang ako ng dalawang bracelet at ipina engraved ang pangalan naming dalawa.

'Mama Lianne' & Emmanuel.'
tag-isa kami. Ipinabalot ko iyon sa napakagandang lalagyan para naman hindi magmukhang minadali lang.

Pagkatapos namin ay dumiretso na agad kami roon. Magtu-twelve na. Nagtext na rin sa akin si Tita na nagsisimula na at hinahanap na ako ng bata.

Sumakay na lang kami ng taxi para hindi nmaan masira ang ayos namin ni Gail.

"Mama!" Napangiti naman ako nang makita si Emmanuel na nakasuot ng costume na Captain America at pawis na pawis kakatakbo. Nakasunod si Raymond sa kanya. Ngumiti naman ako nang makita siya. Ang haba na ng nga bigote niya. Nagmukha siyang matured na matured dahil doon.

"Hai Lia," bumaling ito kay Gail "who is she?"

Hinawakan ko si Gail sa braso. "Ahm. Siya si Gail, girlfriend ni Pj. Naalala mo?" Ngumiti siya. "Yah. I know him. Nice to meet you, I'm Raymond and this is my son." Nahihiyang kumaway si Emmanuel na ikinatawa naming lahat.
"Hai baby! Happy birthday." Bati nito.

"Nice to meet you po kuya Raymond." Ngumiti pabalik si Gail.

"Pasensya ka na ha? Nalate kami." Hinging paumanhin ko.

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now