CHAPTER EIGHTEEN (edited)

2.1K 31 0
                                    

- 18 -

Alam kong wala akong ginawang masama pero bakit parang kailangan kong magpaliwanang sa kanya. Damn.

"Hey! Khal, hindi mo ba talaga ako papansinin? Ha?" Grabe magtampo ang lalaking 'to. Parang babae, ang hirap suyuin. Ramdam ko yung pagtibok ng katawan ko dahil sa ginawa kong pagtakbo.

"What are doin' here? Diba may dinner pa kayo nung anak ng principal? Bumalik ka na roon." Pagtataboy niya sa akin.

Matapos kong magpaa at tumakbo para lang mahabol siya rito sa condo unit niya, pauuwiin niya lang ako?

What the hell!

"Hindi na ako sumama. Sabi ko next time na lang." medyo humihingal pa rin ako dahil sa pagod.

"So may next time pa?! Ngayon na! Para matapos na. Tapos di na siya makakaulit uli!" nakataas ang kilay niya. Taray.

"Eh nasaan ba yung hinanda mong dinner para sa akin? Nagugutom na ako." pag-iiba ko ng usapan.

"Pinamigay ko na." malamig niyang saad.

Nanlaki ang mata ko.
"What?! Bakit?!" Naiinis na tanong ko.

"Edi ba may dinner kayo? Tinext kita na kakain tayo nang sabay. Nagluto ako para sa'yo, tapos umoo ka roon sa alok ng anak ni ma'am principal. Edi pinamigay ko na, nawalan na ako ng gana para kainin." Nakakainis!

Pero natuwa naman ako kasi nagluto talaga siya. Eh hindi naman marunong magluto.

Sheeemss.. Hindi ko gawaing magpa-cute pero ginagawa ko na ngayon.

"Hindi ko nabasa ang text mo kanina, kaya umoo na lang ako kasi nakakahiya kay ma'am." nagtungo siya sa kusina, tapos uminom ng tubig.

"Khal?!" Gutom na ako. Mag-aalas otso na rin kasi.

"What?" Hindi niya ako tinignan sa mata.

"What lang ang sasabihin mo? Kung what whatin kaya kita riyan?! Ayaw mo ba akong kausapin?" may bumabara na sa lalamunan ko.

Hindi pa rin siya sumasagot. Napatingin naman ako sa bitbit kong flat shoes ko. "Fine! Kung ayaw mo, edi wag! Uuwi na lang ako."  nagmartsa ako palabas. Sino ba ang tinakot mo. Ako pa  ngayon ang manunuyo?! Sino ba ang nanliligaw sa amin? Ako? Siya yung babae?

Naiiyak ako nang hindi man lang niya ako sinundan. Feel ko lang kasi, pinagtitripan niya lang ako, pero parang mali ata ako. Pagkabukas pa lang nang elevator ay kaagad akong lumabas. Nakakainis!

May tumakas na isang luha, agad kong pinunasan iyon gamit ang kamay ko.

Napapatingin naman sa akin ang mga nakakasalubong ko. Nakakatawa na siguro ako.

Ibinaba ko ang hawak kong flat shoes at isinuot 'yon, sinabayan pa iyon ng luha.

Nagbubulungan na sila. Binilisan ko na ang paglakad pero nang paparahin ko na yung taxi na paparating ay may humablot sa kamay ko at niyakap.

Amoy pa lang alam ko na kung sino siya. Kaagad ko siyang tinulak.

"Lianne, I'm sorry." niyakap niya ako ulit.

"Nakakainis ka alam mo ba 'yon? Ha?!" Hinampas ko siya sa dibdib. "I'm sorry." he said.

"Uuwi na ako." malamig kong sambit. Bahala ka riyan!

"No, i won't let you. I'm sorry, okay? ."

"Dapat kasi kausapin mo ako! Hindi yung dinadaan daanan mo lang. Alam mo ba kung gaano kahirap na tanggihan ang pagpupumilit ni ma'am para lang sundan kita. At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pa kita hinabol para magpaliwang gayong wala namang dapat ipaliwanag. Right?"

I Love You Doctor (Complete)Kde žijí příběhy. Začni objevovat