CHAPTER SEVEN (edited)

2.4K 41 2
                                    

- 7 -

Hindi pa man ako nakakapagbihis ng uniform dahil kagagaling ko lang sa school ay nakatanggap na ako ng tawag mula kay Tita.

Akala ko ay magiging okay lang ang lahat. Akala ko matutupad pa ang lahat ng pangarap ko, namin ni Raymond. Rumagasa sa isip ko lahat ng masasayang araw na kasama ko siya pati na lahat ng away namin na mabilis naming nasususlusyunang dalawa. Pero hnaggag doon na lang pala ang lahat.

Hindi pa man nagagawang magsalita ni Tita sa Telepono ay bumuhos na lahat ng luha ko. Nanginginig na rin ang mga kamay ko.

'L-Lia... My son! My son...oh my God. He's already left us Lia.. he is d-dead. '

Hindi ko na nagawang sumagot. Sobrang panghihina ang nararamdaman ko. Para bang hindi na ako makahinga. Wala sa sariling lumabas ako ng bahay at pumara ng taxi para makarating sa ospital.

"No. Hindi siya patay. He promised." Tinakbo ko ang inaakupa niyang kwarto. Tumutulo ang luhnag binuksan ko ang pinto.

I saw Tita and Tito, pati ang mga matatanda nilang katulong. What are they doy here?!
They're all crying.

Umiling ako. "Bakit ba kayo umiiyak! He's not dead. He can't leave us. He promised." Pinunasan ko ang sarili kong luha at tinungo ang bed. "He's just sleeping Tita, why are you all crying?!" I can't help myself to shout. Hinawakan ko siya sa pisngi. Napansin kong wala na ang tubong nasa bibig nito.

"B-Baby? I'm here. W-Wake up please?" Hinintay ko itong gumalaw, pero wala.

"Lia..." Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa'kin.

"You promised. We will get married right? Wake....up b-baby please! " Humahagulgol kong tawag sa kanya. I hugged him. I kissed him on the lips. "Mahal na mahal kita..Di-Diba magpapakasal pa tayo?! I can give you six children. You want a basket team right? Please wake..." Nahihirapan kong turan "..up wake up now baby.." hindi ko na kinaya at napaupo na lang sa sahig ng ospital habang umiiyak.

He's not cold. He's alive. He is.
Hinawakan ako nito Tito Lucas at tsaka hinila para sa isang yakap. "Be strong Lia... Let's get out of here."

Umiling ako. "Tito ayoko. A-Ayoko.." umiling-iling pa ako. Nakita ko ang tumakas na luha sa kanyang pisngi. Doon ako mas lalong naiyak.

"Naniniwala ka na rin ba Tito? He's alive! Buhay siya Tito! Buhay! Bubuo pa kami ng pa-pamilya.." nabasag na ang boses ko. Ang sakit! Ang sakit sakit...

"He already did Lia, my son is gone." Matigas na pahayag ni Tito. Pero hindi nito maitatago ang sakit sa ma mata nito. Inakay niya ulit ako patayo. Sa pagkakataong to ay dalawa na sila ni Tita.

Hindi pa man kami nakaabot sa pintuan ay kaagad na namanhid ang katawan ko hindi na nalaman ang mga sumunod pang nangyari.

"Lia!"

***

Iminulat ko ang mga mata ko at puting ilaw kaagad ang bumungad sa akin kaya naman ipinikit ko ulit iyon. Kasabay ng pagpikit ay ang pag-agos muli ng luha sa aking pisngi.

I remember what happened!

Nag-iisa lang ako sa kwarto. Alam kong nasa ospital pa rin naman ako. Gaano ba ako katagal natulog?

Raymond?

Kaagad akong bumangon. Napatigil lang ako nang makita si Tita na Tulog sa Sofa. Her face is full of sadness. Tila ba may bumara sa lalamunan ko bago ko siya lapitan. I caressed her right cheek. There's a trace of tears.

I smiled bitterly. She's also in hurt because she's the mother. Tatayo na sana ako nang iminulat niya ang kanyang mata. Dali-dali itong bumangon.

"Why didn't you wake me up? Are you feel better?" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

Malungkot akong umiling at hindi napogilan ang pagragasa ng luha sa mga mata ko. I'm not okay. "Shhh. I'm sorry. You need to eat, mahigit na doseng oras kang tulog."
Itinuro niya ang nasa side table bago tumayo. Nakaramdam ako ng gutom. Pero mas nangingibabaw ang pagkagusto kong makita na lang si Raymond kaysa kumain.

Pero ayokong maging pabigat dahil masyado nang mabigat ang pasan naming lahat ngayon .

Nang matapos kaming kumain ay nadapo ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito. It's Tito. "Are you okay now?" He asked. Marahan naman akong tumango.

"Are you two ready?" Nagtatanong akong tumingin kay Tito. "For Raymond's burial..."
Hindi ako nakasagot dahil sa tanong na iyon.

Am I? Kanina ay gustong-gusto kong makita siya pero bakit parang hindi pa ako handa.
"Ayoko po." Wala sa sariling naisatinig ko iyon.

"Lia?" Malungkot na tawag ni Tita sa pangalan ko. Umiling-iling ulit ako "Hindi ko po kaya. I-I'm sorry po." Mabilis akong yumakap sa kanila dalawa at walang paalam na lumabas ng silid na iyon.

I heard them calling my name but i continue running away from them, from anyone.

---
KIEZAZE

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now