Chapter 5: Contract Signed

Start from the beginning
                                        

"O-oh wait... " then it hit me. "Yung contract!"

Agad kong kinuha mula sa bibig niya 'yung papel na mas lalo pa nitong kinapunit. Kusa namang bumitaw si Foodie. Nilapag ko siya sa kama tsaka tinignan 'yung papel. At tama nga ako! 'yung contract na ginawa ng lalaking iyon ito.

Anong gagawin ko? Hindi ko na masyadong maalala 'yung laman ng kontrata na 'to para maitype ko ulit at maprint. Hayst! Prinoproblema ko pa nga kung papayag ako o hindi tapos ngayon naman gutay gutay na 'yong kontrata at may bonus pang laway ng aso.

"T-teka!.... " parang may umilaw na light bulb sa ulo ko at nakaisip ako ng bright idea!

Kinuha ko si Foodie then I hugged him. "Thanks buddy! You're my savior!" masayang sabi ko.

~~

Nandito ako ngayon sa parang mini-garden ng AU na located sa pagitan ng highschool and college building. Maraming mga bulaklak dito, mga benches at may mga puno din. Pero ang pinakafavorite spot ko dito ay 'yung puno na hiwalay sa ibang puno. It was like they intentionally separated this tree. Nasa dulo kasi ito ng garden at sa part kung saan wala nang masyadong mga bulaklak at bench at ang nasa paligid na lang nito ay damuhan.

Dito ako palaging tumatambay kapag may vacant time kami. Si Lucy naman nasa classroom lang. Ayaw lumabas, baka daw kasi bigla na lang daw siyang sugudin ng kutsilyo ng mga fans ni Zild. Ang arte, 'no? Baka nga sa akin pa nila gawin iyon at hindi sa akin.

Nakaupo lang ako sa damuhan sa ilalim ng punong 'to habang nagbabasa. Nagulat na lang ako when someone just threw a crumpled piece of paper in my direction. Mabilis ko iyong nailagan kaya tumama iyon sa trunk ng punong sinasandalan ko. Then I saw a group of girls na mukhang mga sophomores. They're running away habang pasulyap sulyap pa sa akin.

Kinuha ko iyong papel na binato nila at pinasok sa bag ko. Mga sophomore pa lang hindi na marunong rumespeto sa mas matanda sa kanila. Nagkalat pa, tsk.

Nagbasa na lang ulit ako. Hindi ko papatulan ang mga iyon o gagantihan. They are still younger than me but they also need to know how to respect their ate's. Pero hayaan na. For sure, mga nagkakacrush na naman ang mga iyon 'don sa tsunggo na 'yon. Seriously? Ganung lalaki ang type nila? They need an eye check-up immediately. Baka lumala na ang lagay ng mga mata nila kapag hinayaan.

"Who needs an eye check-up? Them? Or you?"

"Ay anak ng tsunggo!"

"Ang gwapo ko naman just to be a son of a monkey"

Sinamaan ko ng tingin ang hinayupak na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Anong ginagawa ng bwisit na 'to dito? Ano pa nga ba? Edi mangbwi-bwisit na naman. At paano niya nga pala nalaman ang iniisip ko? Ugh! I think nasabi ko na naman ng hindi ko namamalayan ang mga iniisip ko.

"What are you doing here?"

"School ko ito tapos tatanungin mo ako if what am I doing here? Seriously? Are you even using your brain correctly?"

Inirapan ko siya sa sinabi niya. Kapal ng mukha ng hinayupak. Isampal ko pa sa kanya lahat ng awards ko eh.

"Diba dapat ako ang magtanong sayo niyan? Are you using your brain correctly? Or your brain doesn't work at all?" asar ko. Sabi na kasi at mangbwibwisit na naman eh. Edi bwibwisitin ko din siya. 'Di pwedeng ako lang ang masisira ang araw, dapat siya din.

Nakatayo lang siya sa gilid ko at ang sama na ng tingin. "Oh? problema mo?" I asked, playing innocent.

"I think you forgot something" sabi niya na kinakunot noo ko.

"Ano?" I asked kahit alam ko naman. It's about that nonsense contract.

"The contract" sabi na eh.

I smiled. "Ah 'yun ba? Actually, gagawin ko naman na sana at pipirmahan kaso may nangyari. My dog tore it, gutay gutay na nga 'yung papel at may laway pa niya" sana lang hindi na niya ipilit 'yung kontrata na iyon tutal sira naman na. And I hope, wala na siyang duplicate 'non or reserved contract.

He frowned. Ang sama na naman ng tingin niya sa akin kaya pilit kong tinatago ang ngisi ko. Mukhang wala siyang reserved contract at nag-iisang copy lang at ngayon ay gutay gutay na. Tinapon ko na 'yon kahapon pa eh pero 'don lang sa basurahan ko sa kwarto.

Nagtaka na lang ako ng bigla siyang ngumisi. "Oh really? It's okay, meron pa naman akong isa pang copy in case na may mangyari sa original copy. Like, maitapon ng kusa, mapunit ng sinasadya, at ipasira sa aso ng sadya. Actually, dala ko nga ngayon" may kinuha siya sa bulsa niyang isang nakatuping papel. Binuksan niya iyon at hinarap sa akin. Napayukom ng kamao na lang ako ng makitang katulad din iyon 'nung kontrata. Ready si gago.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya. Kainis! Anong gagawin ko ngayon? Akala ko lusot na ako pero hindi pa pala. I think he already think that I will intentionally destroy that contract so that, hindi na tuloy pa kaya nagready ang bwisit.

"Now, sign it. Diba sabi mo pipirmahan mo na sana but your dog tore it apart? Oh, may bago ng kontrata at ngayon.... " then he smirked. ".....wala ka ng kawala"

I sighed. Mukhang wala na akong magagawa kundi pumayag sa gusto ng bwisit na 'to. Atleast, pagkatapos ng tatlong buwan babalik din sa normal lahat. I'm going to do this for Lucy and for myself. Kahit naman hindi mahilig mag-aral ang babaeng iyon ay alam kong pinapahalagahan niya pa rin. At mas lalo na ako! I can call papa about this matter na may isang baliw na ex-convict ang pinipilit akong gawin ang isang bagay at tinatakot na ipapakick out ako sa school. Pero ayaw ko nang dumagdag sa mga problema niya sa kompanya. Just three months Jana, just three months.

I looked at him na mukhang hinihintay pa rin ang sasabihin ko. Inilapit niya pa sa mukha ko 'yung kontrata habang ngingisi-ngisi. Hinablot ko iyon sa kamay niya.

"Fine! Give me three months. Hahanapin ko ang babaeng mamahalin mo ng totoo" sabi ko sa kanya at kumuha ng ballpen sa bag ko at pinirmahan 'yung kontrata. "Oh ayan! Masaya ka na!?" tanong ko. Ngumisi lang siya na mas lalo ko pang kinainis. Hinablot ko iyong bag ko sa damuhan at nagmartsa palayo sa kanya.

Bwiset.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now