Chapter 5: Contract Signed

Magsimula sa umpisa
                                    

Inalis ko na ang uniform ko. Nagsuot ako ng sports bra at cycling na hindi naman ganun kaikli. Tutal nakatali naman ang buhok ko, hindi ko na iyon inayos. Magwowork-out muna ako.

I went outside my room and go downstairs. Nasalubong ko si Yaya Linda.

"Work-out?" she asked and I nodded.

"Ya, padala ako merienda ah?" sabi ko at dumeretso na sa gym dito sa bahay.

May sariling gym ang bahay namin. Tamad kasi ang mga kuya ko na lumabas sa tuwing gusto nilang magwork-out. Sa kanila din ako natuto kaya kahit wala sila nagwowork-out ako mag-isa dito sa bahay. Of course, ikaw ba namang magkaroon ng sobrang gwapo, matipuno, mabait, at mga kuya na may magagandang katawan and let's see kung hindi ka makaconscious sa katawan mo. But I'm not doing this to impress or please anyone, gusto ko lang maging fit ang katawan ko.

Nagstretching muna ako. Then I made some sit-ups bago buksan ang treadmill at tumakbo. Sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog. In this way, sana malimutan ko muna ang problema ko tungkol sa kontrata na 'yon na tingin ko ay wala namang kwenta.

Tumagal rin siguro ako ng mga twenty minutes sa treadmill bago ako tumigil. Napaupo ako sa isang upuan doon at kinuha ang isang tuwalya na nakastock na talaga dito para kapag nagwowork-out kami ay hindi na kami lalabas. Kumuha ako ng tubig then I straithly drank it.

"Kapagod!"

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok si Yaya na may dalang isang tray. Nilapag niya iyon sa table at umupo sa upuan sa harap ko.

"Kain ka na"

"Maya saglit Ya. Punas lang ako saglit"

Tumango lang si Yaya habang pinupunasan ko ang pawis ko. Nang matapos ako ay tsaka ko kinuha 'yung sandwich na ginawa ni Yaya at kumagat. Sarap!

"Bakit hindi ka magmodel anak?"

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya kaya agad kong ininom 'yung tubig na malapit sa akin. "P-po?"

"Kasi look at you, 'nak. Maganda ang hubog ng katawan mo. Ang sexy mo tsaka ang ganda din ng buhok mo lalo na't mahaba. At isa pa, ang ganda ganda mo 'nak. Ba't 'di mo subukan magmodel?" tuloy-tuloy na sabi ni Yaya. Ako model? No! Never!

"Ayoko po. Hindi po bagay sa akin ang ganun at isa pa Ya, wala akong balak magpauto 'no" sabi ko at nakita kong nagtaka siya sa sinabi ko. I sighed. "Kasi diba Ya uutos-utusan ka ng photographer? Harap ka dito, harap ka doon, smile to your right, fierce to your left, sideview naman. Hindi ako uto-uto Ya at baka hindi ako makapagpigil at masapak ko lang 'yung photographer" sabi ko at natawa siya. What's funny? Diba totoo naman? Makapag-utos sila 'kala mo naman ang dali lang 'nung ginagawa eh. Baka nga mamura ko pa 'yung photographer at maging disaster lahat ng pictures ko na makukunan niya. Ayoko 'nun! Mag model ng pagkain baka tanggapin ko pa pero 'yung mga damit? Sapatos! Bags at kung ano pa man? Thank you na lang!

Pagkatapos kong magmerienda ay umakyat na rin ako. Nagtaka pa ako ng makitang nakaawang ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko ba nasara kanina?

I shrugged then entered my room. Pag-iisipin ko pa nga pala 'yung tungkol sa Finding Ms. Right contract na iyon. Feeling ko talaga may sayad ang lalaking iyon para ipagawa 'yon sa akin. Ang kapal talaga ng mukha.

Agad akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis lang ako saglit. Uupo na dapat ako sa kama ng bigla kong mapansin ang aso kong si Foodie na nasa ilalim ng study table ko. Kumunot ang noo ko ng makitang may kagat kagat siyang papel na ngayon ay gutay-gutay na.

"Foodie, ano yan?" ahy shunga! Hindi nga pala sumasagot ang mga aso, tsk.

Lumapit ako sa kanya tsaka siya binuhat at pinatong sa lap ko habang nakaupo ako sa kama. Kagat kagat niya pa rin 'yung papel.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon