Ilang minuto na lang at nasa AU na sila nang biglang tumunog ang cellphone niya at nagulat ng makitang ang mama ni Lucy ang tumatawag so she immediately answered the call.
"Hello? Tita?"
"Hi Jana! Papasok ka na ba?"
"Malapit na po sa school. Si Lucy po?"
Narinig naman niya ang pagbuntong hininga ng kausap sa kabilang linya.
"Iyon na nga, nagkukulong sa kwarto niya at ayaw lumabas. Pinabuksan ko na 'yung kwarto niya pero ayaw naman akong kausapin. Ang sabi niya lang ay ayaw niyang pumasok. Can you please tell me Jana kung anong nangyayari kay Lucy? I'm really worried about her"
Natahimik si Jana sa sinabi sa kanya. Alam niyang dahil iyon kay Zild. Ngayon, iniisip niya kung anong gagawin niya.
"Wait me there tita. Papunta na po ako"
Then she ended the call. Alam niyang kailangan siya ng best friend niya ngayon kaya walang pag-aalinlangang ipagpapalit niya ito kesa sa pagpasok.
"Kuya punta tayo sa bahay nila Lucy" agad nitong sabi. Kumunot ang noo nito at agad na nagtanong.
"Bakit naman? Baka mahuli ka sa klase mo Jana" medyo may pag-aalalang sabi nito.
"Lucy needs me right now Kuya Sic. Please! Punta na tayo"
Sabi ni Jana at wala nang nagawa pa ito kundi ang iliko ang sasakyan at pumunta sa Mansion ng mga Mendoza.
Agad naman silang pinapasok sa subdivision nila Lucy dahil kilala na si Jana doon dahil madalas din siyang nagpupunta sa Mansion ng mga Mendoza. Kumaway at nagpasalamat na lang siya sa mga guards doon.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Mayaman din kasi ang pamilya ni Lucy pero 'di hamak na mas mayaman sila Jana.
"Thank you kuya! Text na lang po kita. Bye!"
Bumaba na agad si Jana at agad siyang pinagbuksan ng Gate ng isa sa mga kasambahay na mukhang naatasang hintayin siya. Pagkapasok niya sa gate ay nakita niya ang mama ni Lucy na naghihintay sa front door.
"Good morning po Tita Irene. Si Lucy po?"
Humalik siya sa pisngi nito atsaka sila pumasok sa loob.
"Nasa kwarto niya, nagkukulong. Ano ba talagang nangyari at parang magdamag umiyak ang batang iyon?"
Napalunok pa si Jana nang makita ang nag-aalalang mukha nito. Sino nga ba namang ina ang hindi mag-aalala sa ganitong sitwasyon?
"H-hindi ko rin po s-sigurado Tita but I'll talk to her"
Sabi ni Jana. Napabuntong hininga na lang ang mama ni Lucy at tumango. Ngumiti na lang ng pilit si Jana at umakyat na papunta sa kwarto ni Lucy.
Inikot niya ang doorknob at laking pasasalamat niya dahil hindi ito naka-lock.
Pumasok siya sa loob at naabutan si Lucy na nakahiga at humihikbi hikbi pa. Nakatalikod ito kay Jana.
"Sabi nang a-ayaw kong pumasok eh! H-hayaan niyo muna ako!"
Sabi ni Lucy sa medyo garagal na boses. Marahil ay naramdaman nito ang pagbukas ng pinto ngunit hindi pa nito alam na si Jana ang taong pumasok sa kwarto niya.
"Hindi ako pumasok para sayo tapos sisigawan mo ako ng ganyan? Ouch Lucy!"
Agad na napabangon sa kama si Lucy at lumingon sa nakangiting si Jana.
"J-Jana.. "
Tumayo ito at agad na yumakap sa kaibigan niya. Hinagod naman ni Jana ang likod nito. Pagkatapos ay umupo sila sa kama habang umiiyak si Lucy.
"Ano na namang iniiyak iyak mo dyan? Kung about na naman yan 'dun sa lalaking iyon, itigil mo na"
Pinilit ni Jana na patapangin ang boses niya kahit na ang totoo ay awang awa siya sa best friend niya. Alam niyang kailangan siya nito at hindi makakatulong kung iiyak din siya at sasabihing okay lang kahit hindi naman.
"E-eh sa mahal ko eh! A-ano nang gagawin k-ko?"
Medyo nagulat si Jana sa sinabi nito. Ang akala niya lang kasi ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman ng bestfriend niya para kay Zild pero hindi niya alam na.... mas malalim pa pala ang nadarama nito.... pakiramdam na wala siyang kaide-ideya....
"Anong gagawin mo? Kalimutan mo then move on. 'O kaya naman sunugin natin ng buhay, pwede rin namang maghire tayo ng mga killers then ipapatay na nat--aray! Problema mo!?"
Natatawang tanong nito ng bigla siyang hinampas ni Lucy sa balikat. Natawa din ng bahagya si Lucy at nagpunas ng luha.
"Baliw ka talaga"
"Gusto mong kalbuhin kita?"
At sa isang iglap, nagtawanan na lang silang dalawa.
Pinilit ni Jana na pakainin si Lucy dahil nalaman niyang kagabi pa pala ito hindi kumakain. Umalis na rin ang mama ni Lucy dahil sa trabaho kaya ang mga katulong nila ang nagluto. Hindi muna inopen ulit ni Jana ang topic about kay Zild habang kumakain sila at nanonood sa sala ng bahay.
Hapon na rin at hindi na talaga tuluyang nakapasok pa ang dalawa. Tahimik lang silang nanonood habang pinapapak ang Pringles na pareho nilang gusto.
"Mag-transfer na kaya ako?"
Nabigla si Jana sa sinabi ni Lucy kaya agad siyang napatingin dito.
"W-what!? Bakit?"
"For sure matapos nang nangyari kahapon, pagtatawanan na ako at aalipustahin. Hindi na magiging normal pa ang buhay ko sa AU"
Natahimik si Jana. Alam niyang may point ang bestfriend niya sa sinabi niya. Lalo pa't isang Alvarez ang nagpahiya sa kanya. Alam nila kung gaano kasama si Zild at kung gaano kabilis kumalat ang balita sa buong AU lalo na kung sangkot ang lalaking iyon.
"You don't need to do that. Pinahiya ka niya, pinahiya ko siya. For sure, ako ang mas pagdidiskitahan nila dahil sa ginawa ko"
Sa totoo lang, wala naman talaga siyang pakeelam sa mga gulo o kahit na anong chismis na kakalat sa buong AU kahit na kasali siya doon. Wala siyang pake kahit ibully siya sa muling pagpasok niya dahil alam naman niyang kayang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.
"Na dapat ay hindi mo ginawa"
"Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga na lang doon?"
"Haysss! Atleast ikaw kaya mong ipagtanggol sarili mo. Eh paano naman ako? Sa tingin ko kailangan ko na talagang magtrans-"
"So iiwan mo ako ganun?"
"H-hindi ko ata k-kasi kayang pumasok p-pa sa AU"
Natahimik si Jana sa sinabi ng bestfriend niya.
"Jana... "
Nasaktan siya, oo. Masakit isipin na dahil lang sa lalaking iyon ay iniisip na ng bestfriend niyang iwan siya sa AU. Pero alam niya rin na may punto ang bestfriend niya. Besides, lahat din naman ng babae na pinahiya noon ni Zild ay nagtransfer sa sobrang kahihiyan kaya naiintindihan niya si Lucy.
Hindi na muling nagsalita pa si Jana at nanatiling nakatingin lamang sa TV. Hinahanap ang mga tamang salita na dapat niyang sabihin.
Napabuntong hininga naman si Lucy. Iniisip niya lang na magtransfer pero hindi siya sigurado doon. Sa huli ay binawi niya rin lang ang sinabi niya. Alam niya kasing sa oras na nanahimik na si Jana ay ibigsabihin lang 'non ay wala na itong balak pang pigilan siya.
"Hindi naman ako magtatransfer. Sinasabi ko lang naman"
Tumango si Jana pero nanatiling nakatingin lang sa TV.
"Uy! Bes naman eh! Galit ka?"
"Hindi ah!"
"Eh bakit ayaw mo akong tignan?"
"Ang sakit mo kasi sa mata"
"Jana!"
At sa isang iglap, nagtawanan na lang sila.
YOU ARE READING
Finding Ms. Right
Teen FictionSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...
Chapter 3: Problems
Start from the beginning
