Chapter 3: Problems

Comenzar desde el principio
                                        

Napatingin naman sila kay Zild nang ibaba nito ang hawak na shot glass at tignan sila.

"And who the hell told you that the girl I should marry need to pass his standards? Ako ang pipili at hindi siya" madiin na sabi nito. Napanganga naman ang tatlo sa sinabi niya.

"P-payag ka?" tanong ni Inigo. Napabuntong hininga naman si Zild. Alam niyang wala siyang choice. May isang salita ang dad niya at alam niyang kailangan niya itong sundin sa ayaw o gusto niya. After all, siya ang boss sa kanilang dalawa.

"I had no choice. So I need to find a girl that I will love in three months" sabi ni Zild at kulang na lang ay sumayad sa sahig ang panga ng tatlo niyang kaibigan sa pagkabigla.

"L-love!?" di makapaniwalang bulalas nila.

"Yes, you know my Dad. Matalino siya at mas tuso pa siya sa akin. I told him that I will marry the person I love at hindi ang babaeng napili niya para sa akin. Alam kong kahit kasal na kami ng babaeng iyon ay siguradong nakabantay pa rin siya so even I am already a married man, I can't file a divorce because I know that until that moment, I will always be under his control" diretsong sabi nito.

Napanganga ang tatlo sa sinabi niya. Hindi nila inaasahan ang ganito. Ang inisip lang kasi nila ay kailangan nilang maghanap ng babaeng magpapanggap na girlfriend ni Zild at hindi ang babaeng mamahalin ni Zild. Ngayon, paano na?

"And kailangan ko nga pa lang gantihan ang babaeng iyon" sabi ni Zild at uminom. Naalala niya kasi bigla ang babaeng sumuntok sa kanya. Talagang nagulat siya sa nangyari at hindi inaasahang may babaeng kayang sumuntok ng isang lalaki.

Nagkatingin naman ang tatlo at parang pare-pareho ang naiisip nilang ideya. Sabay-sabay silang tumingin kay Zild.

"We got an idea" they said in unison.

~~

"Good morning Ya!" masiglang bati ni Jana sa kanyang Yaya Linda.

"Good Morning. Kumain ka na" sabi naman nito sa kanya at agad siyang umupo at nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay napasulyap siya sa cellphone niyang nakalapag sa lamesa at napabuntong hininga ng makitang wala paring text si Lucy sa kanya. Kagabi niya pa kasi ito tinatawagan at tinatadtad ng texts pero hindi ito sumasagot niminsan man lang. She's definitely worried about Lucy at hindi niya maiwasang patayin sa utak niya si Zild.

Pagkatapos kumain ay umakyat siya ulit sa kwarto niya. Umupo siya sa kama niya at dinial ang number ni Lucy since may 30 minutes pa naman bago magsimula ang klase. Siguradong aabot pa siya.

In-end niya ang call dahil hindi ito sinasagot. Imbes na tumawag ay nagsend na lang siya ng message.

To: Landing Lucy

'Lucyyy!!!! Papasok ka ba ngayon?'

Naghintay siya ng ilang minuto pero wala siyang natanggap na reply. Tumayo na siya sa pagkakaupo at kinuha ang mga gamit niya. Pupuntahan na lang niya ito mamaya pagkatapos ng klase.

Nagpaalam na siya kay Yaya Linda at agad na pumasok sa kotse.

"Morning Kuya Sic!" bati nito sa driver nila at pilit na ngumiti.

Sinandal na lang niya ang ulo sa bintana ng sasakyan at tinanaw ang bahay nilang unti unting nawala sa paningin niya.

Wala man sa kalahati ng Mansion ng mga Alvarez ang Mansion ng mga Tolentino ay 'di maipagkakailang malaki din ito. Ngunit kahit mayaman ang mga Tolentino, ang pamilya ni Jana, hindi siya gaanong sikat sa AU dahil hindi naman niya ito ipinagmamayabang. Matalino si Jana at siya pa nga ang nasa top sa kanila ngunit hindi siya masyadong nabibigyang pansin dahil hindi naman siya tulad ng ibang mga babae. Hindi siya tulad ng iba na mahilig maglagay ng make-up, magsuot ng mga maiikling damit, mahilig gumimik at hindi rin siya gaya ng iba na mas inaatupag ang mga lalaki kesa sa pag-aaral. Dahil wala namang assigned uniform sa AU at pwede mong suotin ang gusto mo ay ang palagi niyang sinusuot ay isang simpleng t-shirt na sakto lang sa kanya at isang pantalon at palaging nakarubber shoes. Palagi ring nakatali ang mahaba niyang buhok na hanggang bewang. Hindi niya ito nilulugay kapag pumapasok siya dahil medyo naiirita siya dito pero ayaw niya rin namang ipagupit. Sa bahay lang siya naglulugay at iilang tao pa lang ang nakakakita kung gaano siya kaganda kapag nakalugay. Simple lang siya.

Finding Ms. RightDonde viven las historias. Descúbrelo ahora