Chapter Forty-Eight

3.5K 100 19
                                    

Chapter Forty-Eight

She Believes

Nakalas ng yakap ni Jeremy sa akin at naamoy ko ang pabango ni kuya Paolo. Ang bisig niya ang pumalit kay Jeremy. Nawala ang lakas ko para makapagsalita pa kaya hindi ako nakapag paalam sa kanila noong inaalayan ako ni kuya Pao palabas ng school.

Inayos ko ang sarili ko bago sumakay sa sasakyan niya. Agad siyang nagmaneho pauwi sa amin. Tulad ni Jeremy ay naging mabilis ang pagpapatakbo ni kuya Pao. And this is good.

"I wanna be reckless." Wala sa sarili kong sabi. Tinanggal ko ang sapatos ko at lumabas nang nakayapak.

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang bigla ang urge para tumakbo nang tumakbo. Wala akong ginawa kundi ang umikot ikot at tumalon talon sa kalsada habang tumatakbo. Ang sarap ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

Sumigaw ako nang napakalakas. Mas masarap sa pakiramdam. Maya maya ay hinuli ako ni kuya Pao matapos niyang i-park sa gilid ang sasakyan. Hinapit niya ako sa kanyang bisig, but I struggle to get off. Masyado siyang malakas but I still tried.

"I'm going to call that Salazar if you don't calm down, Natalie!"

As if he said a magic word, I calmed down. I still don't want to calm down but my inner self defied. I still want to be reckless tonight. Real reckless. Not this kind of mild recklessness. I want it to be more.

Hindi ako lasing at lalong wala akong period ngayon pero mabilis ang pagbabago ng mood ko. Napaupo ako at napahagulgol sa dibdib ni kuya Pao. Naramdaman kong hindi niya alam ang gagawin niya dahil mas naging magalaw siya at hindi naitutuloy ang mga gusto niyang sabihin.

"Shall I... Nat, I'll put you to sleep."

Oo, tinapos ko ang amin... temporarily, dahil alam ko namang maayos ko itong sinimulan kong pagkakamali. I don't want to choose between Yas and Brian because I know I treasure them both. Pero napagisip isip ko na dahil sa nangyayari ngayon ay si Yas na ang pinili ko. I don't have regrets, Yas is my friend and I can't just give her up and our years of friendship and sisterhood. But giving up Brian meant pushing my happiness away.

Masaya na ako bago pa pumasok si Brian sa buhay ko, pero lahat ng happiness ko, even before I fully met him, ay nawala. He took it away from me just as he decided he still likes another girl.

Tumango ako kay kuya Pao at inalalayan niya ako pagpasok sa bahay. Mabuti ay tulog na sina mom at dad, hindi ko na kinailangang magpaliwanag kung sakali. Agad akong pumasok sa kwarto ko para hindi na magtagal si kuya Pao sa bahay, at para makabalik na siya kaagad sa party nila.

Dahil na rin siguro sa pagkagaling ko sa pag iyak ay nakatulog ako kaagad. I nearly slept on my hoodie kung hindi pa ako nagising sa tawag ni Ran kaninang midnight. Hindi ko iyon sinagot. Because answering that call means I have to talk, and I am dead tired to even say hello.

Hindi ako pumasok ng World Lit. ngayong araw. Sumakit ang ulo ko at late na rin ako nagising. Kailangan ko lang maggawa ng letter para ibigay sa faculty room mamaya.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon