Chapter Forty-Four

3.5K 114 6
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

Too Fast

I spent my night working on thesis paper. Naka-open ang Facebook ko dahil magka-chat kami ni Deena, and that's it. Sa mismong conversation lang namin ito nakabukas, walang home feed, walang newsfeed. Ayoko.

Alas-nuebe na nang may kumatok. Hindi na hinintay ni mom ang sagot ko para pumasok. Inilapag niya ang isang envelope sa ibabaw ng mga librong nasa kama ko. Tinignan ko ito at nakita ang engagement invitation ni Tito Mitchell at Tita Deva.

"A-attend ka, okay?" Nakataas ang dalawang kilay ni mom. Iyan ang kanyang hitsura kapag ipinaparating niya na hindi na ako dapat kumontra pa.

"Nagth-thesis ako, mom. Pakisabi na lang congrats." Isinara ko sandali ang laptop ko at humilig sa unan. Wala akong ganang umalis ngayong Sabado. Gusto kong magpahinga.

"Natalie." Her warning voice echoed, "Minsan lang itong okasyon na ito. Kailangan nating dumalo."

Umangat ako at nagayos ng sarili. Sinalansan ko ang mga libro kong nakakalat sa kama at ipinatong ang mga ito sa bedside table. Humiga ako nang maayos habang kausap si mom. I badly need rest.

"May kasal pa naman, mom." Tumawa ako, "Paniguradong pupunta ako noon. Kailan ba 'yon?"

Naningkit ang dalawang mata ni mom. "You will go this Saturday, Natalie Paz."

Huminga ako ng malalim, "Opo na po. I will."

That made mom smile just before she left my room. At least I get to made someone smile today. Ngayon ay ang sarili ko naman ang pasisiyahin ko. Matutulog ako nang maagap.

Kahit maagap ako nakatulog ay kamuntikan pa rin akong ma-late sa klase ko ngayon. Mabuti at walang World Lit ngayon. I don't want to stress myself out. Kailangan kong maging maayos dahil magkikita kami ni Yas mamaya. Mom asked her to help me out on picking up a dress for this Saturday's event. Hindi ako tumutol dahil miss ko na rin ang kaibigan ko. Natuwa ako noong nalaman kong tutulungan niya ako at hindi siya busy ngayong araw.

Hindi kami nagpahatid kay Ran dahil may friend naman si Yas na on the way din sa SM Taytay kaya sa kanya na kami sumabay. Tulad ng dati ay sa likuran pa rin ako ng sasakyan nakaupo. But it's alright, sanay na ako.

Nang makapasok kami ng mall ay nakatanggap ako ng text message mula kay Ran.

Ran

Where are you both?! Pupuntahan ko kayo.

Ipinakita ko ang text kay Yas. Tumawa siya at umiling. Huwag ko na raw sabihin kung nasaan kami, imbes ay sabihin kong may naghatid na sa amin at ligtas naman kami. Hindi ko sana sasabihin kasi alam kong lalo lang mag-aalala si Ran, pero dahil sinabi ni Yas ay ginawa ko na. I know I'm gonna enjoy Ran's reaction to Yas' madness.

Me

Inihatid na kami ng friend ni Yas somewhere. No need to worry. ;)

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon