Chapter Three

7.4K 178 11
                                    

CHAPTER THREE
Magkatabi... na naman

"Uy magkaklase sila ng boyfie niya ngayon." panginis ni Ran gamit ang kanyang pilit na pa-gay na boses.

"Sira." napairap ako, "Buti nga hindi namin classmate dito si Yas."

Buti't nasa ibang section si Yas. Hindi kasi kami sabay nakapagenrol noon. Plus, it will keep me from being bothered. Para makakuha pa rin ako ng konting sulyap kay Brian. Hihi.

"Still, good luck, Nat." tumawa siya. "I'll see you later." paalam niya bago naglakad papasok sa klase niya.

Napapaisip pa rin ako habang naglalakad papunta sa classroom ko. Hindi ko pa rin alam kung bakit nakuha kong magsinungaling kay Yas para lang matigil yung kalokohan nilang blind dates. Pwede ko namang sabihin na lang sa kanya na ayoko na ng idea'ng iyun, diba? But why can't I? Siguro kasi I appreciate her efforts. And Yas? Complusive siya and she gets what she wants. Special din naman kasi siya sa amin ni Ran so sinasakyan namin ang mga gusto niya. Sa ngayon hindi ko alam kung paano aayusin 'tong gulong pinasok ko. Sure, hindi magagalit si Yas sa akin, pero magtatampo yan at ayokong mangyari yun. Hindi lang ako yung maapektuhan kundi si Ran din dahil para ko na rin siyang kasabwat dito, at pwedeng isumbat sa kanya ni Yas ang hindi niya pag-amin sa kanya about this. Kaya bahala na nga muna.

Sa lalim ng pagiisip ko eh di ko namalayan na nabunggo na pala ako sa poste. Ouch!

"Sorry."

Ay, sa tao pala. Pagkaangat ng mukha ko ay nakita ko ang isang gwapong nilalang.

Nabunggo ako. Kay. Brian. H. Salazar. OMG!

Napanganga yata ako. Parang nag slow motion ang paligid. Shet, bakit ang gwapo niya? Gwapong gwapo siya sa white uniform ng Summerridge University. Kahit puti ang uniform eh umangat pa rin ang pagkaputi niya. Ang lakas ng appeal niya na kahit ang simpleng damit ay kaya niyang gawing kapansin-pansin.

"Natalie, right?" nakangiti niyang tanong.

Pwede na ba akong matunaw? Ngumiti lang ako sa kanya. Nanghihina na ako at ito ang naging dahilan para mahulog ang hawak kong satchel bag.

Agad naman niya itong pinulot, "Okay ka lang ba?" napawi ang ngiti niya habang iniabot sa akin ang bag ko. Ngumiti lang ulit ako sa kanya.

"Sige, Natalie, mauna na ako sa room. Kita na lang tayo."

Magkita na lang daw kami. Hayyy. I feel like melting at the sound of his voice.

Ngumiti na lang ulit ako hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Para akong nahypnotize. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa natapilok ako. Dahil doon nagising ako sa hypotism.

Gahd. I looked weird! First time niya akong kausapin tapos ganun pa ang nangyari! Ano na lang kaya ang naging impression niya sa akin?! Gahd! Just, gahd!

Kailangan kong bumawi.

Nakita kong walang nakaupo sa tabi ni Brian. Matagal ko pang pinagisipan kung tatabi ba ako sa kanya o hindi. Pero dahil kailangan ko ngang ibahin ang impression niya sa akin eh napagpasyahan kong tabihan na siya. Umupo ako nang tahimik sa kanan niya habang nakaharap siya sa kaliwa niya at kausap ang kabarkada niya.

Maya maya eh umayos na kaming lahat dahil dumating na ang professor. Ginulat niya ang umaga namin gamit ang isang Pop Quiz. Short lang naman pero lagot pa rin ako! Mukhang wala akong maisasagot.

"Get one-fourth sheet of yellow paper. Go!" utos ng prof.

Hinalughog ko yung bag ko para sa papel pero naalala kong nagpalit nga pala ako ng bag. Kaya ngayon wala akong papel. Just great!

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon