Chapter Forty-One

3.6K 93 8
                                    

CHAPTER FORTY-ONE

Walang Pagkakapitan

"Natalie, please magusap tayo." he pleaded.

Tumigil ako sa paglalakad, "Hindi na, Brian." Hinarap ko siya, "Hihingi lang sana ako ng pasensya sa nangyari kahapon. Hayaan mo't hindi na 'yon mauulit."

"Hindi na mauulit? Edi ayos na tayo?" His eyes are weak today. I couldn't tell if those are from lack of sleep or he is concerned about what's happening right now.

Tumungo ako at umiling, "I mean, yes. Ayos na tayo. At para mas maging maayos tayo ay didistansya na ako, Bry."

"Anong didistansya?" Lumakas ang boses niya. Bakit ka ba affected nang ganito? Kakaunti pa lang naman ang nararamdaman mo sa akin, diba? Bakit akala mo naman ay nakikipag break ako?

"Ipaintindi mo naman sa akin kung anong nangyayari, Natalie." His frustration became more evident, "Ang sabi mo ay ayaw ni Yasmine na lumalapit ka sa mga lalaki, pero bakit parang sa akin lang siya galit? Tell me, Natalie, may nagawa ba ako sa kanyang mali?"

Nang tumingala ako para tignan siya ay isang malungkot na mga mata ang sumalubong sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tila nahihirapan siya ngayon. Dense na kung dense pero lately ay parang nawala na sa akin ang rationality ko. Kung kailan ko pa mas kailangan ay tsaka pa nawala.

"Wala, Brian. Ako ang may nagawang mali. Pasensya na."

He caught my arms earlier just before I can escape the scene, "Please, Natalie. Umaasa na ako. 'Wag mo naman sana akong biguin." isinandal niya ang noo niya sa balikat ko.

Napapikit ako. I exerted all of my remaining courage to push him away. Ang galing naman pala eh. Kung kailan nandito na ay tsaka ko pa itutulak palayo. Ang galing talaga!

"Time out muna, Bry. Kailangan ko munang ayusin itong nasimulan kong gulo bago ako ma-involve sa mga ganitong bagay. Ayokong may madamay pang iba."

"Ayos lang, Natalie. I can be involved! Please, Nat?" Nagsusumamo ang kanyang mga mata. Mas lalo akong nanghihina sa nakikita ko. "Involve me. Idamay mo ako basta wag mo lang tapusin 'tong nangyayari sa atin. Magpapadamay ako kahit mahirap pa iyan. Kakayanin ko, Natalie. Because right now I am telling you that the only thing I cannot bear is to lose this; this future us."

Nagkatinginan ang mata namin ng ilang segundo. Ako ang unang umiwas dahil hindi ko na talaga kinakaya kung paano nakikiusap pati ang kanyang mata sa gusto niya. Desidido na ako eh, kaya lang itong pinapakita niya ay parang nagpapabago sa isip ko.

But I need to stick with my decision. Determined na ako.

Ang kailangan ko lang talagang gawin ay itulak siya palayo ngayon. Dahil pagkatapos noon ay baka maging madali na ang lahat. Alam ko iyon dahil matalik kong kaibigan si Yas. Kilala ko siya at alam kong hindi niya ipagpapalit ang pagkakaibigan namin dahil lamang sa ganito kasimpleng away. Simple ngunit lumala.

"Brian." Huminga ako nang malalim. Sobrang lalim na sana ay makalimutan ko nang huminga paahon, "Alam kong hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari ngayon dahil ayaw ko rin itong ipaintindi. Ayaw ko dahil hindi ko pa kaya, at hindi ko alam kung ito na ba ang tamang oras para roon. Ang gusto ko lang sanang gawin mo ngayon ay tanggapin muna ang desisyon ko. Please, Brian. I will correct things. And when I do, we'll give each other a try again."

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon