Chapter Fourteen

4.8K 141 7
                                    

CHAPTER FOURTEEN
Double sickness

The next days weren't the usual at all. Wala namang pinagbago sa daily routines ko, sa pag aaral, kina Ran at Yas, o kung saan pa. Naging unusual ito dahil kay Brian. Kapag kasi madadaanan niya at ng mga kabarkada niya ang way kung nasaan ako ay ngingiti siya at tatanguan ako. Kapag naman nakikita niya akong mag isa sa hallway ay titigil siya sandali para tanungin kung bakit ako mag isa o kung may kasama ba ako.

Wala naman akong magawang ireact kundi ang magpigil ng sarili. Hindi ko rin alam kung bakit ganito na siya umasta ngayon. Ayokong mag assume lalo na't may girlfriend iyong tao.

"Mag isa ka na naman?"

Tumingala ako at nakita ko siya. Ngumiti ako.

"Oo, hinihintay ko kasi si Ran."

Tumango siya, "Iba talaga kapag mga kaibigan, ano? Hinihintay na lang palagi." tumawa siya.

"Oo naman. Driver namin iyon eh." biro ko.

Confident ako ngayon dahil may klase pa si Yas, kaya wala akong dapat ikabahala ngayon. Iniligpit ko na ang book ko at inilagay ito sa bag ko dahil may makakausap naman ako ngayon.

"Driver? Eh kung mag apply kaya ako sayo bilang driver?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi para hindi makatawa nang sobrang lakas. Why did you even say that, Brian? Kainis ka naman eh. Hihi.

"Sira. Ikaw, bakit mag isa ka yata ngayon?"

Nasagot kaagad ang tanong ko nang magsidatingan ang barkada niya. Umupo si Jeremy sa kaliwa ko habang nasa kanan ko naman si Brian. Ang iba nilang kabarkada ay tumayo na lang sa harapan namin.

"Naks naman, bro! Talagang tumatakbo ka na ah?" Jeremy beamed at his best friend.

"Siraulo! Umalis na nga kayo!" pabirong itinataboy ni Brian ang mga kaibigan niya.

"So impatient, man? Aalis na nga kami, oh." nakataas pa ang dalawang kamay ni Jeremy pagkatayo. Ginulo niya ang buhok ng kaibigan bago tuluyang umalis. "Way to go."

Tumatawang inayos ni Brian ang buhok niya.

"Hindi ka sasama sa kanila?" tanong ko.

Umiling siya habang nagti-text sa phone niya. Hindi na ako nagtanong o nagsalita dahil may ginagawa naman kasi siya. Siguro ay hinihintay niya rin si Shanna.

"Wala ka pa kasing kasama." bigla niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya at kaagad naman siyang umiwas. "O-Okay lang ako."

"Ang hilig mong mag sabi na okay ka lang. Alam mo ba 'yon, Natalie?" nakangiti niyang sabi, pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon