Chapter Seven

5.4K 134 3
                                    

CHAPTER SEVEN
That's It

Kahit gustong gusto ko pang magcheer sa magkabilang team ay minabuti ko na lang na manahimik. Dang, ayoko nang maging attraction ulit ng mga tao rito, ano! Lalo na't baka mapansin na naman ako ni Shanna. Hindi ko pa siya kilala kaya dapat akong mag-ingat sa galaw na ipinapakita ko. Lalo na sa inasta ko kanina nung nai-cheer ko ang b-boyfriend niya.

In the end ay nanalo ang team ng mga pinsan ko. Mga varsity players ba naman kasi, e. Humiyaw at nag-cheer na ako nung huli dahil sa mga pinsan ko. Pero medyo natahimik ako noong napatingin sa akin si Brian nang may expression-less na mukha. Nagkagalit kaya sila ni Shanna dahil sa akin?

Me and my stupid mouth!

Hindi pa rin naaalis sa akin ang tingin ni Brian. What's he thinking? Kinakabahan ako. Tumayo ako at umalis na lang sa covered court para maghanap ng tindahan para mabilhan ko ng bottled water ang mga pinsan ko at si Sien. May nakita naman kaagad ako na hindi kalayuan sa court.

"May bottled water po ba kayo?" tanong ko sa tindera.

"Meron. Ilan?" pabalik niyang tanong habang kumukuha na ng bottled waters sa fridge nila.

"Tatlo. Magkano ang isa?"

"13 pesos."

Hinugot ko ang wallet ko para kumuha ng pambayad. Ang tanging nasa wallet ko na lang ay 500 peso bill, isang 5 peso coin, at limang 1 peso coin. Talaga nga naman!

Inabot ko na lang ang five hundred ko kahit may pagaalinlangan akong baka wala silang panukli. At tama nga ako.

"Ate, wala po ba kayong kahit cincuenta manlang?"

Umiling ako, "S-Sige po. Salamat na lang."

Nakakahiya!!!

Binabalik na ni ateng tindera ang  mga tubig nang papaalis na sana ako. But someone stopped me.

"Ate, kukunin na niya 'yung tatlong tubig."

Sabi ng isang pawisan at makisig na lalaki sa tabi ko. Pawisan pero hindi maasim! Ang sweet sweet pa nga niya! O M.

"Actually make that four." muli niyang sabi sa tindera at inabutan ito ng isang daan.

Ibinigay sa akin nung tindera ang apat na bottled water na nakalagay sa iisang plastic. Hinintay ko si Brian na makuha ang sukli niya bago kami umalis. Is this even right? I, I mean kasi diba baka may isipin na naman si Shanna against sa akin?

"Salamat dito. Bayaran ko na lang sayo bukas sa school."

Umiling siya at tumawa, "No need. Okay lang naman."

Napakagat ako sa labi ko, "H-Hindi. Babayaran ko bukas!"

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon