Chapter Twenty-Seven

4.4K 132 22
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Chat

Even if it sounds crazy, I want to take all the blame. Okay, kidding!

"Hey, what time ang klase mo?" tanong sa akin ni Ran.

Dahil doon ay parang nagising ako sa isang malaaaaalim na pantasya. Isinara ko ang Facebook app ko at ini-off ang phone.

"Why? Ihahatid mo ako? Ipagbubuhat mo ako ng bag?"

"You're unbelievable." umiling iling siya. "It's time for you to grow up, Nat."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, "Excuse me?! I've grown up already!"

"Then stop acting like a kid. Paano ka magkaka-boyfriend kung ganyan ka?"

Mas lalo akong nagulat dahil sa sinabi niya. Lumapit ako nang sobra sa kanya para bumulong, "Sa tingin mo kaya hindi ako magustuhan ni Brian dahil hindi pa ako matanda? Do you think he likes older girls?"

Itinulak niya ako at tsaka humarap sa akin nang mayroong naiinis na naman na ekspresyon, "Crazy! Go admit yourself to the nearby mental hospital, will you?"

I sighed, "Nagtatanong lang naman." ngumuso ako, "Anyway, una na ako. Babye yow!"

Bahagya siyang ngumiti at parang tsaka pa lang nakahinga nang maluwag nitong pagkatayo ko. "Sa wakas."

Wala akong ginawa nitong sumunod na mga araw kundi ang makipagtitigan sa notes ko at pilitin ang sarili kong mag-review. Finals week na sa Monday, at kung gusto ko talagang makaabot nang buhay ngayon sa second sem ay kailangan kong magaral.

Excited na rin ako sa semester break dahil I have new things to do. Like dance. Gusto ko ring magpa-sexy kasi para... ewan ko, type kaya ni Brian ang mga ganon? Malakas akong natawa habang gumugulong gulong dito sa kama ko.

At ngayon nakakapagisip ka na ng mga ganong bagay, ha, Natalie?

Anyway, tsaka na muna iyang magpapasexy'ng iyan. Nag review muna ako for what felt like a hundred hours. Nakatulugan ko na rin pala ito. Pagkagising ko ay may naghihintay sa aking dinner sa bedside table. And I so ate like a pig.

11:13PM na pala. Siguro ay bukas ko na lang itutuloy ang pagrereview ko. Nagbukas ako ng laptop at nag-soundtrip para tanggalin naman ang stress ko sa mahaaaabang pagrereview na ito. Binuksan ko rin ang Facebook ko para magstatus ng lyrics ng pinapakinggan ko.

Natalie Paz Boy you got me running to the highest place so they can hear me screaming from miles away. Gotta tell the world how I feel about you. — listening to Tell The World

May mga nag-like nito pero hindi ko na masyadong inusisa. Nag-jam na lang ako sa song. Kinuha ko ulit ang ballpen ko at kumanta na kunwari'y may hawak akong mic.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon