Chapter Thirty-Three

4.1K 138 31
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

All Real

Hinihigit ko ang kamay niya para tumayo siya mula sa pagkakaupo. Kanina pa siya tawa lang nang tawa kahit kanina pa ako sa ganitong ayos.

"Dali na, Brian. Ang unfair kina Jeremy na nagsayaw din nito kanina."

Natigilan siya sa pagtawa, "Jeremy and the other dudes really were here?"

Tumango ako at nagpatuloy sa paghila sa kamay niya. Ngayon ay pati ang kabila niyang kamay ay hinihila ko na rin, "Be a good sport to your friends, Bry."

I was about to pull his hands again when he decided to stand up himself. Napaatras tuloy ako at muntikan nang mahulog kung hindi niya lang ako nasalo. Ramdam ko kung gaano kainit ang mukha ko ngayon, ang kamay niya ay nasa bewang ko para sumuporta.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan noon, pero para sa akin ay sasandali. I want moreee. Joke!

"You called me Bry." May kaunting ngiti sa gilid ng labi niya. Parang pinipigilan niyang ngumiti nang tuluyan.

"Ay, pasensya. Brian pala." Lumayo ako para kunin ang remote. Nagpatugtog ako para maalis ang masamang espiritu na pumasok yata sa studio.

"No, okay lang." lumapit siya sa akin. "If you want to call me Bry, it's alright. As long as ikaw lang ang tatawag sa akin n'on."

Before I can wholly feel this giddy emotion building up within my chest, I mentally shook it off by turning up the music louder.

"Turn up the music, cause this song just came on, "

I smirked at him, "Do some moves, Bry!"

Natawa siya pagkarinig niya sa itinawag ko. Pero hindi pa rin siya gumagalaw. Alam kong hindi pa rin naman ako ganoong kagaling pero as I can see it ay hindi na ako ganong ka-awkward sumayaw. Hihihi. Gusto kong matawa ngayon sa sarili ko, sa totoo lang. 'Yung malakas!!

Hininaan ko 'yung music para magkaintindihan kami.

"Dali na, tuturuan kita. This is the first step." natatawa kong sabi. Umiling siya habang nakangiti, maya maya ay ginawa na rin niya kung ano ang ginawa ko.

Hindi man siya kasing galing ni Sien, pero mayroon talagang kung ano sa kanya na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Alam mo iyong kahit hindi todo ang pagsasayaw pero ma-appeal pa rin? Dumagdag pa kasi ang smiles niya na hindi talaga maalis sa labi niya. Para bang natatawa siya sa ginagawa niya pero wala siyang magawa dahil alam niyang kukulitin ko siya.

"Tapos na? O, may susunod pa?"

Tinawanan niya ako nang marealize kong napatitig pala ako sa kanya. Mabilis akong umiwas ng tingin. Nilakasan ko na ulit ngayon ang music para ulitin namin ang sayaw sa Turn Up the Music.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon