Chapter Forty-Three

3.3K 105 3
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

You What?

As of now, World Lit is the only subject that matters to me. O siguro iyong mabigat sa akin para pasukan. As anyone who knew my story would have suspected it, yes, dahil classmates kami ni Brian doon. It's relieving and not, actually. He doesn't seem affected by my presence anymore; masaya na ulit siya at balik siya kung paano siya nag-aaral dati. Bumalik siya sa kung sino siya noong crush ko pa lang siya. Except now, he doesn't acknowledge my presence anymore.

But I try to depend on the bright side. At least maayos na siya ngayon. Ako na lang 'yung hindi.

Nakasalubong ko kanina si Jeremy at si Jairus naman kanina. At first it was just greetings and small talks, pero nauwi kami sa pagkain sa cafeteria. Wala rin kasi akong kasama. Hindi na sakto ang break ni Yas at Ran sa free period ko. And they spend their free time on their thesis kaya siguro wala na rin kami masyadong hang-out ngayon. Magiging busy na rin ako sooner because I'll start mine, too.

Kumakain kaming tatlo ng fries nang may lumapit kay Jeremy. Pamilyar ang mukha ng babaeng ito pero hindi ko alam ang pangalan. I kept on forcing my brain to squeeze out some information to sate my curiosity. Pero wala, no result.

"Pakisabi kay sir, punta kami before the class." Si Jairus ang sumagot doon sa babae. Si Jeremy kasi ay abala sa pagkain na hindi na niya naiintindi ang babaeng lumapit para kausapin siya. Well, him, mostly. Halata.

"Pumunta ako rito from dept. para sunduin kayo. 'Wag naman 'yong babalik ako roon nang wala kayo?" mataray na sagot noong babae. Tanging kay Jeremy lang siya nakatingin. Ako ay nananahimik lang. This is really and awkward state, dudes.

"Chillax, Carms. " Tumayo si Jairus kaya't napatingin si Jeremy at iyong babae sa kanya. "Ako na ang sasama pabalik. Susunod na 'tong kumag na 'to. You know him and food." Marahan niyang sinuntok ang likuran ng kaibigan bago makaalis kasama iyong Carms.

Tinitigan ko si Jeremy habang abala pa rin siya sa pagkain hanggang ngayon. He's too focused now that it seemed evident he's trying to brush off the earlier scene. Pero hindi ko iyon pinagligtas. Mas lumalim ang titig ko sa kanya, umiling iling ako.

"Someone seems so indifferent." kumento ko. Tumigil siya sa pagkain at uminom ng iced tea. Sumandal siya sa upuan and he relaxed himself.

"Now what do you want to talk about." Humalukipkip siya. Umayos ako ng upo at sumandal sa aking upuan. "Si Carmela ba? Hmm. Let's just say I don't want to get involve with anything she's in."

"That's not very nice, Jeremy." Pabiro ko siyang tinignan nang masama. Umiinom ako ng pineapple when he decided it's time to tell the story.

"Aryt. Fine!" He said in defeat. Napangiti ako. "Carmela is Pamela's best friend. And, well, Pamela is Brian's..."

Tinignan ko ang straw ko, "Okay lang, ituloy mo."

"Brian and Pamela had a mutual understanding three years ago. Simple as that. No twists, no exaggerations."

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon