Chapter Thirty-Five

4.1K 145 25
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

Court

Itinext ko kaagad si Ran pagkatapos kong panoorin iyong video na nai-message sa akin ni Briella. I can't contain thisss!

To Ran

Brian confessed! Hindi ko alam ang gagawin ko! </3

Binuksan ko ang TV at nanood. Kahit pa Legal Wife at may gyera sa palabas na ito ay nakangiti pa rin ako. If he's crazy, then I am heck as crazy as him. Hindi ko inasahan na pwede pa lang maging mutual ang nararamdaman namin.

Mutual pero hindi ko pa alam kung may disparity sa degree.

My phone vibrated, Ran replied.

Ran

I can't say that I'm not shocked, but I already saw that one coming.

Kung kalapit ko lang si Ran ngayon ay malamang nahampas ko na siya. Wala manlang kilig bones talaga! Pero naisip ko, yeah, he's a guy.

Me

Hindi ka talaga bagay pag-fangirl-an. Agh. -__- But anyway, I'm using you since hindi ko makakausap si Yas abt this. So nyway!!!!! RAN!!!! :")

Hindi ko napigilan ang kilig habang nagtatype ako sa phone. Mabilis namang nakakapagreply si Ran. And it made me wonder what's he doing. I still wish I travel to Camea. I heard maganda raw kasi ang Highland Resorts doon.

Ran

You. Are. Sick. Natalie. Alam kong ako lang ang matatakbuhan mo ngayon. Pero 'wag naman iyong mageexpect ka sa'kin na sabihing; OMG! Brian's so hot I'm gaying all over him. Heart heart. Yeah, Nat. Not that.

Pagkabasa ko n'on ay napahagalpak ako sa tawa. Kainis. I was about to type a reply for Ran when he sent me a text again.

But ooops.

Brian <3

Yeah, I have his number. At hinding hindi ko inaakalang ngayon na iyong araw na magttext 'yang number na yan sa akin!!!

Brian <3

Hi, Natalie.

Ran, kahit 'wag ka nang magreply. Baka mamaya ay ma wrong sent pa ako, mahirap na. Pero kasi. Shemay, siomai!

I should change his contact name.

Me

Ooh. Ikaw pala. Hi, Brian. :)

Habang hinihintay ko ang reply niya ay nakatitig ako sa conversation screen namin. Did I overdo the smiley? Dapat ba hindi ako naglagay noon dahil wala rin naman siyang smiley? Grabe! Nakaka stress.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon