Chapter Forty-Six

3.4K 111 11
                                    

Chapter Forty-Six

Enough

Bumalik ako sa party para magpaalam kay Tita Deva. Alas-nuebe pa lang pero gabi na ito para sa isang may thesis paper na kailangang asikasuhin.

"Ipatatawag ko na si Dale para maihatid ka na ulit sa inyo." Sabi ni Tita.

Mabilis akong tumanggi. Hindi ko na yata maatim na makasama pa iyon ulit. I barely know him and it's nine pm. I am not accusing, just being careful. Sunod kong hinanap sina mom at dad. Naabutan ko silang nagtatawanan kasama ang iba pang bisita.

Humalik ako sa pisnge ni mom at dad. Sinabi kong kay Cen na ako magpapahatid kaya't hindi na nila kinailangang magmadali paguwi. Nagtagal ako sa pagpapaalam sa mga pinsan ko na nagyayayang mag-sleep over kami.

"We can sleep at our house if you don't want noise." Suggestion ni Avi.

"May aasikasuhin akong thesis, Avi. Siguro next time na lang?"

Mukhang nakumbinsi ko na ang kanina pang nagtatampong si Rina. Siya ang sumagot, "Kapag niyaya ka namin next time, hindi ka na dapat tatanggi, ha?"

Ngumiti ako. Ilang sandali pa ay dumating na si Cen. Pinaglalaruan niya ang susi sa kanyang kamay. Nagbeso ang dalawa kong pinsan sa akin bago kami umalis ni Cen.

"What's up with that Dale, by the way, Natalie? Hindi ko siya gusto para sayo. Mukha siyang manloloko." Nagsimula nang magmaneho si Cen pauwing Maia Alta.

Tumaas ang kilay ko, "Nagpapatawa ka ba, Cen? If there's anyone you have to warn about Dale it's Avi... or Rina." Tumawa ako.

"No, not them. Iyong Brian, he looks decent and gentle. Siya ang gusto ko para sayo."

Every occasion ay ganyan sila sa mga ipinapakilala sa akin ng family; sinasabi nila kung sino ang gusto nila para sa akin at kung sino ang hindi nababagay. It's always like that. But to make myself feel better, ganoon din ako kapag sa kanila naman may ipinapakilala. Cousins thing.

"Choose Brian, Natalie. Our family likes him already. Kanina ay ibinibida siya ni Tita Nadalia sa mga bisita, saying he's courting you."

Nanlaki ang mata ko. Although it's a bit late to be mortified, naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko. That's not right!

At the sound of Brian's name ay naalala ko kung paano dumampi ang labi niya sa akin kanina. Hindi man sa labi pero iba sa pakiramdam. Why did he not kiss me on the right place?

Yeah, right. My fault. I cannot be too insensitive about our present state. Ako ang may gawa. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maayos ayos ito. I don't have the time, but God knows how much I wanted to fix these things right away.

Matapos kong magpalit at magayos for bed ay nag-online ako para kumustahin si Deena tungkol sa thesis paper namin. Ang alam ko kasi ay nag-consult siya sa adviser namin kaninang umaga. Hindi na ako nakapunta dahil nga sa okasyon ngayon.

Natalie Paz: Pasensya na talaga, Deena. Bawi ako sa susunod.

Deena Henson: Hay nako. Galit ako.

Natalie Paz: Oh my gosh. Pasensya na talaga. Aakuin ko na lang ang 3/4 ng gawain.

Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong nagbibiro lang siya.

Deena Henson: Hahaha! You're so cute, Natalie. U don't have to.

Sinabi niya sa akin ang lahat ng notice ng adviser namin. Kakaunti naman iyon dahil maayos na ang nagawa namin. Bukas ay sisimulan na namin ang Chapter 1 at sa Lunes ay itutuloy namin ang pagaayos.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon