Chapter Nineteen

4.6K 131 11
                                    

CHAPTER NINETEEN

She's Not

Bago pa ako nakasagot kay Jeremy ay may tumawag sa kanya. Napalingon kaming parehas sa gawi kung saan nanggaling iyong boses.

"Brian, man!" tinapik ni Jeremy ang balikat ng kaibigan.

Matutuwa na sana ako na nakita ko siya ngayon. Kaya lang may parte sa akin na hindi masaya. Bakit nga ba? Hindi naman siguro ito dahil kasama niya si Shanna ngayon?

"Hindi ka ba sasabay sa amin?" expressionless ngayon si Brian. Hindi ko makita ang usual niyang ngiti ngayon.

Ni hindi niya ako tinitignan.

"Uuwi na kaagad? Maagap pa!" Tumawa si Jeremy.

Tumango si Brian, "Sige. Ihahatid ko na si Shanna. Mauna na kami."

He still didn't look at me. Anong nangyari sa Brian na friendly sa akin noon?

Alam kong wala ako sa lugar manghina dahil nakita ko lang si Brian na kasama si Shanna. Ngunit hindi ko talaga maiwasan na mawalan ng mood ngayon. Nawala na rin sa isip ko ang kaninang kilig na nararamdaman ko sa dalawang pa tweetums na pinagkakaguluhan pa rin ngayon sa gitna ng daan.

"Okay ka lang ba?" Hindi siguro malaman ni Jeremy kung tatawanan niya ba ako o ngingitian na lang.

Para mawala nang kaunti ang matabang na pakiramdam ko ay pinilit kong tumawa.

"Oo naman. Mauna na rin ako, Jeremy."

Sa huli ay nag ngitian na lang kami as a sign ng pamamaalam. Diretso ako sa rating gawi ng paghihintay sa dalawa. Natanaw ko kaagad si Ran na nakaupo sa bench habang titig na titig sa kanyang phone.

Maingat akong lumapit sa kanya para gulatin siya, pero as usual ay nag-fail ako. "Kainis naman oh! Pwede bang magulat ka naman para hindi ako mapahiya?"

Narinig ko ang pag tawa niya. "You are so annoying, Natalie. Do you know that?"

Umupo ako sa tabi niya at nginusuan siya, "I am always annoying to you."

He lightly nudged my side, "Sira ka talaga."

I sighed aloud. Ipinatong ko ang bag ko sa gitna namin. Even that seemed heavier for me to carry now. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Crush ko lang naman si Brian diba? I can't be like this!

"Ano na namang problema mo?"

Pinakawalan ko ulit ang mabigat kong nararamdaman, "Brian is with Shanna."

"Of course he'll be with Shanna, Natalie. Are you out of your mind? She's the girlfriend."

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon