Chapter Twenty-Four

4.8K 122 8
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Tension

Nakareceive na naman ako ng text kahapon na may session na naman daw bukas sa Exes Club. Hindi ko alam kung makakapunta ako. Ang sabi naman kasi ay own risk na namin iyong pag-miss sa mga sessions kaya the decision's still on us.

Pagkakita ko kay Ran nitong uwian ay hindi ko napigilang pagpapaluin ang likuran niya. Nanggigigil pa rin ako sa kahihiyan at sa kilig. Gusto ko ng punching bag ngayon, totoo!

"Ran! Grabe talaga! I can't even!" patuloy ko pa ring hinahampas ang likuran niya. Nakaupo siya at ako naman ay nakatayo sa likuran niya.

Kanina pa siya ilag nang ilag, at kung wala lang sigurong ibang estudyante rito ay nagantihan na ako nito. Joke! Gentleman pa rin naman ito. Baka sigawan lang naman ako, ganun. Pero kasi!

"Calm the heck down, Natalie! Malalamog ang muscles ko sayo!"

I grimaced. Umupo ako sa tabi niya. "I need yellow paper, Ran." mahinahon kong sabi. Napagod ako sa kahahampas kay Ran eh.

I saw him looked at me with disbelief from the corner of my eye. I sighed. "Wala akong yellow paper kanina, Ran. Naiiyak ako." I frowned.

Hindi ko pa rin makalimutan iyong kanina. I played with my lips and made a little bit silly noise out of it.

"You're impossible." umiling iling si Ran habang nakakunot ang noo niya.

Napangiti naman ako ngayon nang malapad, "On the bright side, may nagbigay sa akin ng papel!"

There's too many emotions fighting over dominance in my mind right now. Hindi ko alam kung kikiligin na lang ba ako o mababaliw pa ba sa kahihiyan ko kanina.

"Insane Natalie! Lumayo ka na nga sa akin at baka mahawa pa ako sa kung anong sakit mo."

Tumayo ako at tinignan ko nang masama si Ran pero hindi niya ako pinansin. Tinitigan ko lang siya nang masama hanggang sa pansinin niya ako pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Agh!

"Oy, Ran." sinipa sipa ko pa ang paa niya. Tanging tss lang ang narinig ko mula sa kanya at patuloy lang siya sa pagbabasa sa phone niya. Mas lalo kong nilakasan ang pagsipa sipa sa paa niya. "Pansinin mo ako!"

Nakita kong ngumisi siya pero hindi pa rin niya ako tinatapunan ng tingin. I frowned and got back to sit beside him. "Hindi mo ako pinansin."

Narinig ko ang malakas niyang pagtawa at ngayon ay tinitignan na ako nang may aliw sa mata niya. Pinagttripan ako nito ah!

"Ang papansin mo ngayon, Natalie. Do you know that? Ano bang nangyari sa'yo?"

Niyapos ko ang bag ko at huminga nang malalim. "Wala nga kasi akong papel kanina." Napatulala ako sa isang babaeng bumibili ng ice cream, masaya naman siya.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon