Chapter Thirteen

4.9K 145 14
                                    

CHAPTER THIRTEEN
Locked

Hinigit niya ako palapit sa sasakyan nila. As far as I know, it's Chevy. Nakumpirma ito nang pinigilan ko muna si Brian sa pag bukas ng pinto. Their SUV is a Tahoe LTZ Chevy.

"H-Hindi na talaga, Brian. Kaya ko na, pramis!" itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.

Binuksan niya ang pinto at nagsumbong sa mom niya. What the?

"Mom oh, ayaw pang sumabay ng kaibigan ko." pabiro niyang sinabi sa mom niya. Natawa na lang ako.

Ang dad niya ay napatawa rin sa sinabi ni Brian. Si Briella naman na nakaupo sa likuran ng mom niya ay napangiti. Sinilip ako ng maganda niyang mother.

"Natalie, right?" tumango ako sa tanong ni mother—este, mom pala ni Brian, "Sumabay ka na. At mukhang hindi mapapakali 'yang anak ko kung aayaw ka."

"MOM!" sigaw ni Brian sa kanyang ina.

Pakiramdam ko ay nag iinit ngayon ang pisnge ko. Alam kong mahirap mag assume pero parang humaba naman yata itong hair ko sa sinabi ng mom niya. Gosh, I need more shampoo! Medyo contradicting na nga kasi ayaw ko nang paliguan ang hair ko dahil sa paghawak dito ni Brian.

"Sige po. Sasabay na po ako." ngumiti ako nang aking shy smile at dumiretso sa likuran ng sasakyan para umupo.

"Way to go, brotha!" Briella chimed in. Nag high-five pa sila ni Brian pagkapasok nito, at hindi ko rin alam kung bakit.

Technically ay pang-animan lang na tao ang seats nitong Chevy. Dalawa sa unahan, which are yung driver at shotgun. Sa pangalawang linya naman ay dalawa rin pero may space sa gitna na nagsisilbing daanan para sa seats dito sa likuran. Nagulat ako dahil imbes na sa lapit ni Briella umupo si Brian ay dumiretso siya rito sa tabi ko.

Nginitian niya ako habang umaayos siya sa pagkakaupo. This is torture, I can't breathe again! Hindi ko alakaing ganitong blessing ang matatanggap ko ngayong araw na ito. Sobra sobra na ito talaga, pwede na akong sumakabilang buhay. Pero naisip ko na magkaka anak pa nga pala kami ni Brian so huwag na lang muna. Chill muna ako rito sa tabi niya.

"Nag dinner ka na ba, Natalie?" out-of-the-blue'ng tanong ng mom ni Brian.

Tumingin muna ako sa katabi ko bago sumagot. Nakakakaba naman 'to. I should have really gone home by myself. "O-Opo."

"Why don't you join us for dinner at our place?" nakangiting tanong ng dad niya. I saw him on the central rearview mirror.

"Yeah, Natalie, join us!" masayang sabi ni Briella.

Their family is really welcoming. Ngunit gayunpaman ay hindi ko pa ring maiwasang mahiya. Hindi ko ine expect na darating ang buhay ko sa puntong makakasama ko ang pamilya ng crush ko nang hindi pa man kami kasal. Kasal, big word!

"Hindi na po. Sa bahay na lang po ako magdi dinner with my parents."

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon