Chapter Thirty-Four

4.2K 157 21
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

Insane

I asked for a minute to excuse myself for a water break. Nakatatlong baso mahigit yata ako bago ako natauhan.

I almost drowned from drinking. So totoo nga  talaga iyong kanina? Parang... gusto ko na namang mag-chicky dance kaya lang baka mamaya biglang bawiin ni Brian 'yong sinabi niya kanina e. Joke!

But seriously!!!

"Natalie?"

I felt his presence beside me. Napaayos kaagad ako ng tayo. Kailangang pa-beauty queen muna ako ngayon, para mas lalo siyang ma-in love. Lagyan ko kaya ng balat ng saging iyong dadaanan niya para madulas siya at mahulog sa akin? Hihihi.

Kaya lang wala akong saging ngayon. Tsaka na lang.

"I-Inom ka rin?" pagalok ko sa kanya ng tubig.

Umiling siya, "Anong oras ka uuwi?"

Bakit, tara na ba sa bahay namin? Mamamanhikan ka na ba? Hihihihi. God, I am so advanced! Kailangan kong maghunos-dili sa mga iniisip ko ngayon. Kakaamin pa lang niya, self, tsaka ka na lumandi kapag maganda ka na.

Harsh.

"Ngayon?" hindi ko siguradong tanong. Bumalik kami sa loob ng studio. Inayos ko ang gamit ko at nag ready na para umalis dito. Hindi naman na siguro babalik dito si Sien ngayon tulad nga ng sinabi niya. Nagiinarte eh. Kainis talaga 'yon.

"Siguro namang magpapahatid ka na sa akin ngayon nang hindi tumatanggi sa una pa lang, Nat?"

Tumawa ako kahit hindi ko alam kung nasobrahan ba sa lakas ito o hindi. Crazeey.

"Magpapahatid po."

Ngumiti siya sandali at kinagat ang labi niya, "Wait, I'll ready the car. Kita na lang tayo sa lobby."

"Okay." I returned the smile.

Lumabas siya only to peek from the door. "Okay."

And then I just heard this fading laughs. The Fault in the Studio.

Ang sarap ma-in love... or ma-in crush. Everything seems funny. Lalo na itong something something sa dibdib ko. Nakakakiliti na ano, basta nakakakiliti.

Sinuklay ko nang maige ang buhok ko, nagspray pa ulit ako ng kaunting pabango bago lumabas. Nakita ko kaagad ang Tahoe sa labas ng building. Akala ko ay nasa loob noon si Brian, pero heto siya't papasalubong sa akin.

"Let's go? Wala ka nang naiwan?"

"Wala na."

"Sure?"

"Sigurado po, Bry." I assured. I saw him smiled again when he heard what I have just called him.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon