Chapter Forty-Seven

3.6K 111 16
                                    

Chapter Forty-Seven

Possibility

"Bukas na pala 'yung CE Night?"

Busy kami ni Deena sa thesis namin ngayon. Narito kami sa study area ng Business Administration students dahil mas kakaunti ang estudyante rito kaysa sa Common student's area.

Sandali akong napatigil sa pagtatype at tumingin kay Deena, "CE Night?"

"Party for Civil Engineering students. Hindi mo alam?"

Ngumiti ako, "Of course, I won't know. Marketing ako, Deena."

"Just sayin' since I know you go by with Brian Salazar." Nag-kibit siya ng balikat bago nagpatuloy sa pagaayos ng related literatures.

No, I don't. Not anymore, if this will satisfy my mind. Iwinala ko ang usapan namin papunta sa thesis. Study lang ng study. Wala na akong panahong manghina, ayoko na.

Nang maguwian ako ay nag-stay ako sa cafeteria at bumili ng Milktea habang hinihintay ko si Yas at Ran. Ngayon ay nagpapahintay ang dalawa, well, like we used to. Ever since second sem starts kasi ay lagi na akong mag-isa umuuwi, o di kaya'y may iba akong kasama pag uwi. Minsan naman ay sina Jeremy ang naghahatid sa akin.

Dumating si Ran pero hindi niya kasama si Yas. Nagtaka ako dahil ang alam ko ay laging sinusundo ni Ran si Yas mula sa kanyang huling klase. Napansin yata ni Ran ang confusion na nakapaskil sa mukha ko kaya sumagot na kaagad siya.

"Hindi na siya sasabay nang malamang kasama mo ako." Umupo siya sa harap ko. He looked really frustrated.

"Bakit? Sinundo mo ba sa room nila?"

He nodded, "But she won't go with me."

Bigla kong naalala ang pag-alis nila kahapon nang walang paalam. Hindi ko na nakausap si Yas matapos noon. And I am betting that now's the time to ask Ran about it.

"Anong nangyari kahapon? Nag-away ba kayo?"

Nagiwas ng tingin si Ran. Halatang may nangyaring hindi maganda kahapon. Hindi ganito kalala magtampo si Yas kay Ran usually. Kapag ganito si Yas ay ayaw niya talagang makipagusap sa nakaalitan, this time with Ran. What's up?

"Your issue with Brian. Yeah, I talked her out of it."

Napabuntong hininga ako, "Hindi mo na dapat ginawa, Ran. It's fine with me. Ang hindi okay sa akin ay kung magkakaaway pa kayo dahil sa issue ko. Aayusin ko 'to in time kaya hayaan niyo na lang ako. Kung hindi ko naman maayos, it's fine, too."

Umingay ang cafeteria nang may nagsidatingang estudyante. Napansin ko kaagad ang kanilang lanyard na sumisigaw na engineering students. At doon ko na siya nakita. With some unfamiliar engineering students but one. Kasama niya si Pamela.

"It looks as though I've already lost him. So what's even the point." Bulong ko.

Bago pa man magkatagpo ang tingin namin ay nagtago na ako. Kinuha ko ang gamit ko at sinenyasan si Ran na kailangan na naming umalis. Naunang makalabas si Ran dahil siya ang malapit sa exit. Nahirapan pa akong makalakad dahil sa nakasalubong kong estudyante sa masikip na lugar.

"Pasensya na, miss!" Gulat na patawad ng isang estudyanteng aksidenteng natapon sa akin ang dala niyang inumin.

Alam kong nakuha na namin ang atensyon ng marami sa loob ng cafeteria pero hindi ako tumingin para suriin kung sino sino ba ang nakatitig. I know he saw this. At wala akong pakielam kung ano man ang isipin niya.

"Okay lang." Ngumiti ako. Hindi niya sinasadya ang nangyari. Marami siyang bitbit at ang nagdala ng aksidente ay ang drawing tube na nahulog sa pagkakasakbit niya.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon