Chapter Forty

4K 104 12
                                    

CHAPTER FORTY

Hurt

Balik klase na kami matapos ang ilang araw na pagka-catch up naming tatlo. And of course, I received little presents from Yas and Ran mula sa kanilang escapades. Yas bought me several clothes since she likes to dress me up. Ayaw niya nga kasing ayusin ang sarili niya. I still can't understand why.

Si Ran naman ay nagdala sa bahay ng prutas mula sa Camea. Laking tuwa naman ng nanay at tatay ko dahil doon. Hindi lang simpleng prutas ang dala ni Ran dahil iyon ay exclusively from the island of Camea. Talaga naman kasing dinadayo ang islang iyon para sa iba't ibang indigenous fruits.

"Kamusta ang schedule ngayon, Yas?" tanong ko.

Unang linggo pa lang naman ngayon kaya't hindi pa gaanong nagka-klase ang mga prof. Puro pakilala lang ulit at hingi ng kani-kaniyang expectations sa kanilang subjects.

Iniligpit niya ang kaniyang inuusisang papel kanina bago sumagot, "It's fine. Maagap ang uwian ko, except for Friday. Pero hindi ko pa ito finalized, I'll check pa. Yours, guys?"

I just gave her my printed schedule. I don't have any whim about it. Maagap naman ang uwi ko, ngunit nakikini-kinita ko na hindi ko rin mae-enjoy iyon dahil alam kong kailangan ko na talagang mag-focus sa thesis ko. I was late, kaya't bago pa lang ako magsisimula roon. Hopefully ay makakita ako ng partner kaagad; iyong masipag at dedicated sana.

Si Ran at Yas naman ang nagpapalitan ng schedule nang tumunog ang phone ko.

Bry <3

Hi, crush. May World Lit ka pa po at eight.

Kahit hindi ko sigurado kung may prof. nang pupunta sa World Lit. ko ngayon ay minabuti ko na ring magmadali sa pagkilos. Nagpaalam ako sa dalawa at nagkalad papunta ng room. Nang tignan ko ang oras ay 8:15am na, sakto. At dahil dito ay napadasal na lang ako na sana wala talagang prof.

Ngunit sa taglay kong kamalasan ngayong araw ay talaga namang masasapak ko ang tadhana. May prof. na!

Sa likurang pinto ako pumasok para hindi agaw pansin. Sigurado naman ako na hindi lang ako ang late sa klase. Lalo na't alam kong may first year students akong kaklase rito, at iba pang free sec o irregular students.

"I just need your name on a one-fourth sheet of yellow paper and you may go." sabi noong prof.

Lugi pa ang dibdib ko sa pagkakaba ko kanina. Huminga muna ako nang malalim at nagpahinga sandali bago nagsulat. Hindi na ako nagmadali dahil wala naman akong mapupuntahan matapos nito. Ang alam ko ay may susunod klase na rin si Yas at Ran kaya't mag-isa ako kung lalabas man ako ng room.

"Hi, miss." tawag ng isang weird na boses. Hindi ako lumingon dahil hindi ko naman sigurado kung ako ba iyong tinatawag. "Miss Paz, pwede ba kitang maging crush?"

"Sorry, I'll pass." sabi ko. Natigilan ako nang lingunin ko kung sino man iyong nagsalita. "Bakit ka nandito?"

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon