SDTR: Kabanata 10

Start from the beginning
                                    

Doon ko naalala na nakasulat sa maliit na notebook na bigay saakin ni Blanch na eighteen years old si Ethan nang simulan niyang magtrabaho sa company nila. Halatang pagod na siya, pero alam kong kinakaya niya lahat para sa anak niya.

"Gusto mo bang magpahinga muna sa loob?" Tanong ko sakanya, iminulat niya ang mata niya, pinagtagpo niya ang paningin naming dalawa at pakiramdam ko nilalamon nanaman ako ng mga titig niya.

Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ko saka marahan na pinisil iyon. "Hindi na, male-late na rin ako." Bulong niya, hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, lahat ng mali sa isip ko nagiging tama dahil lang sa mga titig niya.

"Mag ingat ka." Paalala ko sakanya, tumango siya.

Bumaba na ako sa sasakyan niya, ganun rin siya. Papasok na sana ako sa loob ng bahay namin nang hilahin niya ang kamay ko at hinapit niya ako sa baywang ko. Sobrang lapit ng mukha ko sakanya na nagiging dahilan para maramdaman ko ang mainit na paghinga niya.

Hinawi niya ang buhok kong nakatabig sa mukha ko at hinaplos niya ang pisngi ko.

"I'm sorry." Bulong niya, "Pero ayokong pakawalan ka." Patuloy niya habang titig na titig sa mga mata ko.

"I promise na hindi kita ipapahamak kahit anong mangyari." Dagdag niya, napalunok ako ng sunod sunod.

"Ethan. "

"Gagawin ko lahat, kukuhanin ko si Sebastian, ipapa-annul ko ang kasal namin." Ramdam ko sa boses niya ang hinanakit at pagiging desperado.

"You don't deserve to be hurt baby." Bulong niya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. "I love you so much." At kasunod non ang pagyakap niya saakin ng sobrang higpit, lahat yata ng sakit na naramdaman ko nung nakaraang araw nawala nang yakapin niya ako. Itinaas ko ang kamay ko para tanggapin ang yakap niya, naramdaman kong hinalikan niya ang pisngi ko.

Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin, "Kumain ka muna bago ka matulog ulit." Paalala niya saakin, tumango ako bilang sagot.

"Kumain ka din." Sabi ko atsaka tumalikod na ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ito na ba talaga ang simula ng pag gawa ko ng kasalanan?

Galit na galit ako sa Daddy ko dahil sa ginawa niya kay Mama, pero ako itong ginagaya ang ginagawa niya noon.

___

"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot noong tanong ko kay Jersi at Vanessa na ngayon ay ngiting ngiti saakin.

"Para dalawin ka! So, tama nga ang hinala namin, may relasyon kayo ni Ethan?" Pilyang sabi nila na akala mo kumakanta sila dahil halos magkasabay pa ang tono nila ng pananalita.

Ibinuka nila ng malaki ang pinto ng bahay namin at dire-diretso silang pumasok sa loob. "Pero in all fairness, bagay kayo. Ang sweet niyong tignan kanina sa sofa nila Jersi, alam mo yung gising na si Ethan kanina pero hinahaplos haplos lang niya ang buhok mo habang mahimbing kang natutulog." Kwento ni Vanessa na nakapag papula sa mukha ko.

"Kaya lang, panira ng moment si Kuya Jerome!" Naiinis na hiyaw ni Jersi nang makaupo na siya sa single sofa namin.

Bigla akong natigilan nang maalala ko si Jerome, "K-kapatid mo si Jerome?"

"Sa kasamaang palad, oo. Kapatid ko siya." Humahalakhak na sagot saakin ni Jersi na nagpaawang sa bibig ko, "Transferee ang Kuya mo?"

"Oo, dapat naman talaga graduate na yan si Kuya last year sa Malaysia, yun nga lang tinamad dahil gusto daw niyang umuwi dito. Gusto niyang mag aral dito sa Pinas, last week lang siya nag enroll." Litanya ni Jersi, hindi na ako sumagot pa. Ayokong malaman niya na kilala ko na noon pa ang Kuya niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now