Kabanata II. Kasunduan

Comincia dall'inizio
                                    

"Paumanhin ngunit walang nasasabi sa akin ang hari patungkol sa kung anuman ang sasabihin nilang anunsyo ngayon." napahinga ng malalim ang prinsipeng aking kausap kaya't sumilay ang pagtataka sa aking mukha.

"Bakit tila may pag aalinlangan ka prinsipe? Napapansin ko lamang na kanina ka pa hindi mapakali sa iyong pwesto? May kailangan ka bang gawin o puntahan?" nag aalala kong tanong.

Hindi bago sa aking paningin ang ganitong ugali ng prinsipe. Tuwing kinakabahan siya'y hindi niya sinusunod ang utos ng mahal na hari kagaya na lamang ng pagsakay mag isa sa kaniyang kabayo papunta sa kaharian. Hindi din siya masyadong nakikihalubilo sa mga prinsipe't prinsesa kaya't alam kong may pangamba ito.

"Sa tingin ko'y alam ko na ang gagawing anunsyo nang aking ama." Nagbuntong hininga ito bago lumapit sa aking tenga para ibulong ang kaniyang nais sabihin.

"Mayroon silang balak na ipakasal mula sa aming magkakapatid sa pamilya ni Haring Maldua at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y ako na ang susunod." nagulat ako sa kaniyang sinambit.

Totoo ngang mahilig mag imbita ang mahal na hari ng ibang kaharian upang makasama sa hapag kainan ang mga ito ngunit iba nga ang paghahandang ginawa ng buong kaharian. Sa tingin ko'y may punto ang naiisip ng prinsipe.

"Ipagpaumanhin mo prinsipe ngunit kung ikaw man ang nakatakda ngayo'y wala tayong magagawa. Kung sakali mang maltratuhin ka ng isa sa kanila'y kagatin mo na lang ang dila mo upang matapos na ang paghihirap mo." biro ko sa kaniya upang gumaan gaan ang kalooban niya.

Sa totoo lamang ay wala naman talagang takas ang prinsipe kung siya nga talaga ang nais na ipakasal isa man sa mga prinsesa, iyon ang desisyon ng Hari kaya't walang magagawa ang buong kaharian.

Sumilay ako sa mga prinsesang nasa aking harapan. Taglay nila ang kagandahang minana nila sa kanilang reyna. Mahihinhin din ang mga ito kaya't sigurado akong wala ni isa sa kanila ang tinutukoy kong magmamaltrato sa isang prinsipe. Nagawi ang aking atensyon sa isang babaeng kanina pa sumusulyap sa gawi ko. Masama ang kaniyang tingin ng makitang nagbubulungan kami ni Prinsipe Rafhael kaya't nauunawaan ko ng isa siya sa mga umiibig dito.

"Gusto man kitang kausap ngunit sa tingin ko'y bubulagta na lamang ako dito ng walang pag aalinlangan dahil sa tingin sa akin ng isang prinsesa. Maaari ka bang gumawi ka sa bandang ala una?" bulong ko bago siya bumaling sa kanang bahagi aming pwesto at nakita ang prinsesang kanina pa papatay sa akin gamit ang kaniyang mata. Agad naman nagbago ang ekspresyon nito ng makitang nakatingin sa kaniya ang prinsipe. Nahiya ito at tila hindi alam ang gagawin kaya't nagdahilan itong tinawag siya ng kalikasan.

"Mukhang may nabiktima ka na naman prinsipe." biro ko matapos siyang tumayo at nagpaalam na iihi din. Alam ko namang may balak siyang sundan ang prinsesang binighani ng kaniyang pagmumukha.

"Mukhang masaya kang nakikipag usap sa aking kapatid." nabaling ang aking tingin kay Prinsipe Charles ng bumulong siya sa aking gawi. Hindi ko naman mapilang mapangiti dahil sa nguso niyang humahaba.

"Ano namang mukha iyan prinsipe? Nakakahiya sa mga prinsesang makakakita ng kalagayan mo. Wala ka ka na bang dignidad na kailangang pangalagaan?" biro ko sa kaniya habang pinipigilan ang mga tawang gustong kumawala sa aking labi.

"Hindi mo naman sinagot ang katunungan ko, prinsesa. Nagagalak ka bang kausap ang kapatid ko kaysa sa akin?" nagtatampong tanong niya kaya't sinubukan kong hinaan ang aking pagtawa upang hindi makakuha ng atensyon ng iba.

"Hindi naman sa ganoon prinsipe ngunit may isang prinsesa na naman atang nabighani ang iyong kapatid. Tinulungan ko lamang siyang makamit ang nais niyang mangyari sa kanila." dahilan ko ng makitang humahaba na ang labi nito. Tumango naman siya bago lumapit sa aking tainga kaya't pinaghandaan ko kung anuman ang gusto niyang sabihin.

"Ikaw? Hindi ka ba nabibighani sa akin?" mahina nitong bulong na nagpataas ng kanang kilay ko. Lumayo ako sa kaniya bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa. Sadyang ganito kami magbiruan kaya't sigurado akong wala itong problema sa prinsipe.

"Tigilan mo ko sa mabubulaklak mong salita prinsipe." napailing na lamang ako sa tinuwina niya at bumalik sa maayos na pag upo. Naramdaman ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya't napangiti na lang din ako.

Sumilay ako kung tapos na ba mag usap ang dalawang hari ngunit aabutin siguro kami ng hapon dahil sa kanilang salaysayin. Umikot ang aking mata sa buong hapagkainan upang matiyak na maayos ang kalagayan ng buong pamilya. Ngumiti naman ako sa isang prinsesang kanina pa siguro ako hinihintay na gumawi sa kaniyang bahagi. Napansin ko pa ang maliit niyang pagkaway sa akin bago namula ang mga pisngi. Itinaas ko din ang aking kamay at ibinalik ang kaway sa kaniya. Hindi naman niya napigilan ang kaniyang pagkabighani kaya't muntikan na siyang mahulog sa kaniyang kinauupuan. Nabaling ang tingin sa kaniya ng lahat kaya't bumalik ang pagkahinhin nito.

"Pasensya na ama at mahal na hari, akala ko lamang ay may kung anong hayop sa ilalim ng lamesa. Nabigla lamang po ako." saad niya bago humingi ulit ng pasensya sa dalawang hari. Bumalik naman ang mga ito sa pag uusap kaya't bumaling ulit ang tingin sa'kin ng prinsesa. May nakapaskil ditong ngiting nahihiya para sa sarili kasabay ng pagkamot sa kaniyang ulo.

"Itigil mo nga 'yan. Kahiya-hiya ka." agad namang nabaling ang tingin ko sa katabi niyang prinsesa. Matalim ang tingin nito sa akin kaya't itinigil ko na din ang interaksyon ko sa isang prinsesa.

Mukhang mas matanda ito sa kaniya dahil na din sa biglang pagsunod niya dito. Pansin ko ang matatalim niyang tingin kahit na hindi sa kaniya nakatuon ang pansin ko. Tila may sama ata siya ng loob sa akin ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang. Hindi naman niya ako malalapitan kaya mabuting hindi ko na lamang siya patulan.

"Nagagalak akong nakasama kayong muli sa aming hapagkainan. Mabuti na nga't sabihin na namin ang mahalagang anunsiyo at baka abutin tayo ng siesta dahil sa aming kwentuhan." tumawa ang karamihan dahil sa pabirong saad ng hari. Tumayo silang dalawa habang iniikot ang tingin sa buong hapag. Nasilayan namin ang pagtataka sa kanilang mga mata kaya't agad akong tumayo upang lumapit sa Hari.

"Nasaan si Prinsipe Rafhael?" ani nito bago muling lumingon sa pila ng kaniyang mga anak na lalaki.

"Nagpaalam po siyang mawawala saglit upang ilabas ang tawag ng kalikasan, mahal na hari." saad ko sa kaniya ngunit lalong kumunot ang noo nito.

"Nasaan si Prinsesa Froilan?" rinig kong sambit ni Haring Maldua. Agad namang tumayo ang panganay na lalaki at sinabing umalis ito upang umihi. Agad na sumilay ang ngiti sa kanilang labi kaya't nakumpira ko ngang tama ang kutob ni Prinsipe Rafhael.

"Sa kanilang pagdating saka namin iaanunsiyo ang mahalagang pagsasanib ng ating kaharian." saad ni Haring Edward at nagpalakpakan ang lahat ng nasa hapag. Napangiti ako dahil sa magandang balita ngunit isang parte sa aking puso ang nakikiramay para sa kinabukasan ni Prinsipe Rafhael.

"Ano ba tinigilan mo nga ang kakasunod sa akin." napalingon ang lahat dahil sa malakas na tinig na nanggaling sa labas ng kwarto.

"Hindi kita sinusundan kung ayun ang inaakala mo, parehas lang talaga tayo ng pupuntahan." sagot naman ng kausap nito. Sa tingin ko'y sila na ang matagal na hinihintay ng dalawang hari ngunit magkakaroon ata sila ng problema.

"Manyak ka. Lumayo ka sa'kin hindi kita gusto." napasinghap ang lahat dahil sa sinambit ng prinsesa bago sila iniluwal ng pinto.

Lalong nagulat ang dalawang pamilya ng makitang sobrang pula ng mukha ng prinsesa habang bakas ang kamay ng prinsesa sa pisngi ng prinsipe. Nagulat silang dalawa ng makitang sa kanila lahat nakatuon ang atensyon.

"Kasalanan mo 'to, ang ingay mo kasi." bulong ni Prinsipe Rafhael ngunit rinig naman sa buong hapag. Inirapan lamang siya ng prinsesa bago yumuko sa ama at bumalik sa kaniyang pwesto. Ngumiti muli ang hari bago tumayo at ibinuka ang kaniyang mga kamay.

"Sa lalong pagpapatibay ng dalawang kaharian sa ilalim ng pamumuno ko at ni Haring Maldua, iniaanunsyo namin ang kasunduang magaganap sa pagitan ng aking ika-anim na prinsipe, Prinsipe Rafhael at ang ika-apat na prinsesa ni Haring Maldua." ngumiti ang lahat sa anunsyong ibinigay ng hari kasabay ng palakpakan ngunit mababakas sa mukha ng dalawang ipinagkasundo ang hindi makapaniwala at gulat.

Hay, ito na nga ata ang buhay ng asul na mga dugo.

Katapusan ng Ikalawang Kabanata

Monarkiya: Ang Pagbagsak | ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora