Chapter 21: Customer

67 11 0
                                    

ALLISON

Hindi na ako nagsayang ng oras at nagpumiglas ako nang bibig ko naman ang takpan nito. Lalo na at natataranta narin ako.

"Shh!" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mukha ko at marahan akong hinila sa gilid ng resto.

"You're loud." Para namang umusok ang tenga ko nang marinig ang pamilyar na boses nito. Bumagsak ang mga braso ko.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa mga labi ko pero lalo niya lang hinigpitan.

"I think I like you better with your mouth shut." Pabilong nitong sabi. Mahina siyang tumawa.

"Bitch!" Mabilis nitong tinanggal ang kamay.

Hinarap ko siya nang nakataas ang kilay.

"Why did you bite me?" Inis nitong tanong.

"Anong why did I bite you? Bakit pa nga ba?" Nakangiwing pinunas ni Sebastian sa damit ang palad niyang kinagat ko.

"Gross..." Nandidiri niyang tinitigan ang palad.

"Sinusundan mo ba ako?" Nanlaki ang mga mata nito at umangat ang nguso.

"Ang kapal. Napadaan lang ako and thank my luck, Nakita kita dito." Sarkastiko niyang sabi.

"Tingin mo gusto rin kita makita?" Umirap ako.

"Isa pa, Kung nakita mo na ako, Edi sana umiwas ka na. Hindi, Lumapit ka pa at nilapitan ako." Suminghal ito nago umikot ang mga mata.

Naalala ko muli ang usapan namin nila Rodel.

Umawang ang bibig ko at marahang lumayo kay Sebastian.

"What? Why are you looking at me like that?" Takang tanong nito.

Umiling ako at hinanda ang kamao.

"What's your proble-" Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin na suntukin ito.

Bumuga ito nang hangin at hinawakan ang pisnge.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Kahit isa walang lumalabas na salita galing sa mga labi. Dahil narin siguro sa gulat sa ginawa ko.

"What the fuck was that for?" Inis na tanong nito. Mahina ang boses niya pero halatang nang-gigigil ito.

"Sorry..." Napatakip ako sa labi ko habang nagpipigil ng tawa.

"You're insane, Allison!" Ngumiwi ito at marahang hinimas ang pisnge.

"And way too strong for your size, By the way!"

"Sorry, Akala ko kasi-"

"Are you actually sorry or you're 'Sorry you got me'?" Tinaasan ako nito ng kilay.

"Totoo na. Pasensya ka na, Ikaw kasi eh." Hindi makapaniwala itong umiling.

"You punch me out of no where and it's still my fault." Dahil naman sa konsensya sa bilis iong paghinalaan at saktan ito, Isinantabi ko muna ang mga iniisip. Maganda na sigurong hindi ko siya galitin sa ngayon, Hindi ko pa alam kung ano ang kayang gawjn ng pamilya nito.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now