Chapter 29: Oops, Cliché

28 1 0
                                    

ALLISON

"My head hurts..."

"Ang sakit na ng ulo ko, Sebastian." Sabay naming reklamo. Huminga ako nang malalim habang nakahawak sa sentido.

"I need more coffee..." Bumagsak ang ulo ni Sebastian sa sira sirang kahoy na lamesa. Nakakatuwa nga lang rin na hindi ito matapobre o elitista. Ilang oras na kami dito sa bahay ngunit kahit isang beses wala itong nabanggit sa itsura ng o lagay ng bahay namin. Kahit na marami itong sira at kalawang sa paligid.

"I honestly didnt think it would be this hard." Tinignan ko si Sebastian na nagsisindi na naman ng sigarilyo.

"Kaya nga. Ang akala ko mamimili lang tayo at tapos na. Pamimili palang pala ang hirap na..." Napapikit ako.

"The justice system is anti-poor?" Suhestyon ko.

"Huh? How?" Tanong ng kasama ko na halos hindi na maiangat ang ulo.

"Kung ang parusa ay magbayad o makulong, Sino lang ang makukulong?" Mabilis na unangat ang ulo ni Sebastian at dumiretso ang tingin sa akin.

"Oh, Shit..."

"I have never thought about that." Tulad nga ng iniisip ko. Huminga ito ng malalim.

"It's a good topic, And right of the bat I can think of counterarguments. But,"

"Pero ano?"

"Can we make a whole research paper about it?" Tinitigan ko siya.

"Siguro? Maganda narin ito, Magagamit natin ang mga koneksyon mo. Lalo na sa PNP."

"What? You think they'd agree to prove that they're anti-poor? No way."

"Ang ibig kong sabihin pwede nating tignan ang statistics. Kung ilang sa mga preso nila ang nasa iba't ibang economic backgrounds. Kung ilan ang below poverty line, lower class, middle class o upper class." Tumango si Sebastian.

"That's it. That's our title!" Tumingin sa orasan si Sebastian at sarkastikong tumawa.

"It took us,"

"Five hours to think of that! So easy. No sweat!" Sarkastikong sambit nito. Sabay kaming napahawak sa sentido.

"God, I already regret this."

"Hayaaan mo na, Mabuti naring maaga tayo nagsimula."

"Gusto mo pa ng kape?" Tanong ko dito habang hinihintay kumulo ang tubig sa kaserola.

"No, Thank you." Malambing na ngumiti si Sebastian at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Juice?" Umiling ito nang hindi manlang tumitingin sa akin. Ngunit ako, Hindi nawala ang titig ko kay Sebastian. Pinanood ko ang magkasalubong na kilay nito habang seryosong nagsusulat.

Pumasok sa isip ko ang pigura ng sariling ama. Kung paano niya kalimutan ang paligid habang nagsusulat. Iyong parehong mukhang pinapakita ni Sebastian habang pinaplano ang mga gagawin namin, Iyon din ang itsura ni papa noong nilalabas niya ang lahat ng hinanakit sa iisang papel. Isang gabi bago siya-

"Allison?"

"Is there a problem?" Tsaka lang ako natauhan nang mapansing alalang nakatitig sa akin si Sebastian.

"W-Wala..." Nauutal kong sagot.

"Okay..." Ilang segundo niyang binantayan ang reaksyon ko bago bumalik muli sa pag-paplano. Seryoso nga talaga ito sa proyektong ginagawa namin.

At ang buong akala ko, Isang spoiled at hindi pa nahihirapan sa buong buhay niyang nilalang si Sebastian Castel.

"Come here, Look." Lumapit naman ako sa kanya na may dalang tasa ng kape.

"Okay, So... We start here. Introduction on chapter one. Can you do that, Al?" Tinignan ko ang mga nakasulat sa papel at tumango.

"Since you know more about this topic, You should write the introduction. Then I'll follow what you write." Tumango ako muli habang taimtim na nakikinig sa kaniya.

"Then I'll do chapter two, Evidence. I'll take care of this since dito papasok yung statistic that you were talking about earlier." Hindi ko naman mapigilang mamangha sa bersyon na ito ni Sebastian. May talino rin pala itong tinatago.

I couldn't have been more wrong about someone.

"Then counter arguments... I'll take care of that narin. And then proposed solution, That's one you. Lastly, sources, That's both of us."

"Is that good, Al?" Tumango nalang ako tutal wala naman akong gastos sa lahat ng ito at pantay naman ang paghati niya ng gagawin.

"So... If that's all..." Tumayo si Sebastian at sinuksok sa bag niya ang lahat ng gamit niya na nakakalat sa lamesa.

"I have to go, Allison... Thank you."

"Hindi, Ako dapat ang mag-pasalamat." Sinubukan kong ngumiti.

"Aalis na ko..." Hindi na ako umimik nang lumabas ito nang kwarto.

Huminga ako nang malalim, At bumuga ng mas malalim.

"Shit!" Dali dali akong lumabas ng bahay nang marinig na magmura si Sebastian.

"Bakit? Anong nangyari?" Alalang tanong ko dito.

"Look!" Ngumiwi ako nang makita ang sasakyan nitong wala nang gulong.

"Anong nangyari?" Napakamot ng ulo si Sebastian.

"I don't know... Someone must've-" Hindi tinuloy ni Sebastian ang sasabihin at tumingin muna sa akin.

"May nag-nakaw, Sebastian." Tumaas ang kaliwa kong kilay.

"Yeah... Fuck."

"Anong gagawin natin niyan?" Tanong ko.

"I don't know..." Tumingin ako sa paligid.

Wala nang kahit sino sa paligid kaya wala na kaming mapagbibintangan.

"I'll call someone to bring me tires." Bumuntong hininga si Sebastian.

"Sinabi ko naman sayo, Huwag mong ipakita iyang sasakyan mo sa ganitong lugar."

"Well, I'm sorry I didn't think this was a bad neighborhood."

"Sebastian, May pinagkaiba ang tanga sa mabait." Sarkastiko kong sagot. Umirap ito.

"Sorry, What was I supposed to say? 'Ayoko dumaan dito, Allison. Baka manakawan ako'?"

"Aba, Sebastian. Tumingin ka sa paligid mo. Mukha bang maraming pinagkakakitaan ng pera amg mga tao dito?"

Napailing nalang ito.

Matapos tawagan ang kung sino man ang pwede niyang tawagan, Nakasimangot itong lumapit sa akin.

"Earliest they can send me anything is 8:00 A.M."

"Ano? Bakit daw?"

"Dad's having a party at home, Occupied ang lahat ng helper sa bahay. The king comes before the prince." Umikot ang mga mata ni Sebastian.

Tinignan ko si Sebastian.

"Why are you looking at me like that?" Ngumuso ako.

"I'm sorry-"

"No. I'm fine. I'll sleep in the car, Goodnight."

"Baliw ka ba, Castel?"

"Wala pa tayong kalahating oras sa loob ng bahay, Nawalan ka na ng gulong."

"Gusto mo pang matulog diyan buong gabi?" Binaling ni Sebastian ang tingin niya sa kotse bago ibalik sa akin.

"To be honest, I'm just waiting for you to say it." Bumuntong hininga ako.

"Pumasok ka na sa loob."

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now