Chapter 50: Unlucky

31 7 0
                                    

ALLISON

"Axe, Kausapin mo naman ako." Pagmamakaawa ko dito.

"Axe," Desperado kong tawag dito.

"Ano ba, Lis?" Inis nitong pinunasan ang mga mata.

"Axe, Im sorr-"

"Pwede ba, Allison? Pabayaan mo na," Bumagsak ang mga balikat ko.

"Madami pa akong papeles na aasikasuhin. Ayoko muna intindihin yang kung ano mang meron sa inyo ni Sebastian."

"Axe, Walang 'may roon' sa amin ni Sebastian." Narinig ko itong huminga ng malalim bago humarap sa akin.

"Really, Lis? Bakit ganoon siya makatingin sayo?" Napaawang ang nga labi ko sa tanong nito.

"Nahihibang ka na ba, Axe? Magkaaway kami, Galit kami sa isa't isa-"

"Talaga? That wasn't the case when you were inside the same car for AT LEAST twenty minutes." Tumataas na ang boses nito kaya't huminga ako ng malalim. Ayoko namang magambala ang mga pasyenge at trabahador dito sa ospital.

"Siya rin ang may kasalanan kung bakit ako nasa presinto kanina," Mahinahong paliwanag ko dito. Huminga ito ng malalim at diniin ang mga daliri sa sentido.

"Lis, My dad's dead..." Lumunok ako ng laway.

"He's gone, Allison! Dahil kay Sebastian! Dahil sa mga Castel!" Bumalot ang parehong kamay ko sa mga braso nito nang lumakas ang boses niya.

"Let me go!" nagpumiglas si Axe, Kaya't hindi ko narin napigilang bumitaw sa kaniya. Mahina akong bumuga ng hangin habang nakatingin sa sahig.

"Aminin mo nga, Gaano na kayo katagal-" Saglit itong tumahimik. Hindi ko sigurado kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngayon. Ngunit hindi ko gusto ang mga posibilidad.

"Gaano ka na katagal konektado kay Sebastian? Cause I know damn well you wouldn't just hop on his car if you hated each other so much!" Napalunok muli ako ng laway.

"Axe," Mahinahon kong tawag sa kaniya.

"Allison, They killed my dad. He killed my dad!" Lalo lamang tumataas ang boses niya habang pinipigilan ko ito.

"Kaya please be honest with me-"

"Walang alam si Sebastian sa nangyayari, Axe." Pagputol ko sa sinasabi nito. Mabilis bumagsak ang emosyon sa mukha nito, Napatigil siya. Kunot noo niya akong tinitigan.

"Just leave." Malamig nitong saad.

"Ano?" Nagdikit ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.

"I said, Leave." Ilang segundo kaning nanahimik, Hindi nagtatama ang mga tingin at hindi rin gumagalaw.

"Hindi-" Huminga ako ng malalim, Dahan dahang kinokolekta ang gulong tumatakbo sa isip ko.

"Hindi kita iiwan mag-isa, Axe. Hindi ngayon." Mapait itong tumawa bago diretsong tumingin sa akin. Hindi na napigilan ni Axe na tumulo ang mga luhang galing sa kaniyang mga mata.

"Noong nandito ako sa hospital, Looking after dad..." Kahit pa nanunuyo na ang bibig ko, Nagawa ko paring lumunok. Alam ko na kung saan pupunta ito. Alam ko na kung ano ang sunod niyang sasabihin.

"You were with him, Weren't you?" Kahit gusto kong magsinungaling, Walang salita ang lumabas sa mga labi ko.

"While I was devastated and hoping my dad would wake up, You were with him,"

"Ayon ba ang nangyari, Lis?" Lalong kumawala ang luha sa mga mata nito, Nagpapaunahang bumagsak sa mga pisnge ni Axe.

"Umalis ka nalang, Allison. Tutal mukhang wala ka namang kahit kaunting respeto sa akin o sa relasyon natin."

"Hindi sa ganoon, Axe-"

"Then why are you with Sebastian?!" Sigaw nito at winasiwas ang braso. Sa lakas ng sigaw niya, Halos nag-iiba na ang boses nito. Marahas, Malalim, Mala-demonyo.

Dahan dahan akong humakbang palikod nang makitang kumukuyom ang kaniyang kamao.

"If you had even a little respect for me, You wouldn't even be talking to the man who killed my father!"

"Hindi siya ang pumatay kay tito, Axe!" Desperada kong paliwanag dito, Nagdarasal na sana makinig ito nang kahit kaunti.

"You're not even trying to explain." Napatigil akong muli nang mapagtantong, Tama si Axe. Hindi ko manlang naipaliwanag kung bakit magkasama kami ni Sebastian o paano kami nagkaayos.

"Imbis na magpaliwanag ka, Dinidepensahan mo lang siya." Umiwas ito ng tingin bago iharap sa akin ang likod niya.

"The longer you stay, The more you're gonna hurt me. So just leave if you have any regret over what you did." Pinanood ko itong maglakad palayo. Ilang segundo akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang tumakbi papalapit sa kaniya o sundin nalang ang sinabi nito.

Ngunit tama si Axe, Walang ikabubuti ang pananatili ko dito.

Mabagal kong hinanap ang daan palabas ng ospital. Hindi ko na binigyang pansin ang bawat reporter, manunulat, taga-suporta at iba pang naghihintay sa susunod na mangyayari sa labas ng ospital. Binaba ko na lamang ang aking ulo at pinanood ang bawat hakbang ng mga paa ko palayo ng ospital.

Saktong liko ko sa isang tahimik at madilim na kalsada, Bumagsak ang mahinahong ulan. Umangat ang mga mata ko sa itim na langit. Hindi ko na napansin ang mabilis na pagtakbo ng oras. Gabi na pala.

Tumigil ang mga paa ko nang mamataan ko sa malayo ang tatlong malalaking lalaki. Nagkasalubong ang mga kilay ko nang mapagtantong pamilyar ang mga ito.

Sila ba iyong mga pulis na nakasama ko sa sasakyan kanina? Sadya kong pinaliit ang nga mata upang maka-pokus sa mga ito. Nang makumpirma ang suspisyon, Naramdaman kong bumagsak ang dibdib ko.

Huminga muna ako nang malalim baga dahan dahang naglakad sa kabilang dako ng kalsada. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa sementong kalsada.

Ayokong mapansin nila ako at mas lalong ayokong mamukhaan nila ako.

Para aking nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang mabibigat at mabibilis na hakbang mula sa likod ko.

"Huwag!-"

Love How You Hate Me (Castel #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora