Chapter 32: Babe!

51 11 0
                                    

ALLISON

"Babe!" Ngumiti ako nang makita si Axe. Sinalubong ako nito.

"I missed you..." Bulong nito habang nakabalot ang mga braso sa katawan ko.

"Na-miss din kita. Kamusta?" Tanong ko.

"I'm fine." Ngumiti ito.

"Sino ang nagbabantay kay tito sa ospital?" Tanong ko.

Hinawakan ni Axe ang kamay ko habang naglalakad kami sa gitna ng iba't ibang dekorasyon at palamuti sa unibersidad.

Puno ng masasayang mag-aaral ang paligid. May sari-sariling buhay at gustong subukang gawin. Tulad ng wedding booth, mga palaro, horror house at iba pang pinagkaabalahan namin ng ilang araw.

"My uncle's home from the states. Siya na ang nag-presentang magbantay para makapasok ako." Tumango ako.

"Mabuti naman." Umikot ang mga mata ko sa paligid.

Ngayon lang napuno ng ganito ang labas ng mga silid-aralan. Ngunit mayroon akong hindi nakita na madalas ay umaagaw ng atensyon.

Si Sebastian. Naka-uwi kaya siya o dumiretso na dito sa unibersidad galing sa bahay?

"Babe? Are you listening?" Tumingin ako kay Axe.

"Ano nga ulit?" Tanong ko.

"Anong gusto mo gawin?" Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko alam, Ang gusto ko lang naman panoorin ay ang tutugtog sa susunod na araw." Ngumiti si Axe.

"Really? Ako lang ata ang gusto mong panoorin." Tumawa ako.

"Sino pa nga ba?" Mabilis na namula ang pisnge ni Axe habang nakangiti.

"Let's just get something to eat."

Tahimik akong sumunod kay Axe na naglalakad papunta sa isa sa mga nagbebenta ng makakain.

"Here." Umupo kami sa isang bangko habang kumakain.

"Attention, Students of South Mountain. Attention, Please." Bumaling kami ng tingin sa entablado nang magsalita ang principal.

Nanahimik ang lahat at pinakinggan ang i-aanunsyo nito.

"I hope everyone is having fun. Since it is our 20th foundation week and we are also celebrating being part of the elite universities list,"

"Napag-desisyunan namin na nag-dagdag ng event na mukhang magugustuhan ninyo." Ngumiti ang principal. Nagsimulang umugong ang bulungan sa campus.

"Anong meron, babe?" Tanong ni Axe.

"Hindi ko alam, Hindi rin kami nasabihan tungkol dito." Tumango si Axe.

"On the last night of the foundation week, We will have a dark magic themed ball!" Naghiyawan ang mga estudyante sa inanunsyo ng principal.

"Cool." Sabi ni Axe.

"Maraming salamat din sa sponsor ng event na ito, Si Senator Archangel Castel,"

Nagsalubong ang mga mata namin ni Axe.

"Na tatakbong presidente sa susunod na taon. Maraming salamat, Students!" Lalong umingay ang mga mag-aaral nang ipalabas sa malaking screen ang theme ng ball.

"Wow." Marahang tumawa si Axe.

"They're seriously doing everything, Aren't they?" Tumango ako.

"Alam mo naman kung gaano kagutom sa kapangyarihan ang mga-" Napatigil ako nang makita si Sebastian sa malayo, Bumili ng cotton candy. Wala itong kasama at mukhang walang interes na magkaroon ng kasama.

"Si Archangel." Bumuntong hininga si Axe. Hindi lumayo ang tingin ko kay Sebastian. Kung hindi mo siya kilala, Mas mukha pa siyang iyong tipo ng tao na 'nerdy' at 'loner' kaysa 'badboy'.

"Hindi ko parin sigurado kung tama ba ang desisyon ko." Tinignan ko si Axe.

"Anong desisyon?"

"To listen to my dad's lawyers. I don't think I should be quiet about this." Napalunok ako ng laway. Kung magsasalita si Axe baka siya naman ang saktan.

"Axe, Ayokong mapahamak ka." Nagtama ang nga mata namin.

"Ayos lang ako."

"At isa pa, Napangunahan tayo ng galit. Walang sinabi si Archangel na ikaw ang nagsabi o mayroong personal na nagsabi sa kaniya." Tumaas ang kilay ni Axe.

"Ang sinabi niya, Kinumpirma niya sa mga abogado ni tito ang aksidente," Umiwas ako ng tingin.

"Yung balita ang nagsabi, Nakasulat sa headlines." Umiling si Axe.

"Damn, Those news stations."

"They fabricate everything to be more interesting and to stir more drama." Hinawakan ko ang kamay no Axe.

"Wala tayong magagawa kung hindi hintayin magising si tito. Siya ang magdedesisyon kung magsasalita ba siya, O hindi."

"Delikado ang politiko, Axe. Iyong akala mo ay tamang desisyon, Baka ikapahamak mo lang." Tumango ito.

"Siguro nga dapat makinig nalang tayo." Dito na naglaban ang utak at puso ko.

Alam kong madaya at hindi tama na hindi kami lumaban. Dahil habang nasa ospital si tito, Umaangat ang mga Castel dahil sa mga balita at chismis. Nagmumukha silang mabuting tao, Kahit na wala naman silang ginagawa.

Pero sigaw ng puso ko ang pagaalala kay Axe. Hindi naman talaga nagsinungaling ang mga Castel sa sitwasyong ito, Sadyang napabango sila ng mga tao. Hindi naman siguro tama na ipahamak pa namin ang buhay niya para lang sa hindi pagkakaintindihan.

"Hey... Masyadong malalim na naman ang iniisip mo." Mahinang sabi ni Axe. Sumandal ito sa akin at hinalikan ang balikat ko.

"Hindi," Tinignan ko siya.

"Hindi ba kayo mageensayo ng banda mo? Ang tagal nong nawala, Siguradong marami ka ring hahabulin." Pinaglaruan niya ang mga daliri ko.

"I know all of that already..."

"Axe," Tumingin ako sa tatlong lalaking kung makatingin sa amin ay parang nang-aasar.

"Yung mga kabanda mo."

Umangat ng tingin si Axe sa mga kaibigang may bitbit na mga instrumento.

"Hey, boys." Bati ni Axe.

"Tol, Ilang araw ka na ngang absent. Pagbalik mo dito, Babae agad?" Umiwas ako ng tingin. Kahit pa dati hindi na talaga ako gusto ng mga ito.

"Wala kayong pakialam." Tumayo si Axe.

"Kamusta si tito?" Tanong ng mga ito.

"He's... Stable,"

"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ni Axe.

"Tol, Dalawang araw nalang tutugtog na tayo. Tanga ka ba?" Tumawa si Axe.

"You three, Are too pressured."

"Gago! Samantala kakanta ka lang."

"Tara na!"

"I won't come without Lis." Tinignan nila akong apat.

"Axe, Ayos lang ako dito-"

"I guess, I'm not coming." Sinamaan ako ng tingin ng mga kabanda niya.

"Axe, Sumama ka na sa kanila. Ayos lang ako dito."

"Nah, I'm fine." Ngumiti si Axe sa kanila bago umupo muli sa tabi ko.

Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa titig nila sa akin. Bumuntong hininga ako.

"Tara na nga."

Love How You Hate Me (Castel #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें