Chapter 12: Jealousy, Jealousy

86 13 0
                                    

ALLISON

"Paano nangyari yun?" Tanong ko. Humigop ako ng softdrinks at binaba ang telepono ni Rowena.

"Unbelievable diba? Ang ambisyosa. Hindi pa nakuntento." Tahimik ang karinderya kahit marami ring tao dito.

Dahil narin siguro alas dose na ng gabi at puro pang-gabi nalang ang kumakain dito. Mga tipo ng taong hindi na nasisikatan ng araw.

"Walang degree si Maliari Castel, Wala rin siyang background sa gobyerno. Eh, Hindi nga graduate ng kolehiyo si Maliari." Napailing ako sa sinabi ni Rodel.

"Tatakbo si Maliari, Pero ang mananalo si Archangel." Tinignan ako ng dalawa.

"Wala namang ibang dahilan na tumakbo si Maliari kung hindi para mas lumawak ang kapangyarihan ni Archangel." Pagpapatuloy ko.

"Teka... Lis, Tatakbo siya laban kay Mr. Cruz." Napakunot ang noo ko.

"Uuwi na ko, Gabi na." Mabilis akong tumayo at naglakad pauwi.

Pagpasok ko ng bahay unang hinanap ng mga mata ko si mama. Pero wala siya dito. Sa totoo lang halos hindi ko na siya nakikita.

Pumasok ako sa kwarto at tinitigan ang buhok ko. Makakabawi din aki sayo, Sebastian.


"Hey." Bati ni Axe na sumabay sakin sa paglalakad.

Taka namang tumingin sakin si Axe. Umirap ako.

"What happened to your hair?" Tanong niya habang halatang nagpipigil ng tawa.

"Shut up. Ayokong magpaliwanag." Huminga ito nang malalim bago sabihing

"I swear it looks good. I think it's uniq-" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya natawa na ito. Siniko ko naman siya.

"Ouch... Im sorry. Im sorry." Natatawa nitong sabi.

"Axe, Is this really what you wanna talk about?" Tanong ko. Tinignan niya ako.

"You've heard?" Tanong niya. Tumango ako habang papasok ng campus.

"Gusto ng mga bulag si Maliari." Sabi ko. Pumalatak si Axe.

"Pag natalo si papa, Mawawalan siya ng posisyon." Sabi ni Axe. Lumiko kami papasok ng hallway.

"Tapos? Sinong papalit sa puwesto ni tito ngayon?" Tanong ko.

"Ayun." Tumigil kami sa gilid ng hallway. Tinuro ni Axe ang gwapong nakasandal sa doorframe ng classroom namin.

"Hindi pwede. Masyado pang bata si Sebastian." Hindi makapaniwala kong sabi.

"Pero graduate na siya, twenty five at may good reputation na siya by election day." Napalunok ako ng laway. Tumigil kami sa harap ng classroom at tinignan ko si Axe.

"I'll see you after class." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa likod ko. Tinignan ko naman siya na parang nagtatanong kung bakit.

"Bye, Lis. Take care." Ngumiti ito at tinignan muna ng masama ang nasa likod ko bago umalis.

"Weirdo..." Bulong ko at humarap sa classroom. Napatigil naman ako nang makitang nakaharang si Sebastian dito.

"Axe Cruz, Huh?" Nakangising sabi nito. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa klase. Sinadya ko man o hindi na banggain siya papasok, Hindi niya na yon malalaman.

"That's why you hate me." Binaba ko ang bag ko at tinitigan siya nang masama.

"Kaya naman pala sobrang against sa family ko." Tinulak niya ang noo ko gamit ang daliri niya.

"Putanginang daliri yan, Sebastian. Puputulin ko yan." Natawa naman ito.

"And what are you saying?" Inis na tanong ko.

"You're dating Axe Cruz. Natatakot ka bang matalo ang boyfriend mo?" Napakunot noo naman ako. I wish.

"No. No, Im not dating Axe. He's my bestfriend." Tinalikuran ko ito at inayos ang mga gamit ko sa desk. Mahirap na, Baka kung ano pang gawin ni Sebastian dito.

"Yes you are. Ang sama nga ng tingin sakin kanina." Hinarap ko siya.

"And? Kung kami nga ni Axe, Tingin mo magseselos sayo yun?" Tinignan niya naman ako nang parang sobrang nakakainsulto yung sinabi ko.

"You think hindi ako kaselos selos? Excuse me?" Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa na parang nangaasar.

"Kay Axe? Hindi eh." Ngumiti ako.

"For your information, Ms. Riot." Pinitik niya na naman ang noo ko.

"He's way below me in every aspect. And I mean in, Ever. Aspect." Hindi naman ako makapaniwalang tinitigan siya.

"Axe is smarter and at least yun, May puso." Sumandal si Sebastian sa table ng professor.

"I don't think he has a heart."

"Ang kapal ng mukha mo. Out of both of you, Axe actually helps people. The Cruz family has compassion and sympathy for other people. While the Castels have nothing for the people pag hindi nila kailangam ng boto." Sumama ang mukha ni Sebastian bago ngumiti muli.

Grabe talaga ang mood nitong lalaking to parang may switch.

"He doesnt have a heart kasi I think you have his heart." Parang umiilaw ang mala-perlas na ngipin nito dahil sa lawak ng ngiti niya.

"Hm. Talent mo magpatawa. Sana nag-doktor ka." Sumimangot si Sebastian.

"And do your research nga, Rally-bitch."

"What did you call m-"

"Maraming nagagawa ang pamilya ko kahit there's no election. It just gets publicity when it's relevant. Gets?" Ngumiwi ako. Ang galing din nito magpaikot ng katotohanan.

"Why would you want Axe to be jealous anyway?" Tanong ko. Tumawa ito.

"Hoy, Dont be assuming, Alright? I just wanna annoy him, That's all. The best I can do that is with you." Sabi niya at tinulak na naman ang noo ko gamit ang daliri niya. Lalong lumakas ang tawa ni Sebastian.

"Mas gwapo si Axe sayo." Tumalikod ako mulit pero ngayon hinatak niya na ang braso ko para humarap sa kanya.

"Gross!" Malakas kong sabi at hinila ang kamay ko palayo.

"Alam mo, Spots, Ang kapal ng face mo." Inis niyang sabi.

Sa lahat ng sinabi ko sa kanya ang hindi niya talaga matanggap yung mas may itsura si Axe?

"Oh? Talaga? Makakaganti rin ako sayo." He smiled.

"Im waiting." Tumingin kami pareho sa pintuan nang pumasok ang professor.

Bumaling ulit ang tingin ni Sebastian sakin bago kumindat at umalis.

Hindi ako nakapag-pokus sa klase dahil iniisip ko kung paano makakaganti kay Sebastian.

Isasantabi ko muna ang galit ko sa kanya bilang Castel. Lagot ka sakin Sebastian.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now