Chapter 25: Two

47 11 1
                                    

ALLISON

"Thanks for letting me gatecrash your class. I had fun." Sabi ni Sebastian na nakasandal sa puno at humihipak ng sigarilyo.

"Ako nga dapat ang magpasalamat. Ang laki ng naitulong mo."

"Don't mention it." Bumuga ito ng usok.

"Pasensya na nga pala sa mga kaibigan ko kanina. Pare-pareho kasi kaming biktima ng-"

"Dad ko?" Bumuga ulit ito ng usok.

"Allison, I swear we're good people. Cross my heart, we have never harmed anyone." Tinapon niya ang sigarilyo.

Natahimik ako. Doon ko napagtanto na baka wala talagang alam si Sebastian sa mga nangyayari. Baka hindi ito nagbubulag bulagan, Baka biktima rin ito ng panloloko ng mga magulang niya.

"Siguro nga..." Uupo sana ako sa damo nang hilahin ni Sebastian ang balikat ko.

"That's dirty."

"Pwede na iyan. Uupo lang naman."

"Are you ever not stubborn?" Tanong niya habang umiiling.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi na naka-imik nang tanggalin niya ang puting dami at ilapag sa sahig.

"Gago ka." Tumingin siya sa akin habang nakaupo sa tela.

"Just sit down."

Tinignan ko ito.

"Puti pa talaga ang nilapag mo." Umupo ako sa tabi niya.

"It's gonna go in the laundry anyway." Tumawa ako.

Ilang minuto kaming tahimik. Parehong magpapahinga.

"Hindi ka ba hinahanap ng tatay mo?" Tanong ko. Umiling ito.

Kahit gusto ko siyang harapin, Hindi ko magawa. Tatambad sa akin ang, hindi ma-ipagkakailang, Magandang hubog ng katawan nito.

"Why would he? I'm twenty two, Not a child."

"Hindi ba siya nag-aalala? Baka masaktan ka?" Tumingin siya sa akin.

"Allison, Why would he care that much na hahanapin niya ko when I've been gone for a couple of hours?" Nagkibit balikat ako.

"Sabi nga nila, Fame comes with danger. Paano kung gusto kang saktan ng mga kabilang partidos?" Tanong ko. Kumunot ang noo nito.

"Why would they? Our families are all good friends. The rivalry comes with the supporters, Naman." Tinitigan ko ito. Walang bakas ng pagsisinungaling. Sa totoo, Mukha ngang masaya pa ito.

Putangina. Wala talagang alam si Sebastian. Para akong nilamon ng konsensya nang unti unting pumasok sa isip ko na ako ang mali sa panghuhusga sa kaniya.

"Sabagay..." Hindi nalang ako kumontra.

Nilabas ko ang telepono ko at tinignan ang oras.

"What's that?" Tinuro niya ang telepono sa kamay ko.

"Ano sa tingin mo?"

"An ancient gadget- Why do you still have that?" Nanahimik ako saglit.

"Wala. Gusto ko lang." Aminin ko man o hindi, Nahihiya akong sabihin na ito lang ang kaya ko. Madalas wala pang load.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon