Chapter 67: Another Realization

36 7 0
                                    

ALLISON

"Lis!" Saktong tawag sa akin ni Rodel ay pagtakbo ni Rowena papalapit sa akin. Saglit na napatingin sa amin si Axe bago patuloy ang pakikipagusap.

"Omg, Anong nangyari?" Alalang tanong ni Rowena habang minamata naman ni Rodel ang mga pulis na kausap ngayon ni Axe.

"Suspicious act of terrorism daw." Umikot ang mga mata ko. Sa totoo lang kahit na ganito ang nangyayari nagpapasalamat parin ako na nandito silang tatlo.

"Terrorism? Ano? Bakit?" Halong taka at galit na tanong ni Rodel. Bumuntong hininga ako at sandaling minasahe ang sentido.

"Because of this," Lumapit sa amin si Axe bago iabot sa akin ang librong ninakaw ni Sebastian sa akin. Umangat ang tingin ko dito bago siya tuwang yakapin.

"Salamat, Axe. Mabuti nalang at nabawi mo." Nakangiti kong saad dito. Saglit na tumingin si Axe sa paligid.

"Ayoko naman maging hipokrito, But my last name really helps sometimes."

"Ayan ba iyong binasa mo on your speech nung huling protest?" Tanong ni Rowena habang nakatitig sa librong hawak ko. Tumango ako.

"Oo. Ninakaw ni Sebastian bago niya ibigay sa mga pulis." Umawang ang bibig ng dalawa.

"Seryoso?" Gulat na tanong ni Rowena. Tumango ako.

"Sa labas na natin pagusapan 'to. I don't like this place." Mahinang sambit ni Axe. Sabay sabay kaming napatingin sa paligid kung saan kapansin pansing tinititigan kami ng mga preso at iilang pulis.

"Paano niyo nalaman na si Sebastian ang nagnakaw niyan?" Tanong ni Rowena habang hinahalo ang inumin.

"Well, First of all, Sino pa ba?" Tanong naman ni Axe. Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, Tumingin muli ako sa paligid ng punong kainan. Hindi ko maiwasang kabahan o mailang manlang dahil baka makilala ako ng mga tao dito.

"Si Sebastian lang ang may contact kay Allison and may motive." Pagpapatuloy ni Axe.

"Ano ba talagang laman niyang librong yan, Lis?" Tanong ni Rodel.

"Impormasyon, kaalaman at mga sikreto ng mga Castel. May mga nakasulat dito na hindi nila nanaising malaman ng ibang tao." Sagot ko.

"Like?" Napatingin ako saglit kay Rowena. Walang ibang may kopya ng librong ito, Iisa lang. Ako.

"Sinulat to ni papa bago siya mamatay. Hindi ko alam kung saan niya nakuha lahat ng impormasyon na 'to pero ang naaalala ko ilang buwan nang matapos niyang isulat 'to, Ang araw na namatay siya." Nagkatinginan naman ang tatlo.

"Nakasulat dito ang lahat ng pagnanakaw ng mga Castel at kung paano nila nagawa. Pati narin ang..." Mahina akong umubo.

"Pagpatay sa ilang nararapat patayin para makuha ang kailangan nila." Pagpapatuloy ko. Ilang segundo natahimik ang mga ito.

"Lis, Kapag hindi mo napatunayan na ginawa nila lahat iyan maaaring makulong ka ulit." Bumaba ang tingin ko sa pagkaing nilapag ng waiter sa harap ko. Inantay ko munang makalayo layo ito sa amjn bago magsalita.

"Wala akong balak mapasakamay ng iba ito, Huwag kayong magalala. Isang beses ko lang binasa ang librong 'to sa harap ng maraming tao. Dalawang linya nga lang ang binasa ko."

"But they already did this much just to get it from you. Napaka delikado that you even have that book, Lis. Alam nilang there's something in there." Nakita kong kumunot ang noo ni Rodel sa sinabi ni Axe.

"Pagisipan niyo nga, Bakit naman sila matatakot kung una," Inangat nito ang hintuturo.

"Hindi nila alam kung ano ang paratang sa librong iyan." Sunod naman ay ang gitnang daliri.

"Pangalawa, alam nilang hindi totoo." Panghuli ang palasingsingan nito.

"Pangatlo, hindi nila alam na ganoon ka seryoso ang nakasulat dyan?" Nagtama ang mga mata namin ni Axe.

"Lis... Sa tingin mo, saan nakuha ni tito lahat ng information na nilagay niya dyan?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Axe. Ilang beses akong kumurap.

"Hindi ko alam..."

"Tama si Rodel, Bakit naman mag-eeffort si Sebastian ng ganon para lang makuha iyang libro na yan?"

"You mentioned na may kaya naman kayo before your dad died, Diba? Ano ba talaga trabaho ni tito?" Tanong ni Axe. Napalunok ako ng laway. Ngayon ko lang napagtanto na maliban sa pagsusulat, Hindi ko alam kung ano o kung nagkaroon ba ito ng iba oang trabaho.

"Hindi kaya konektado ang tatay mo sa mga Castel bago siya namatay?" Umiling ako.

"Hindi. Buong buhay ko aktibista narin si papa. Bata palang ako nilalabanan na niya ang mga Castel."

"Bago 'yon? Ano ang trabaho niya? Nasabi niya ba sayo bakit galit na galit siya sa mga Castel?" Sunod sunod na tanong ni Axe. Isa isa kong tinignan ang tatlo na ngayon ay nakatitig din sa akin.

"Hindi... Ang alam ko lang galit si papa at habang lumalaki ako napagtatanto ko kung ano ang mga posibleng rason. Pero siya mismo, hindi niya nabanggit sa akin." Natahimik kaming apat. Tinitigan ko ang plato sa harapan ko, Kunot noong pinagiisipan ang posibilidad na mas malapit si papa sa mga Castel kaysa sa inaakala ko.

Hindi ito imposible dahil hindi naman kami mahirap bago ito mamatay kahit pa wala sa kanilang dalawa ni mama ang nagtatrabaho noong panahong iyon. Nakapagaral din ako sa pribadong eskwelahan.

"Lis, How did your dad die?" Binasag ni Axe ang katahimikan gamit ang nakakabasag pusong tanong.

"Nakita nalang ang katawan niya sa kalsada..." Nanginginig ang mga labi ko.

"May bala ng baril sa dibdib..." Nagtama an mga mata namin ni Axe. Tulad ko at magkasalubong din ang mga kilay nito.

"Did they ever catch who killed shot him?" Umiwas ako ng tingin bago umiling, Namumuo an mga luha sa mata.

Ayokong isipin na konektado sila sa sinapit ng ama ko pero hindi ito imposible. Kung totoo nga ang lahat ng nakasulat sa libro at ang hinala namin, Hindi rin imposible na wala silang kinalaman sa pagkamatay ng tatay ni Axe.

Love How You Hate Me (Castel #1)Where stories live. Discover now