Prologue

305 24 8
                                    

"Hi. Can I borrow this?" Sabi ng batang lalaki sa kaklase nito.

Tinitigan lang ito ng kaklase niya. Hindi nito naintindihan ang Ingles.

"Hello? Can I borrow this?" Tanong nito muli, Ngayon ay kumakaway sa harapan nito.

Nahihiyang yumuko ang batang babae.

"I'll just take this..." Kinuha ng bata ang lapis na hinihiram.

"Hoy! Akin na iyan!" Masungit na sabi ng batang babae at hinablot ang lapis.

"Hindi ka nga nagpaalam, Eh!"

"Yes, I did make paalam-" Tumaas ang kilay ng batang lalaki nang mapagtanto kung bakit ganito ang reaksyon nito.

"Hindi ka nakakaintindi ng English?" Natatawang sabi nito.

"Ang tanda mo na, You dont understand English parin?" Tumatawang sabi ng lalaki. Narinig ito ng mga kaklase nila at sinimulang tawanan din ang batang babae.

Napayuko na lamang sa hiya habang patuloy itong pinagtatawanan ng mga kaklase.

Bata pa ito, Wala pang pitong taong gulang.

Dahil sa mahinang damdamin ng batang babae, Umuwi itong luhaan.

"Bakit naman umiiyak ang prinsesa ko?" Kompronta ng ama nito.

"Papa, Pinagtatawanan nila ako sa school." Nakangusong sabi nito habang tumutulo parin ang luha.

Love How You Hate Me (Castel #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ