Chapter 6: Tribute

90 13 1
                                    

ALLISON

"Allison! Bilisan mo! Tara na!" Hinila ako ni Rodel palabas ng bahay.

"Bakit? Ano nangyari?" Takang tanong ko habang patuloy ang kinakaladkad nito.

"Makinig ka nalang sakin. Tara na." Seryoso niyang sabi.

Napatigil kami sa dulo ng kalye kung saan napuno ng iyakan at sigawan ang hangin.

"Anong nangyari?" Nagaalalang tanong ko kay Rodel. Napatingin ako sa ilang ambulansyang nakapaligid sa amin.

Isa isang nilabas ang mga itim na body bag mula sa mga ambulansya.

"Ano yan? Sino sila?" Tanong ko.

Napatakip ako ng bibig nang itapon nalang ang mga body bag sa kalsada na para bang hindi katawan ng tao ang laman nito.

"Rodel-" Napa-hangos ako nang buksan ang isa sa mga ito. Tinakpan ng palad ko ang labing nanginginig dahil sa nakita.

"Anak! Mga wala kayong respeto sa patay! Mga walang hiya!" Lumapit naman ang ina nito sa katawan ng isa naming kapitbahay na ngayon ay sa katawan nalang makikilala.

"Tara na..." Rinig kong sabi ng isang employado bago umalis ang mga ambulansya. Wala nang ibang naiwan dito kundi ang mga patay na katawan at nagiiyakan nilang mahal sa buhay. Ni isa walang nai-uwi na buo ang katawan. Kung hindi ulo, Braso o binti ang wasak sa mga ito.

"Aling Teri, Ano pong nangyari?" Tanong ko.

"Naku, Allison!" Iyak nito.

"Bakit po? Ano nangyari sa kanila?" Nilibot ko ang tingin ko. Limang katawan. Limang wala nang buhay. Kimang kinabukasan ang tinapon na lamang sa kalsada namin na para bang-

"Nagtatrabaho nang marangal ang anak ko! Ngayon wala na siya wala manlang silang respeto o kahit simpatsya! Mga walang hiya..." Umiiyak nitong sabi.

"Mga walang hiya kayo!"

"Anak ko!"

"Papa!" Nanginginig ang mga pag-hinga ng bawat isa sa amin. Iba't ibang boses ang pumuno sa hangin, Iba't ibang iyak.

Hinila naman ako ulit ni Rodel.

"Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari kagabi?" Umiling si Rodel at napahawak sa lamang sa sentido. Nangingilid ang mga luha ko. Para akong nakikipagagawan ng hangin sa baga. Sa galit at sa hinagpis. Gutom na gutom sa hustisya.

"Nagkaaksidente daw sa building na pinapagawa ni Maliari Castel." Sabi ni Rodel.

"Putangina. Castel na naman?" Napailing nalang rin ako.

"Oo."

"Wala silang naiabot na tulong?" Tanong ko. Umiling si Rodel habang nakatingin sa nagiiyakang pamilya ng mga nanakawan ng buhay.

"Nakita mo naman kung paano nalang nila binagsak dito ang mga katawan. Tingin mo magbibigay pa sila ng tulong sa lagay na iyan?"

"Putangina talaga..." Mura ko.

"Paano naaksidente?"

Love How You Hate Me (Castel #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt