Chapter 7

283 21 31
                                    

KACEY KIM

"Alis na ako. Bye Soobin, bye, Ms. Innocent." Pagpaalam sa amin ni Beomgyu.

Nginitian ko naman siya saka kinawayan. Si Soobin naman ay nasa tabi ko at tahimik lang hanggang sa makaalis na si Beomgyu.

"Soobin, may problema ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya sa akin.

"Wala." Sagot niya saka tinalikuran ako.

"E bakit ang tahimik mo? Hindi ka nagsasalita."

"Wala lang ako sa mood." Sagot niya bago tuluyang umalis.

Napanguso nalang ako saka napabuntong-hininga. Hindi ko pa din nakakalimutan yung sinabi niya kanina, kaya ba siya ganiyan kasi hindi ko siya pinapansin?

Hindi naman sa hindi ko siya pinapansin, sadyang hindi ko lang talaga siya napapansin dahil masiyado akong natuwa habang kausap si Beomgyu.

Pero bakit kahit alam kong wala akong kasalanang ginawa, pakiramdam ko meron akong nagawang mali?

Bumuga nalang ulit ako ng hangin saka akmang isasarado na sana ang pinto nang may kamay na humarang doon.

"Ouch!" Nakarinig ako ng matining na boses mula sa labas kaya agad kong binuksan yung pinto.

Nakita ko si Marjorie na hinihimas yung kamay niya na namumula dahil sa pagkakaipit. Kinuha ko naman yun saka sinuri.

"Bakit kasi hindi mo nalang ako hinintay na isara yung pinto para kumatok ka nalang. Ayan tuloy, naipit ka pa." Sabi ko sa kaniya habang hinihipan ang namumulang parte ng kamay niya.

"Nagmamadali kasi ako e." Dahilan niya.

"Bakit naman?"

"May sasabihin kasi ako sayo."

"Ano naman?"

"Gusto ko sana kayong imbitahan ni Soobin para sa party ng tito ko. Si tito Jomar, remember? Siya yung congressman ng baranggay na to na naikwento ko sayo. Meron kasing party doon sa covered court para i-celebrate yung birthday party ni tito at gusto ko kayong pumunta ni Soobin doon." Sabi niya sa akin habang may ngiti sa labi.

"Ano naman yung covered court?" Tanong ko sa kaniya. Nawala naman ang ngiti sa labi niya.

"Si Soobin nalang yung magsasabi sayo, nakakapagod nang mag-explain sayo. So, ano? Pupunta ba kayo?" Tanong niya. Halata sa mukha niya na gusto niya nga akong pumunta kaya lang hindi pa ako sigurado. Gusto ko namang pumunta pero hindi ko alam kung pupunta din si Soobin.

"Hindi ko pa alam e, tatanungin ko pa si Soobin—" Hindi pa ako tapos magsalita nang may pumutol non.

"Pupunta kami." Rinig kong sahi niya. Kahit hindi na ako lumingon, alam ko ng si Soobin yon.

"Yey!" Masayang sabi ni Marjorie na napa-palakpak pa. "Aasahan ko kayo ah! Mamayang alas-syete ng gabi sa covered court."

"Anong susuotin?" Tanong naman ni Soobin sa kaniya.

"Magsuot kayo ng kung anong kumportable sa inyo pero sana yung medyo pormal."

"Sige, salamat." Sabi ni Soobin saka binigyan ng maliit na ngiti si Marjorie.

"Welcome! Sige na, bye!" Sabi ni Marjorie saka tuluyan nang umalis.

Hinarap ko naman si Soobin na nakatingin din pala sa akin.

"Nasa mood ka na ba para magsalita?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya.

"Sigurado kang gusto mong pumunta?" Tanong ko ulit.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️On viuen les histories. Descobreix ara