Chapter 24

286 23 27
                                    

KACEY KIM

"A-Anong sabi mo?" Tanong ko sa kaniya gamit ang nanghihinang boses.

"Inosente na nga, bingi pa." Rinig kong bulong niya saka umirap pa.

"Ano ba! Sumagot ka nga ng maayos!" Napasigaw na ako dahil nababaliw na ako sa bilis ng tibok ng puso ko pati na rin sa kaba na nararamdaman ko.

Nagpa-panic ako dahil sa kabang nararamdaman ko sa loob-loob ko. Parang gusto kong maiyak na ewan.

"Umupo ka dito para makapag-usap tayo ng maayos. Nangangawit na ako kakatingala sayo at tinatamad ako tumayo." Aniya. Agad naman akong bumalik sa pag-upo sa tabi niya.

"Sabihin mo na, please," Sabi ko.

Tumingin naman siya sa makulimlim na langit saka bumuntong hininga bago magsalita.

"Na-aksidente ako noon habang nagda-drive ako pauwi dito, ang tanga ko kasi, bakit ba naman kasi ako uminom. Tinamaan ang ulo ko saka paa, ayoko sanang ipaalam kay kuya ang nangyari sa akin dahil alam kong mag-aalala lang yon at makakadagdag lang ako sa problema niya, kaya lang ang kulit ni lolo e. Nang sabihin yon ni lolo kay kuya, yon mismo ang araw na umalis siya at sinabi niya sayong kakalimutan ka niya. Kinwento niya sa akin yon, Kacey. Hindi dapat siya aalis ng mga panahong yon dahil nalaman niyang mahal siya ng taong mahal niya." Sabi niya saka nginitian ako.

Tumulo nalang bigla ang luha ko dahil sa narinig.

"Pero wala siyang nagawa nang malaman niyang na-comatose ako. Napilitan siyang umalis kahit na gusto niyang habulin ka at sabihin niyang mahal ka din niya. Ang sabi niya sa akin, gusto na niya sanang balikan ka kaya kang daw walang magbabantay sa akin dahil sumakto pang binawian ng buhay si lolo." Doon na nag-crack ang boses niya.

Ako naman ay napatakip ng bibig dahil sa pagka-shock at hindi ko na din napigilan ang paghikbi. Napakagat ako ng labi sa sobrang bigat ng pakiramdam.

"Hindi na siya nakabalik sayo, Kacey, dahil naisip niyang mas kailangan ko siya. Alam mo, kahit ayaw ni kuya sa mga kagaya mo, nagbago siya para sayo, binago niya ang paniniwala niya dahil may tao daw na nagturo sa kaniya na tanggapin ang lahat na tapos na. Mahal ka ni kuya, Kacey. Mahal na mahal ka niya, kaya lang, nang dahil sa akin hindi niya nasabi sayo ang nararamdaman niya. Patawarin mo ako, Kacey. Sorry, kasalanan ko ang lahat."

Napailing-iling nalang ako saka napahagulgol. May sariling isip ang mga paa ko at tumakbo papuntang mansyon, pagpasok ko doon, agadakong dumitetso sa kwarto ko.

Ni-lock ko ang pinto saka napasandal nalang doon, napadausdos ako pababa. Niyakap ko ang tuhod ko saka doon umiyak.

Kaya pala, kaya pala nagbago siya dahil sa mga pinagdaanan niya. Ang dami niyang pinagdaanan na dapat dinadamayan ko siya pero pinagtabuyan ko pa siya at sinaktan.

Mahal niya ako pero hindi ko pinaniwalaan. Napahagulgol ako lalo dahil sa naisip, ngayon, wala na akong pag-asa na madamayan, malapitan, at makasama siya dahil ako na mismo ang nagsabi na lumayo siya.

Napahawak ako sa puso ko nang sumikip yon, hindi ako makahinga sa sakit. Bakit ganito? Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko?

Soobin...

Dumating ang araw ng debut ko pero hindi ko pa din siya nakikita. Pinahanap ko na siya kung saan-saang posibleng lugar na puntahan niya, nagpatulong na nga ako kayla Mommy at kay Josh pero wala pa ding nangyari. Hindi pa din namin siya nakita.

Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kaniya dahil sa mga pinagsasasabi ko sa kaniya nang gabing yon, kaya lang, mukhang hindi na mangyayari yon.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now