Chapter 10

266 21 11
                                    

KACEY KIM

Nandito ako ngayon sa mansyon namin. Dito ako dumiretso pagka-alis ni Soobin. Gusto ko na kasing mag-kaayos kami ng mga magulang ko, at kailangan ko na din kasing umuwi dahil alam kong nag-aalala na sila sa akin ng sobra.

"Kacey, anak!" Agad akong napatayo ng marinig ang sigaw ni Mommy.

Nilingon ko siya at nakita ko siyang tumatakbo papunta sa akin. Agad niya akong niyakap na sinuklian ko naman.

Humiwalay siya ng yakap sa akin at nakita ko ang mukha niyang puno ng luha.

"Anak, saan ka ba nanggaling? Saan ka pumunta? Alam mo ba kung gaano kami nag-alala ng Daddy mo sayo?" Umiiyak na sabi niya.

Naluha naman agad ako. Pinakamahirap para sa kin ng makita ko ang nanay ko na umiiyak, dahil sa lahat ng oras, pinapakita niya sa akin na malakas siya. Umiiyak lang siya kapag sobrang nakulungkot, nasasaktan o kaya nanghihina siya.

"I'm sorry, Mommy..." Nasabi ko nakang habang pinupunasan ang luha ko.

"No. Is should be the one who is sorry. I'm so sorry, Anak. Ngayon ko lang na-realize na malaki ka na pala, na-realize ko na masiyado na pala naming kinokontrol ng Daddy mo ang buhay mo kaya nasasakal ka na. I'm sorry, Anak if you think that you're being our puppet, no, you are our baby. Masiyado lang kaming nago-OA pagdating sayo dahil ikaw lang ang ka-isa-isa naming anak kaya ginagawa namin ang lahat para sayo to the point na nasasakal ka na pala namin. I'm so sorry, Anak. Mapapatawad mo pa ba si Mommy?" Tanong nito sa akin.

Agad naman akong tumango saka niyakap siya.

"I miss you, Mom."

"I miss you too, baby."

"I'm sorry, if I make you worry, I promise, hindi ko na po yun uulitin. Masiyado lang po akong nadala ng damdamin ko." Sabi ko sa kaniya tumango-tango naman siya.

"It's okay, Anak. It's my fault, anyway."

"Corned beef? Anak, di ba sinabi ko na sayo na hindi healthy ang mga delata?" Kunot-noong sabi ni Mom sa akin.

Nandito kasi kami ngayon sa kusina at tinanong ko ang isang yaya kung may corned beef ba kaming stock dito pero wala daw. Sinubukan kong magpabili kay Mom pero ito siya ngayon...

"Pero, Mom, isang beses ko lang naman kakainin. Hindi naman po sunod-sunod." Sabi ko sa kaniya saka hinawakan siya sa kamay.

"Bakit ang gaspang ng kamay mo?" Sabi niya saka tinignan yung palad ko. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mga kalyo daan. "Kacey! What happened to your hand! Bakit punong-puno to ng mga kalyo?!" Gulat na sabi niya.

"E kasi po, naglalaba po ako—"

"Naglalaba?! Naglalaba ka Kacey? At bakit naman? Sabihin mo nga sa akin, saan ka ba talaga napunta? Ha? Look, pati yung buhok mo nag-dry na. Pati yung skin mo ang oily na, tapos yung mga kamay mo... Argh! What happened? I told you to take care of yourself, lalong-lalo na yung balat mo." Singhal niya sa akin.

Napanguso nalang ako.

Nahing dry lang naman yung buhok ko kasi walang conditioner doon kayla Soobin. Wala akong mabilhan kaya no choice ako kundi hanggang shampoo lang.

Tapos, kaya naman ako naging oily dahil mainit talaga doon. Hindi sa nagrereklamo ako, pero nasanay na kasi yung balat ko sa aircon. Tapos wala pa akong magamit na facial mask doon dahil ang mahal, ayoko naman humingi ng pera kay Soobin dahil nakakahiya.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें