Chapter 5

291 23 24
                                    

KACEY KIM

"Hindi ka pa rin niya pinapansin, sis?" Tanong sa akin ni Marjorie. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay ay nag-uusap.

Siya yung una kong naging kaibigan dito. Nakilala ko siya kahapon noong lumabas ako ng bahay para ilabas yung basura sa kusina.

Mabait naman siya kaya lang medyo maingay siya minsan. Ang sabi niya ay nagta-trabaho daw siya sa isang bar na hindi ko naman alam kung saan. At kapag nagkikita kami lagi, lagi siyang naka-make up. Hindi daw kasi siya confident kapag wala siyang suot e.

Umiling naman ako sa kaniya. Kinwento ko kasi sa kaniya yung nangyari sa pagitan namin ni Soobin kaya alam niya.

"Ang pabebe naman pala ni Soobin. Paano ka niya natatagalan na hindi pansinin?" Komento niya saka umirap pa.

Napabuntong-hininga naman ako.

Dalawang araw na simula nung hindi niya ako pansinin. Kahit nga sa pagkain hindi niya ako sinasabayan, o kaya kapag nagkakasalubong kami, tinitignan niya lang ako saglit tapos lalampasan na niya ako.

Ganon ba siya kagalit sa akin? Ilang beses na akong nag-sorry sa kaniya kaya lang ayaw niya naman tanggapin.

"Nasaan na siya?" Tanong ulit sa akin ni Marjorie.

"Pumasok na siya sa trabaho niya." Sagot ko naman.

"Iniwanan ka ba niya ng pagkain?"

Tumango ako.

"Oo. Kahit galit siya sa akin hindi niya naman ako pinapabayaan.

"Grabe, para kayong mag-jowang may LQ."

"LQ? Ano yon?"

"Seryoso, sis? Hindi mo alam kung ano yung LQ?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi naman kita tatanungin kung alam ko e." Sabi ko. Napa-poker face naman siya dahil sa sinabi ko.

May nasabi ba akong mali?

"Hindi ko talaga alam kung bakit kita naging kaibigan. Una ang slow mo, pangalawa, ang inosente mo masiyado na parang wala kang alam sa mundo, at huli, napaka-pilosopo mo. Saan planeta ka ba talaga nanggaling?" Tanong niya sa akin. Bakas sa boses niya ang pagka-inis at pagtataka.

Bakit ba lahat sila tinatanong ako kung saan ako nanggaling? Ano bang masama sa pagiging slow, pilosopo at inosente? Ikakamatay ba nila kapag ganon ako? Masiyadong malaki ang problema nila sa akin.

"Sa sinapupunan ng nanay ko." Sagot ko sa tanong niya. Napatampal naman siya ng noo.

"Ewan ko ba sayo. Alien ka yata e."

"Hindi naman totoo ang mga alien." Sagot ko sa kaniya.

"Argh!" Nagulat ako ng sabunutan niya ang sarili niya. "Nakakabobo kang kausap." Sabi niya na parang nanghihina.

"E bakit mo pa ako kinakausap kung ganon?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko nga din alam e." Sabi niya habang umiiling. Hindi ko nalang siya sinagot, tinanong ko nalang yung tungkol sa sinabi niya kanina.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now