Chapter 1

422 26 8
                                    

KACEY KIM

"Teka, dahan dahan lang naman, baka mabulunan ka. Hindi naman aalis yung pagkain sa harap mo e." Sita sa akin ni Soobin ng sunod-sunod kong isubo yung pagkaing niluto niya.

"Sorry." Sabi ko nalang saka uminom ng tubig. "A-Ano tong niluto mo?" Tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa pagkaing kulay pula na may patatas, tapos sobrang sarap.

"Hindi mo alam kung ano yan?" Gulat na tanong niya sa akin.

Umiling naman ako. Hindi ko naman siya tatanungin kung alam ko e.

"Seryoso?" Tanong niya pero hindi ako sumagot. "Corned beef ang tawag diyan."

"Corned beef?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Bakit parang takang-taka ka? Ngayon ka lang ba nakakain niyan?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin.

Tumango naman ako.

"Saang bundok ka ba nakatira at kahit corned beef ay hindi mo alam?"

"Hindi naman ako sa bundok nakatira." Mahinang sabi ko.

"Eh bakit hindi mo alam kung ano yan? Halos lahat ng tao kumakain niyan at alam yan. Tapos ikaw hindi?" Tanong niya sa akin na parang isa akong alien na napadpad sa earth dahil sa hindi pagkakaalam sa corned beef.

Hindi ko naman talaga alam yang pagkain na yan e. Ngayon ko lang yan narinig at natikman. Sabi kasi sa akin ni Mommy na hindi daw healthy yung in canned foods kaya kahit kailan, hindi ko pa nasusubukan yan. Puro gulay at mga karne lang ang pinapakain sa akin ni Mommy.

"Sorry." Nasabi ko nalang saka yumuko.

"Bakit ka naman nagso-sorry?" Sabi niya saka sumubo.

"Kasi ngayon ko lang nalaman kung ano yung corned beef." Sabi ko saka tumingin sa mata niya. Napatigil naman siya sa pag-nguya dahil sa sinabi.

"Hindi mo naman kailangang mag-sorry dahil lang sa hindi mo alam kung ano yung corned beef. Ang weird mo, kumain ka na lang diyan." Sabi niya saka nginitian ako, nginitian ko naman siya pabalik bago ako bumalik sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain, halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang busog. Nasarapan kasi talaga ako sa corned beef.

Siguradong pagagalitan ako ni Mommy nito kapag nalaman niyang kumain ako non.

Napabuga nalang ako ng hangin ng maalala si Mommy. Siguradong nag-aalala na siya sa akin ngayon dahil bigla nalang akong umalis ng bahay. Pero ano bang magagawa ko? Galit ako sa kanila dahil sa pang-gagamit nila sa akin, kailangan ko munang mapag-isa at makapag-isip. Kumbaga, kailangan ko munang huminga sa pagkaka-sakal nila.

"Pasensya na kung mainit dito. Wala pa kasi akong electric fan e, hindi pa ako makabili dahil nagastos ko yung pambili ko nung nagbayad ako ng kuryente noong makalawa." Sabi ni Soobin saka umupo sa tabi ko.

"Ayos lang." Nakangiting sabi ko sa kaniya saka pinunasan yung noo ko ng maramdaman kong tumulo ang pawis ko doon.

"Saan ka ba galing? Bakit nasa kalsada ka at walang malay? Wala ka bang bahay?" Tanong niya sa akin.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon