Chapter 18

289 24 2
                                    

KACEY KIM

"So, ano, Kacey? Saan mo gustong ganapin yung party mo?" Tanong sa akin ni Hartley.

Nandito kami ngayon sa pang-limang beach resort na pwedeng pag-daungan ng birthday party ko sa sabado. Papikit-pikit nga ako dahil sa pagod pero ayos lang, masaya naman e. Buong araw kasi na to, akala ko magiging third wheel ako sa kanilang dalawa pero hindi pinaramdam sa akin ni Soobin yon.

"Ahm, gusto ko sana doon sa una nating pinuntahan." Sagot ko sa kaniya.

"Oh, you mean, San Juan beach resort? Bakit mo naman napili yon?"

Napangiti naman ako sa tanong niya tsaka tinignan yung naging dahilan kung bakit ko yun pinili na ngayon ay nakasandal sa balikat ko at natutulog na. Napagod kasi siya kanina kakalakad.

"Espesyal kasi para sa akin yung lugar na yon, meron akong alaala na hindi makakalimutan doon." Sabi ko sa kaniya.

Napatango-tango naman siya.

"I see." Sabi niya naman habang nangingiti.

"I'm sorry pala dahil umabot pa tayo ng limang beach resort para lang makapili. Napagod ko pa tuloy kayong dalawa ni Soobin." Sabi ko tsaka binigyan siya ng alanganing ngiti.

"No, it's okay. Wala rin naman akong gagawin sa bahay tsaka na-enjoy ko naman yung mga views ng iba't-ibang beach resort na pinuntahan natin. Nag-enjoy din ako kasama kayo."

"Thanks." Nasabi ko nalang saka nanahimik na kaming dalawa.

Tinignan ko nalang ang madilim na paligid sa labas ng restaurant na pinagtutuluyan namin ngayon. Ang saya ng mga tao, merong nagbo-bonfire habang nag-kakantahan, habang ang iba naman ay masayang nagku-kwentuhan kasama ng mga kaibigan nila.

Sana may ganiyan din akong karaming kaibigan, kasi sabi nila, mas masaya daw kapag marami. Mabibilang mo lang kasi talaga sa daliri ang mga kaibigan ko, hindi pa nga yata lalampas sa sampu at karamihan pa doon, ay nakilala ko nang tumira ako kay Soobin noon.

Pero ayos lang, kahit konti lang naman ang kaibigan ko masaya pa din naman ako. Kaya nga lang, hindi ko na sila nakakasama simula nung araw na umalis na ako sa puder ni Soobin. Nahihiya kasi akong bisitahin sila e, baka kapag nagkita kami bigla nalang nila akong abandunahin dahil bigla ko nalang silang iniwan ng walang pasabi at tinago ko pa sa kanila ang totoong pagkatao ko.

"Nga pala, pwede bang mag-tanong?" Pambabasag niya sa katahimikan.

Tinignan ko naman siya at nakikita ko sa mga mata niya ang kuryosidad.

"Of course." Sagot ko.

"M-Magkaano-ano kayo ni Soobin?" Tanong niya.

Hindi naman ako nakasagot kaagad. Anong isasagot ko? Na mag-kaibigan kami? E hindi ko pa nga alam kung tuluyan niya na ba talaga akong napatawad. Kasi kung napatawad na niya ako, babalik na siya sa dating Soobin na kilala ko. Siguro, magkakilala kami?

"Ahm, magkakilala?" Patanong kong sagot.

Napataas naman ang isang kilay niya.

"Magkakilala? Come on, I know Soobin. He wouldn't give you that necklace if you're not special to him. So it's impossible that your just know each other." Sagot niya sa akin habang nakangisi at nakatingin sa kwintas na bigay sa akin ni Soobin.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now