Chapter 23

270 21 8
                                    

JOSHUA JUNG

"Tito, tita, pwede ko po ba kayong makausap?" Tanong ko kayla tita na ngayon ay nagtatawanan habang nakaupo sa sofa.

Napaangat naman ang tingin nila sa akin. Lumunok muna ako bago mag-salita, hindi naman kami ganon ka-close nina tita kaya lang kailangan ko na talagang gawin ito para kay Kacey.

"Ano yon, Josh?" Si tito ang nagsalita.

"Ahm, tungkol po kay Kacey."

"What about Kacey?"

"Tita, gusto ko po tong sabihin sa inyo dahil naaawa na po ako kay Kacey. I know po na wala siyang sinasabing problema sa inyo pero sa akin, meron. Si Soobin, siya yung lalaking iniiyakan ni Kacey gabi-gabi dahil sa pagka-miss at lungkot." Panimula ko.

Napatakip naman ng bibig si tita.

"Oh my gosh, she's crying everynight? Why? Anong dahilan?" Alala niyang tanong.

"Si Soobin po." Sagot ko. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Soobin? That name seems familiar," Ika niya.

"Siya po yung kumupkop kay Kacey nang maglayas siya."

"Oh—" Hindi na natapos ni tita ang pagsasalita niya nang putulin yon ni tito.

"Honey, let Josh speak first for us to know the whole story, mamaya na yang reaction mo." Saway ni tito sa kaniya.

"Oh, I'm sorry. Okay, Josh, speak."

"Hindi ko na po kasi maatim na araw-araw, oras-oras, sinasabi sa akin ni Kacey kung gaano niya ka-miss si Soobin, kung paano po siya nagsisisi sa ginawa niya. Tita, kinwento po ni Kacey sa akin ang lahat ng nangyari. Kinamumuhian daw po ni Soobin ang mga katulad niyo dahil sa isang trahedyang nangyari dito, yon po ang sabi sa akin ni Kacey. At nang malaman ni Soobin na isa siyang mayamang tao, nilayuan daw siya ni Soobin saka pumunta sa ibang lugar para kalimutan siya at lahat ng mga nangyari dito."

"Tito, tita, saksi po ako sa mga araw na umiiyak si Kacey at minsan ay natutulala, kung makikita niyo po siya maaawa po talaga kayo. I know, wala po akong karapatan na sabihin sa inyo ang mga to pero nag-aalala na po kasi ako kay Kacey bilang kaibigan niya. May naisip po kasi akong plano para po magkaayos na din po sila, at yon na din po ang naiisip ko na maging birthday gift para sa kaniya." Saad ko.

Nagkatinginan naman silang mag-asawa at patang naguusap gamit ang tingin.

Binasa ko ng laway ang pang-ibabang labi ko para mabawasan ang kaba ko.

Sana pumayag sila, para rin naman kay Kacey tong gagawin namin e. Mabuti na nga lang at tulog si Kacey ngayon, may panahon ako para makausap sina tita para sa problema niya.

Naaawa na kasi talaga ako sa babaeng yon at the same time, naiirita na din. Paano ba naman kasi, kapag magkasama kami bukambibig niya lagi yong Soobin na yon. Kesyo ganito, ganiyan, hay naku! Kaya imbis nasa bar ako, lagi ko siyang sinasamahan dahil alam ko kapag mag-isa siya, nadedepress siya. Ayoko namang mangyari yon sa girl bestfriend ko slash ex-fiance ko.

Gusto ko na silang mag-kaayos ni Soobin na yon para matigil na siya sa pagdadrama niya, pati bar life ko naiistorbo na e. Hahaha! Aba, magda-dalawang buwan na akong tigang.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now