Chapter 6

308 20 42
                                    

KACEY KIM

Nagising ako dahil sa tilaok ng manok galing sa kapit-bahay. Agad kong tinanggal ang—eh? Bakit ako may kumot? At nakahiga din ako sa kama, sa pagkakatanda ko nasa sala ako kagabi at hinihintay si—binuhat ba ako ni Soobin papunta dito?

Pakiramdam ko tuloy, tumalon yung puso ko sa tuwa dahil sa ginawa niya. Kahit hindi ako sigurado, alam kong siya ang nagdala sa akin sa kwarto, kaming dalawa lang naman dito sa bahay e. Ibig sabihin ba ay bati na kami? Ganon kasi ang nangyari sa panaginip ko kagabi e, napatawad niya na daw ako.

Tumayo na ako saka dahan-dahang lumabas ng kwarto. Ano kaya yung alamusal na niluto niya para sa akin ngayon? May naamoy kasi akong mabango.

Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko—

"Soobin?" Gulat kong sabi habang nakatingin sa kaniya.

Napatingin naman siya sa akin saka nginitian ako habang inaayos ang lamesa.

"Good morning." Bati niya sa akin. Nginitian ko naman siya pabalik.

"B-Bakit ka nandito? W-Wala ka bang trabaho ngayon?" Utal kong tanong sa kaniya.

"Bakit, ayaw mo ba ako dito?" Tanong niya habang matiim na nakatingin—nakatitig sa akin, bigla naman akong nailang kaya umiwas nalang ako ng tingin.

"H-Hindi naman sa ganon. Nagtataka lang ako kasi, kapag nagigising ako wala ka na." Paliwanag ko habang nakayuko.

Hindi naman siya sumagot kaya napaangat ako ng tingin pero nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na pala siya. Nang magtama ang mata namin, tumitig siya doon gamit ang mga mata niyang puno ng emosyon.

"Hindi ako pumasok ngayon dahil gusto kong bumawi sayo." Sabi niya saka binasa ang pang-ibabang labi niya gamit ang dila. Napatitig naman ako doon sandali pero agad ko ding inalis ang tingin ko.

Bakit biglang nag-init ang pisngi ko?

"P-Para saan? Di ba dapat ako ang bumawi kasi ako yung may kasalanan sayo?"

"Wala kang kasalanan, Kacey. Ako lang talaga yung gumagawa ng problema ko. Sorry, Kacey, sorry kasi hindi kita pinansin nitong mga nakaraang araw. Nadala lang ako ng damdamin ko noong araw na nawala ka, masiyado lang akong nag-alala tsaka nag-panic dahil sa pagkawala mo. Sumama din ang loob ko non, kasi naman pagkauwing-pagkauwi ko ng bahay, imbis na magpahinga na ako, hinanap pa kita, siguro nadala lang din ako ng pagod. I'm sorry, Kacey. Kaya ako hindi pumasok ngayon dahil gusto kong bumawi sayo, para mapatawad mo din ako. Gusto ko na kasing magkabati tayo." Seryosong sabi niya sa akin.

Sa mga sinabi niyang yon, hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso ko kaya hindi ko na napigilan na yakapin siya. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko kaya tatanggalin ko na sana ang pagkakayakap ko sa kaniya ng siya naman ang yumakap sa akin. Napangiti nalang ako ng gawin niya yon.

"Namiss kita, Soobin." Pag-amin ko sa kaniya.

"Talaga? Kahit isang araw palang tayong magkakilala miss mo na agad ako?" Tanong niya.

Tumango naman ako.

"Kahit isang araw pa lang tayong nagkakakilala, noong hindi mo ako pinansin parang andami ko agad namiss sayo. Namiss ko yung mga oras na nginingitian mo ako."

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now