Chapter 15

274 26 18
                                    

KACEY KIM

Pagkatapos kong mag-palit ng maayos na damit ay lumabas na ako ng kwarto. Umbis na nakasuot ako ng shorts, nakasuot ako ng jogging pants ngayon. Imbis na naka-sando ako, naka-t-shirt ako ngayon.

Wala e, kailangan sundin ang may-ari ng bahay na tinitirhan namin.

Pagbaba ko sa living room, naabutan ko si Mommy na nagbabasa ng diyaryo.

"Mom, akala ko po ba nandito na yung organizer?" Tanong ko sa kaniya bago umupo sa tabi niya.

Binaba niya naman yung diyaryo na binabasa niya bago ako sagutin.

"Umalis muna sila ni Soobin kanina, may binili yata." Sabi niya.

"Sino nga po pala yung organizer?"

"Hindi ko pa siya kilala e. Pagpasok niya kasi dito kanina, hinatak niya na agad si Soobin palabas. Pero mukha siyang model e, ang ganda niya, anak." Sabi sa akin ni Mommy na may ngiti sa labi.

Napakunot naman ang noo ko.

"Babae po siya?" Naitanong ko.

Tumango naman siya.

"Oo, bakit?"

"Babae? Bakit niyo naman po pinayagang umalis sila ni Soobin? Baka po anong gawin—" Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang putulin yon ni Mommy.

"Teka lang, anak. E ano naman kung magkasama sila ni Soobin? Wala namang problema doon. Tsaka buhay nila yon, nakikituloy lang namn tayo dito kaya wala akong karapatang pigilan sila. At ano naman kung may gawin sila? Malalaki na sila." Natatawang sabi sa akin ni Mommy.

"Malalaki? Mommy, 20 years old pa lang si Soobin." Giit ko.

"Paano mo naman nalaman?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin.

"B-Basta." Sagot ko nalang.

"E ano naman sayo? Bakit ang laki na agad ng problema mo e, lumabas lang naman silang dalawa na magkasama. Malay mo, may binili lang diyan. Ano bang problema doon? Ang OA mo." Sabi niya habang nakakunot ang noo.

Bumuga nalang ako ng hangin saka niyakap yung unan na nasa likod ko. Hindi ko na nasagot si Mommy, hindi ko rin naman alam kung anong problema ko e. Basta, naiinis ako kapag naiisip ko na magkasama sila. Tapos sabi ni Mommy maganda daw yung babae, posibleng magkagusto si Soobin sa kaniya—

Ano nga bang pakialam ko kung magkagusto si Soobin sa kaniya? Argh! Nakakainis! Edi magsama sila kung gusto nila!

"Oh, nandiyan na pala sila e." Sabi ni saka tumayo.

Hindi sana ako tatayo dahil inis pa din ako kaya lang sinamaan ako ng tingin ni Mom kaya no choice ako kundi tumayo.

Nakita ko si Soobin kasama yung babaeng nakasuot ng maikling short tsaka spaghetti strap. Bakit nung ako nagsuot niyan pinagalitan niya ako? Pero bakit yung babaeng yan, pinabayaan niya lang? Hmp. Dahil ba mas bagay sa babae tapos sa akin hindi?

Dapat pala hindi na lang ako nagpalit. Dapat pala hindi ko nalang siya sinunod. Kainis.

"Sorry, were late, may pinuntahan kasi kami ni Soobin. Hi, I'm Hartley El Ruah." Sabi nung babae habang nakalahad yung kamay kay Mommy.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora