Chapter 12

276 24 5
                                    

KACEY KIM

"Anak, tumigil ka na. Dalawang linggo mo na siyang hinahabol, pero wala pa ding nangyayari. Hindi ka pa din ba napapagod?" Tanong sa akin ni Mommy.

Ngumiti ako sa kaniya tsaka umiling.

"Hinding-hindi po ako mapapagod kakahabol sa kaniya hangga't hindi niya po ako napapatawad." Sabi ko sa kaniya habang nag-susuklay ako ng buhok ko.

Ito na ang ikalawang linggo ko sa paghahabol sa kaniya at ang paghingi ng tawad. Araw-araw ko siyang pinupuntahan sa bahay niya, kahit madaling araw pa nandon na ako sa tapat ng bahay niya para maabutan ko siya. Tuwing madaling araw kasi siya umaalis para pumasok sa trabaho.

Sa araw-araw ko na paghahabol sa kaniya wala siyang ginawa kundi pagtabuyan ako. Masakit, oo, kaya lang kailangan kong magtiis para mapatawad niya ako.

Ilang beses na din niya akong pinapatigil sa ginagawa ko pero hindi ko pa din ginagawa. Hindi ko kasi kaya e, hindi ko kaya na ganito kami ni Soobin. Hindi ko kayang magalit siya sa akin.

Kaya hindi ako titigil hangga't hindi nababalik sa dati ang lahat.

Ilang beses ko na ding sinubukang mag-paliwanag sa kaniya kaya lang ayaw niya talagang makinig sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako bago tumayo.

"Aalis na po—" Hindi ko na naipagpatuloy ang pagsasalita ko nag makita ko si Mom na natutulog sa kama ko.

Tuwing umaalis kasi ako tuwing madaling araw, gusto niya akong bantayan. Ewan ko ba diyan kay Mommy, hindi naman ako magpapakamatay.

Hinalikan ko nalang siya sa noo tsaka kinumutan bago ako lumabas sa kwarto.

Kinuha ko na yung susi ko tsaka pumuntang parking lot para punthan yung kotseng gagimitin ko. Pumasok na agad ako doon saka nag-drive paalis.

Meron na kasi akong minors license kaya kahit 17 palang ako, pwede na akong mag-drive.

Alas-kuwatro imedya palang ng madaling araw pero nasa tapat na agad ako ng bahay ni Soobin. Nakasuot ako ng jacket dahil alam kong malamig saka papapakin ng mga lamok ang balat ko.

Hinanda ko na rin yung sarili ko sa mga masasakit na salitang maririnig ko mula sa kaniya. Medyo nasanay na nga ako kaya lang hindi ko pa din maiwasang masaktan.

Namimiss ko na yung dating Soobin na kilala ko, yung ngingitian ako, yung guguluhin yung buhok, yung kukurutin ang pisngi ko, tsaka ipaparanas yung mga bagay sa akin na hindi ko pa alam. Yung nakaka-appreciate ng ka-inosentehan ko.

Kailan kaya niya ako mapapatawad?

Kailan kaya babalik yung dating pakikitungo niya sa akin? Kailan kaya siya ulit ngingiti sa akin? Kailan niya kaya magugulo ulit yung buhok ko? Kailan niya kaya ulit kukurutin yung pisngi ko?

Namimiss ko na siya.

Pinunasan ko ang luhang tumakas mula sa mga mata ko. Bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong magpakatatag. Kasalanan ko din naman e.

Maya-maya, narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng bahay niya kaya napatayo agad ako. Nakita ko siya na nakabihis na pang-trabaho niya, nang makita niya ako, blangko niya lang akong tinignan habang ako naman ay nginitian siya.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now