Prologue

649 31 6
                                    

KACEY KIM

"Anak, meet your fiance, Joshua Jung." Pagpapakilala sa akin ni Mommy sa lalaking kaharap ko ngayon.

Agad na nanlamig at nanlaki ang mata ko sa narinig. Nilahad sa akin ni Joshua ang kamay niya pero hindi ko yon magawang tanggapin.

"M-Mommy, I-I thought—" Naguguluhang sabi ko kay Mommy pero pinutol niya agad yon.

"Joshua, mag-uusap lang kami ng anak ko." Paalam ni Mommy kay Joshua na agad naman nitong tinanguan. Hinatak niya ako papuntang kitchen at doon hinarap. "Anak, It's for your own good. Mabibigyan ka ni Joshua ng magandang buhay kapag pinakasalan mo siya kaya namin naisip ng Daddy mo na ituloy ang deal." Dahilan niya pero hindi ako nagpatigil.


"But Mom, akala ko ba napag-usapan na natin to? We made it clear to each other that you will stop controlling my life. Lagi nalang bang ganito?" Sagot ko sa kaniya.

Lagi nalang. Mahirap ba para sa kanila na bigyan ako ng malayang buhay? Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Bakit ba hindi nila maintindihan yon?

"Anak, sana naman maintindihan mo kami ng Daddy mo. This for your own good." Sabi niya saka ako hinawakan sa kamay pero agad ko yung binawi.

"Maintindihan? Mom, buong buhay ko inintindi ko kayo. Sinunod ko lahat ng gusto niyo dahil sabi niyo para din naman sa akin ang ginagawa niyo pero, Mom, nakakasawa na. Pagod na akong sundin lahat ng mga gusto niyo kahit labag naman sa loob ko." Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mata niya. "Mom, alam mo kahit kailan na hindi ako nagreklamo sa inyo, lagi ko kayong sinusunod at iniintindi kahit ayoko. Pero sana naman ngayon ako naman ang intindihin ninyo. I'm tired living like this. I am not a robot para kang basta-basta niyong kontrolin." Hindi ko na napigilan ang luha ko na lumabas sa mata ko.


"Anak—" Sinubukan niya ulit akong hawakan pero hindi ko siya hinayaan.

"B-Buong buhay ko para akong aso na sunud-sunuran sa mga gusto niyo. Hindi ko naramdaman na ni-minsan na naging malaya ako. Ginawa niyo akong ganito which is hindi naman ako. Lagi niyo nalang ba akong kokontrolin? Hindi ba kayo napapagod o nagsasawa kaka-kontrol sa akin? Kasi ako, pagod na pagod na po." Sabi ko saka tuluyang humagulgol. Tinakpan ko ng dalawang palad ang mukha ko saka doon umiyak.

Naramdaman ko naman na niyakap niya ako kaya lalo akong napaiyak.

Labing-pitong taon na ako pero hanggang ngayon naka-depende pa din ang buhay ko sa kanila. Yung ibang mga magulang, tinuturuan nila yung mga anak nila na maging independent, pero ang mga magulang ko, hindi. Hindi ko nga alam kung bakit pa din ako sumusunod sa kanila e, siguro dahil ayokong ma-dissapoint sila sa akin? Ewan ko.


"I'm sorry, Anak. Pero ito nalang talaga ang paraan—" Sabi ni Mom saka humiwalay ng yakap sa akin.

"Paraan para sa ano po?" Putol ko sa sasabihin niya sana.

"Ito nalang; ikaw nalang ang paraan para maisalba ang kumpanya ng Daddy mo." Sabi ni Mommy habang umiiyak. Pinanlamigan naman ako dahil sa narinig ko.

Natulala nalang ako dahil sa sinabi niya pero patuloy pa din sa pag-agos ang luha sa mga mata ko. Para akong pinagsakluban ng langit dahil sa narinig ko mula sa kaniya.

Para maisalba ang kumpanya?


Napaatras ako saka napasandal sa lababo.

"G-Ginagamit niyo ako..." Naibulong ko.

"Anak, hindi sa ganon—"

"Eh ano?! Kung hindi pa pang-gagamit ang tawag niyo dito, eh ano?! Mom naman! Hindi ako isang robot o laruan para gamitin ninyo! May pakiramdam din naman ako, nasasaktan din ako..." Sabi ko na halos pabulong nalang dahil parang nawalan ako ng lakas para magsalita.

"Tama bang gawin niyo to sa sarili niyong anak? Ha? Mom? Minsan ba, sa mga desisyong ginawa niyo, minsan ba inisip niyo kung ano yung mararamdaman ko?" Tanong ko pero hindi siya nakapagsalita. "Hindi di ba?" Mapait na sabi ko saka pinunasan ang luhang parang ilog na rumaragasa sa pag-agos mula sa mata ko.

"I'm sorry, Mom. Pero hindi ko magagawa ang gusto niyo ngayon. Hindi ako magpapakasal sa isang estranghero para lang maisalba ang kumapanya. Hindi ako magpapagamit sa inyo, tapos na akong maging laruan ninyo." Yun lang ang sinabi ko saka tumakbo na palabas ng bahay namin.

Narinig kong tinatawag ako ni Mommy pero hindi na ako lumingon pa. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako napunta.

Nang mapagod ako, saka lang ako tumigil. Napaupo ako sa sobrang panghihina, sakto namang bumuhos ang ulan mula sa langit. Lalong lumakas ang pag-iyak ko na sinabayan naman ng kulog. Pakiramdam ko tuloy, nagdadalamhati din ang langit kasabay ko.

Bakit ba ganito ang buhay ko? Hindi pa ba sapat na sa loob ng labing-pitong taon ay sinunod ko ang mga gusto nila? Gusto pa talaga nila akong ipakasal sa isang lalaking ngayon ko lang nakilala para lang maisalba ang kumpanya. Bakit hindi nalang sila ang magpakasal tutal sila naman ang may gusto? Hindi yung ginagamit pa nila ako.

Napatingala ako sa langit, tinatanong siya kung bakit nagkakaganito ang buhay ko.

Bakit? Pagsubok mo ba to? Bakit parang sobra naman na yata? Buong buhay ko nalang nagmistulang pagsubok na hindi ko malampas-lampasan. Kailan ba to matatapos?

Ilang oras pa akong nakaupo lang sa gilid ng kalsada hanggang sa sumama ang pakiramdam ko. Basa pa din ako dahil wala naman akong pamalit na dala.


Umiikot na ang paningin ko at bumibigat na din ang talukap ng mga mata ko. Pinipilit kong pigilan ang antok pero wala na akong nagawa nang magdilim na ang paningin ko.

...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha. Pagdilat ko, nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

"N-Nasaan ako?" Tanong ko habang sinusubukang tumayo pero bigo ako.

Nanghihina pa ang katawan ko na kahit pagtayo ay hindi ko magawa. Napatakip nalang ako ng bibig nang umubo ako.

Inabutan naman ako ng lalaki ng tubig na agad ko namang ininom, hinagod niya din ang likod ko.

"Nandito ka sa bahay ko, nakita kasi kita sa kalsada na walang malay. Hindi ko naman alam kung saan ka nakatira kaya hindi ko alam kung saan ka ihahatid kaya idiniretso nalang kita dito." Sabi niya. Narinig ko tuloy ang malalim na boses niya.

"A-Ahh... s-sorry sa abala." Sabi ko nalang saka napayuko. Nakakahiya naman.

"Ayos lang. Pasensya na nga pala dito sa bahay ko, hindi ko pa kasi kayang magpatayo ng mansyon kaya tiis-tiis muna ako sa ganito." Sabi niya habang kinakamot ang batok. Nginitian ko nalang siya. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil una sa lahat, nagmagandang loob na siyang tulungan ako at pinatira pa niya ako dito kahit hindi niya ako kilala.

"A-Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Soobin. Choi Soobin."

PLAGIARISM IS A CRIME

-Angelkim_10 ♥♡♥

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now