Chapter 4

260 21 22
                                    

CHOI SOOBIN

"Kacey, nandito na ako!" Sigaw ko sa buong bahay nang makapasok na ako.

Nilapag ko yung bag ko sa monoblock na upuan ko dito sa bahay ko saka dumirteso sa kusina para mag-ukad ng kanin para sa aming dalawa.

Pagpunta ko sa kusina, napataas nalang ang kilay ko ng makitang malinis ito. Actually, buong bahay ko ay malinis. Natawa nalang ako ng konti at umiling-iling, kahit pala walang kaalam-alam sa mundo yung babaeng yun ay marunong naman palang siyang maglinis kahit papaano.

Kumuha ako ng dalawang plato saka isang mangkok para paglagyan ng ulam na binili ko kanina ng may madaanan ako barbeque-han. Bumili ako ng isaw tsaka laman.

Pagkatapos kong makakuha ng plato ay kukuha na sana ako ng kanin nang makitang wala itong bawas. Hindi ko alam pero nung makita ko itong walang bawas ay sumiklab ang kaba sa dibdib ko.

Agad akong pumunta sa kwarto niya saka kumatok pero ilang beses ko na itong kinalampag ay wala pa ding nagbubukas kaya binuksan ko na yon ng tuluyan, nakita ko ang maayos na kama niya doon pero wala siya. Pumunta naman ako sa cr pero wala din siya doon.

Napasabunot nalang ako ng buhok saka napapikit bago lumabas ng bahay. Nakita ko doon si Yeonjun habang kumakain ng banana que, nilapitan ko siya saka tinanong kung nakita niya ba si Kacey.

"Ah, siya ba yung magandang babae na lumabas kanina sa bahay mo?" Tanong niya habang may laman pa ang bibig.

Tumango naman ako.

"Oo, nakita ko siya kanina pagkauwi ko." Sabi niya.

"Saan?"

"Nandon siya sa gilid ng kalsada kanina, naglalakad habang nakatakip ang ilong. Anong problema non at ganon yon?" Tanong niya sa akin pero hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Bakit hindi mo siya tinawag?"

"Aba, hindi naman kami close non para tawagin ko siya. Malay ko bang trip niyang mag-walk trip sa daan, alangan namang istorbohin ko siya." Dahilan niya kaya napatampal nalang ako sa noo.

Minsan talaga hindi ko maiwasang isipin kung bakit ko naging kaibigan tong si Yeonjun e. Anong klaseng utak ba meron to?

"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga." Sabi ko bago tumakbo papunta sa kalsadahan.

Pagpunta ko doon, tinignan ko lahat ng path walk na pwede niyang puntahan pero wala siya. Tsk! Mag-gagabi na, nasaan na ba siya? Baka ano nang nangyari doon.

Ilang oras na akong naghahanap sa kaniya pero hindi ko pa rin siya nakikita inabot na ako ng alas nuwebe ng gabi. Gutom na gutom na ako at gusto ko nang magpahinga dahil pagod ako sa trabaho pero hindi ko naman siya pwedeng pabayaan nalang. Masiyado siyang inosente, baka mamaya may manantala sa kaniya.

Napabuntong hininga nalang ako saka umupo sa upuang kahoy na nakita ko. Saan ko pa ba siya pwedeng hanapin? Nagugutom, nauuhaw at napapagod na rin ako.

"Anak! Ikaw talagang bata ka! Kung saan saan ka nagpupupunta! Ang sabi ko sayo ay wang kang lalayo sa akin e."

"Sorry po, Mama." Napalingon ako sa lugar kung saan ko narinig ang mga boses na yon.

At ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang taong hinahanap ko.

KACEY KIM

"Ate, hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong sa akin ni Chris.

Nandito kami ngayon sa gilid ng kalsada. Sabi niya naliligaw din daw siya katulad ko noong makita ko siyang umiiyak sa harap ng isang malaking bahay kanina, kaya sinama ko nalang siya kaysa kung saan-saan pa siya mapunta.

Loving Him ll Choi Soobin ✔️Where stories live. Discover now